Diyosesis ng Antipolo
Ang Diyosesis ng Antipolo (Latin: Dioecesis Antipolensis) ay isang diyosesis ng Ritong latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas. Itinatag ang diyosesis noong 1983 mula sa dating Diyosesis ng Lingayen.
Diyosesis ng Antipolo Dioecesis Antipolensis | |
---|---|
Kinaroroonan | |
Bansa | Pilipinas |
Nasasakupan | Lalawigan ng Rizal at Lungsod ng Marikina[1] |
Lalawigang Eklesyastiko | Maynila |
Kalakhan | Antipolo, Rizal |
Estadistika | |
Populasyon - Kabuuan - Katoliko | (noong 2006) 3,250,000 2,410,000 (74.2%) |
Parokya | 54 |
Kabatiran | |
Denominasyon | Katoliko Romano |
Ritu | Ritong Romano |
Itinatag na - Diyosesis | 24 Enero 1983 |
Katedral | Pambansang Dambana ng Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay |
Patron | Inmaculada Concepcion |
Kasalukuyang Pamunuan | |
Papa | Francisco |
Obispo | Francisco De Leon |
Obispong Emerito | Protacio Gungon, Crisostomo Yalung, Gabriel Reyes |
Website | |
www.dioceseofantipolo.com |
Noong 23 Enero 1983, sa mensahe ng Orasyon, inihayag ni Papa Juan Pablo II ang paggawa sa Diyosesis ng Antipolo. Binubuo ito ng buong lalawigan ng Rizal, ang buong Lungsod ng Marikina, at ilang bahagi ng Lungsod ng Pasig (ang dating Bikaryo ng Santo Tomas de Villanueva, na ngayo'y kasama na sa Diyosesis ng Pasig). Ito ang lugar na dating kilala sa Arkidiyosesis ng Manila bilang Eklesyastikong Distrito ng Silangang Rizal. Naitatag na makanoniko ang diyosesis noong 25 Hunyo 1983 at isang supragan ng nasabing arkidiyosesis.
Ang unang residenteng obispo ng diyosesis ay si Protacio Gungon. 3 Disyembre 2001, pinalitan siya ni Reb. Crisostomo Yalung bilang ikalawang obispo. Ang ikatlong obispo ng diyosesis si Gabriel V. Reyes, dating obispo ng Kalibo sa Aklan. Ang kasalukuyang Obispo ng diyosesis ay si Francisco M. De Leon.
Nakaranas na ang diyosesis ng ilang pagbabago sa kanyang nasasakupan simula nang mabuo ang Diyosesis ng Pasig. Nasa limang parokya mula sa mga hangganan ng Lungsod ng Pasig ang naibigay sa bagong tayong diyosesis kasama na ang mga nagsisilbing mga pari nito.
Nagdiwang ang Diyosesis ng Antipolo ng kanilang Silver Jubilee ng pagkakatatag noong 2008. Ang tema ng pagdiriwang "25 Taon ng Mabuting Paglalakbay: Pasasalamat, Pagdiriwang at Panibagong Pagsasabuhay!". Malaking pagdiriwang ang ginanap noong 5 Disyembre 2008 sa Katedral ng Antipolo para sa pagtatapos ng isang taong pagdiriwang. Ang Apostolic Nuncio sa Pilipinas, ang Lubhang Kgg. Edward Joseph Adams, D.D., ang nagpasinaya ng pagdiriwang. Gayundin naman, ang ikalawang Sinodo ng Diyosesis ay pinaplanong ganapin sa 2010 para makita ang mga pangangailangang pang-ispiritwal at pangpastoral.
Sa kasalukuyan ang Diyosesis ng Antipolo ay itinuturing na is sa pinakamalaking lokal na simbahan sa bilang ng mga Katoliko. Mayroon itong mga paring pangdiyosesis na umaabot sa 76. Mayroon din itong nasa 30 pangunahing (kolehiyo at theolohiya) seminaryo at 74 na minor (mataas na paaralan) na seminaryo mula sa John Paul II Minor Seminary sa diyosesis. May tinatayang 40 na kongregasyon rin ang nagsisilbi sa diyosesis.
Sa lahat ng 86 na eklisyastikong hurisdiksiyon sa Pilipinas ngayon, ang Diyosesis ang ikalima sa pinakamalaking lokal na simbahan ayon sa bilang ng mga katoliko, sumunod sa Arkidiyosesis ng Cebu, San Fernando (Pampanga), Manila, at Diyosesis ng Malolos (Bulacan). Ang populasyon ng buong lugar na nasasakupan ng diyosesis ay 3,037,029, kung saan 2,429,665 (80%) ang mga Katoliko.
Mayroon itong 54 parokya sa buong Lalawigan ng Rizal at Lungsod ng Marikina.
Mga Namuno
baguhin- Protacio G. Gungon (Enero 24, 1983 - Oktubre 18, 2001) †
- Crisostomo A. Yalung (Disyembre 3, 2001 - Oktubre 19, 2002)
- Gabriel Villaruz Reyes (Enero 29, 2003 - Setyembre 9, 2016)
- Francisco Mendoza de Leon (Setyembre 10, 2016 - kasalukuyan)
Tignan rin
baguhinMga Sanggunian
baguhin- ↑ "Diocese of Antipolo." Claretian Publications. Web. 18 Dis. 2011. (sa Ingles)