Rizal

lalawigan ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa Lalawigan ng Rizal)
Tungkol sa lalawigan ang artikulong ito. Para sa ibang pang gamit, sumangguni sa Rizal (paglilinaw).

Ang Rizal ay isang lalawigan sa gitnang bahagi ng isla ng Luzon sa Pilipinas. Pinapaligiran ito ng Kalakhang Maynila sa kanluran, sa hilaga ang Bulacan, sa silangan ang lalawigan ng Quezon, at Laguna sa timog. Pinangalan ang lalawigan na ito sa pambansang bayani ng Pilipinas na si Gat. Jose Rizal. At ang lalawigang ito ay bahagi ng Malawakang Maynila.

Rizal
Lalawigan ng Rizal
(Mula itaas hanggang ibaba) Masungi Georeserve, Hinulugang Taktak, Pililla Wind Farm, Angono Petroglyphs at mga Bulubunduking Sierra Madre sa Tanay.
Watawat ng Rizal
Watawat
Opisyal na sagisag ng Rizal
Sagisag
Awit: Rizal Mabuhay
Lokasyon sa Philippines
Lokasyon sa Philippines
OpenStreetMap
Map
Mga koordinado: 14°40′N 121°15′E / 14.67°N 121.25°E / 14.67; 121.25
RehiyonPilipinas
ItinatagHunyo 11, 1901
Ipinangalan kay (sa)José Rizal
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Antipolo (mula July 7, 2020)
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorNina Ricci A. Ynares (NPC)
 • Bise GobernadorReynaldo H. San Juan, Jr. (PFP)
 • LehislaturaRizal Provincial Board
Lawak
 • Kabuuan1,191.94 km2 (460.21 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawakika-73 sa lahat ng 81
Pinakamataas na pook1,509 m (4,951 tal)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan3,330,143
 • Ranggoika-4 sa lahat ng 81
 • Kapal2,800/km2 (7,200/milya kuwadrado)
 • Ranggo sa densidadUna sa lahat ng 81
DemonymRizaleño
Mga dibisyon
 • malalayang lungsod0
 • Mga bahaging lungsod
 • Mga munisipalidad
 • Mga Barangay189
 • Mga distrito
Demograpiya
 • Etnikong grupo
 • Mga wika
Sona ng orasUTC+8 (PST)
ZIP code
1850–1990
IDD:area code+63 (0)2
Kodigo ng ISO 3166PH-RIZ
Websaytrizalprovince.ph

Kasaysayan

baguhin

Isa sa mga patunay ng sinaunang pamayanan sa Rizal ay ang mga ukit sa isang kuweba sa Angono na tinaguriang mga Petroglipo ng Angono. Tinatayang ginawa noong 1000 BC, ang mga petroglipo ay kinabibilangan ng mahigit 120 ukit na hugis tao, palaka, at butiki.

Ang mga sinaunang mamamayan ng lalawigan ng Rizal ay unang nanirahan sa mga pampang ng Laguna de Bay. Bago dumating ang mga Kastila, ang mga pamayanang ito, gayundin ang mga pamayanan sa pampang ng Ilog Pasig, ay pinamumunuan ni Raha Sulayman na pamangkin ni Lakandula, ang pinuno ng Tondo.

Matapos gapiin ng unang Kastilang gobernador-heneral na si Miguel López de Legazpi ang mga raha, inatas niya sa kanyang pamangkin na si Juan de Salcedo na lupigin ang mga bayan sa katimugan ng Luzon. Noong 1571, sunod-sunod na nakuha ni Salcedo ang mga bayan sa pamamagitan ng diplomasiya at pakikipagkasundo sa mga mamamayan.

Inorganisa ang mga bayan sa mga munisipyo ng gobyernong Kastila sa Maynila. Matapos nito, ipinadala ang mga misyonero tulad ng mga Pransiskano at Heswita upang magtayo ng mga simbahan sa mga bayan at ipalaganap ang Kristiyanismo. Isa sa mga unang simbahan ay ipinatayo ng Heswitang si Padre Pedro Chirino, Kastilang iskolar na sumulat ng mga aklat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

Bago pa man maging lalawigan ang Rizal, ang mga pamayanan nito ay naging bahagi ng mga lalawigan ng Tondo at Laguna noong panahon ng mga Kastila. Gayunpaman, bago dumating ang mga Kastila, ang mga bayan ng Pasig, Parañaque, Taytay at Cainta ay binubuo na ng mga pamayanang Tagalog na nakikipag-ugnayan na sa mga Tsino at iba pang mga Asyano.

