Datu Andal Ampatuan, Jr.

Si Datu Andal Ampatuan, Jr. ang kasalukuyang Punong-bayan ng Datu Unsay, Maguindanao. Miyembro ng pamilyang Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao, sa pulo ng Mindanao sa Pilipinas[1] Ang kanyang kapatid na si Zaldy Ampatuan naman ang pangrehiyong gobernador nang Nagsasariling Rehiyon sa Muslim na Mindanao (ARMM).

Datu Andal Ampatuan
Kapanganakan15 Agosto 1960
  • ()
MamamayanPilipinas
Trabahopolitiko
Magulang
PamilyaZaldy Ampatuan

Nakilala ang Ampatuan sa buong mundo noong Nobyembre 2009 dahil sa Pamamaslang sa Maguindanao. Tatakbo siya bilang gobernador ng lalawigan katunggali si Esmael Mangudadatu sa darating na halalan sa 2010. Subalit, ilang babaeng kamag-anak ni Mangudadatu at ilang grupo ng mga mamamahayag ang tinambangan at napatay sa masaker, at si Ampatuan Jr. ang agad-agad na itinurong pangunahing suspek.[2] Dahil dito napatalsik siya at ang kanyang kapatid at ama sa namumunong partido na Lakas-Kampi-CMD nang tagapangulo ng partido na si Gilberto Teodoro.[3] Sumuko siya sa mga kinauukulan at sinampahan ng kasong pagpatay.[4] Mariin niyang itinanggi na mayroon siyang kinalaman sa nangyari,[5] kahit pa ilang mga saksi ang nagsasabing nakita nila si Andal sa pinangyarihan ng karumal-dumal na krimen.[6]

Personal na buhay

baguhin

Anak siya ni Gob. Datu Andal S. Ampatuan Sr. at Bai Laila Uy-Ampatuan. Ang kanyang asawa ay si Bai Zandria S. Ampatuan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ampatuans, Mangudadatus were allies for decades Naka-arkibo 2009-11-26 sa Wayback Machine.. Philippine Inquirer. 23 Nobyembre 2009.
  2. Conde, Carlos H.; Norimitsu Onishi (25 Nobyembre 2009). "Suspect in Philippine Election Killings Surrenders". The New York Times. Nakuha noong 26 Nobyembre 2009. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ubac, Michael Lim (25 Nobyembre 2009). "3 Ampatuans expelled from admin party". INQUIRER.net. Nakuha noong 27 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Tran, Mark (26 Nobyembre 2009). "Philippines massacre: police charge local politician with murder". BBC News. Nakuha noong 26 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Sisante, Johanna (26 Nobyembre 2009). "Andal Ampatuan Jr. denies hand in Maguindanao massacre". GMA News and Public Affairs. Nakuha noong 26 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. More witnesses link Ampatuan Jr. to massacre. ABS-CBN News. 27 Nobyembre 2009.


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.