Noong 1853, ang mga bayan ng Morong, Pililla, Tanay, Baras, Binangonan, Jalajala, Angono, Antipolo, Boso-Boso, Cainta at Taytay ay inalis sa lalawigan ng Tondo at inilipat sa bagong tatag na Distrito Politico-Militar de los Montes de San Mateo. Makalipas ang apat na taon, ito ay pinangalanang Distrito-Militar de Morong upang bigyang-diin na Morong ang kabisera ng distrito.

Noong 1860, ang lalawigan ng Tondo ay naging lalawigan ng Maynila at ang lahat ng bayan nito ay isinailalim sa pangagasiwa ng gobernador ng Maynila.

Sa kalagitnaan ng hidwaang Pilipino-Amerika noong 1900, sinimulan ang diskusyon ukol sa pagsasanib ng mga lalawigan ng Maynila at Morong. Noong 5 Hunyo 1901, 221 delegado ang dumalo sa pagpupulong sa Simbahan ng Pasig. Sa pagpupulong na ito, iminungkahi ni Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera na pagsamahin ang Maynila at Morong sa isang lalawigan ng tatawaging Rizal bilang paggunita sa bayaning si Dr. José Rizal.

Noong 11 Hunyo 1901, sa pamamagitan ng Batas Blg. 137, nilikha ng Ikalawang Komisyon sa Pilipinas ang lalawigan ng Rizal na binubuo ng 19 na bayan mula sa Maynila at 14 na bayan mula sa Morong sa kabuuang 33 bayan.

Sa loob ng maraming taon, nagbago ang kinasasakupan ng lalawigan ng Rizal hanggang sa ito ay buuin ng 26 na bayan (maliban sa mga lungsod ng Kalookan, at Quezon): Las Piñas, Malabon, Makati, Parañaque, Taguig, Pateros, Pasig, Marikina, Muntinlupa, Mandaluyong, Navotas, San Juan, San Mateo at Montalban (mula sa dating lalawigan ng Maynila), at Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Antipolo, Cardona, Jalajala, Morong, Pililla, Tanay, Taytay at Teresa (mula sa Distrito-Militar de Morong).

Noong 7 Nobyembre 1975, sa pamamagitan ng Atas ng Pangulo Blg. 824, ang 12 sa pinakamaunlad na mga bayan ng Rizal—Las Piñas, Muntinlupa, Taguig, Parañaque, Pateros, Makati, Mandaluyong, San Juan, Malabon, Navotas, Pasig at Marikina—ay inilipat sa bagong tatag na Kalakhang Maynila. Kabilang din sa bagong rehiyon ang bayan ng Valenzuela na dating sa Bulacan, at ang mga lungsod ng Quezon, at Kalookan.[2]

Sa ngayon, ang lalawigan ng Rizal ay binubuo na lamang ng 14 na bayan—San Mateo, Montalban, Cainta, Taytay, Angono, Antipolo, Binangonan, Teresa, Morong, Cardona, Tanay, Pililla, Baras at Jalajala.

Noong 13 Pebrero 1998, nilagdaan ng Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Pambansa Blg. 8505 na nagtatag sa bayan ng Antipolo bilang isang lungsod. Ito ay niratipika matapos ang plebisitong ginawa noong 4 Abril 1998.

Heograpiya

baguhin

Nasa silangan ng Kalakhang Maynila ang lalawigan ng Rizal. Matatagpuan ito 20 kilometro silangan ng Lungsod ng Maynila. Pangkahalatang mabundok ang lupain ng lalawigan, at karamihan ng mga bayan sa katimugang bahagi ay naghahanggan sa Lawa ng Laguna.

Pampolitika

baguhin

Pampolitika na nahahati ang Rizal sa 13 bayan at 1 lungsod.[3]

Lungsod/Bayan Bilang ng mga
Barangay
Sukat
(km²)
Populasyon
(Senso noong 2010)
Densidad
(bawat km²)
Angono 10 26.10
Antipolo 16 306.10 677,741 2,214.12
Baras 10 84.93 32,609 385.95
Binangonan 40 66.34 249,872 3,766.54
Cainta 7 26.81 311,845 11,631.68
Cardona 18 28.56 47,414 1,660.15
Jalajala 11 44.12 30,074 681.64
Morong 8 37.58 52,194 1,388.88
Pililla 9 69.95 59,527 850.99
Rodriguez 11 312.70 280,904 898.31
San Mateo 15 55.09 205,255 3,725.81
Tanay 19 200.00 98,879 494.3
Taytay 5 38.80 288,956 7,447.32
Teresa 9 18.61 47,163 2,534.28

Kawing Panlabas

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "List of Provinces". PSGC Interactive. Makati, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Septiyembre 2016. Nakuha noong 23 October 2013. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  2. Rizal Provincial Government Official Website Naka-arkibo 2017-09-28 sa Wayback Machine.. Provincial Government of Rizal. Hinango noong 10 Hulyo 2016.
  3. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-08-03. Nakuha noong 2013-08-02.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)