Diyosesis ng Daet
Ang Diyosesis ng Daet (Latin: Daëntien(sis)) ay isang diyosesis na makikita sa bayan ng Daet sa eklesyastikong lalawigan ng Arkidiyosesis ng Caceres sa Pilipinas.
Diyosesis ng Daet Dioecesis Daëntiensis Diyosesis ng Daet | |
---|---|
Kinaroroonan | |
Bansa | Pilipinas |
Nasasakupan | Hilagang Kamarines |
Lalawigang Eklesyastiko | Caceres |
Kalakhan | Daet, Camarines Norte |
Estadistika | |
Populasyon - Kabuuan | (noong 2006) 508,360 |
Parokya | 30 |
Kabatiran | |
Denominasyon | Katoliko Romano |
Ritu | Ritong Latin |
Itinatag na - Diyosesis | 27 Mayo 1974 |
Katedral | Katedral ng Kabanal-banalang Santatlo |
Patron | San Juan Bautista |
Kasalukuyang Pamunuan | |
Papa | Francisco |
Obispo | Sede Vacante |
Bikaryo Heneral | Ronald Anthony P. Timoner |
Obispong Emerito | Benjamin J. Almoneda, D.D. |
Kasaysayan
baguhinAng kasaysayan ng Camarines Norte ay nakakabit sa kapatid nitong lalawigan, ang Camarines Sur, buhat pa noong ikalabing-anim na dantaon. Nang panahong iyon iisang lalawigan lamang sila na tinawag ng mga Espanyol na Tierra de Camarines - lupa ng mga lagakan ng mga butil, dahil na rin sa karamihan ng mga butil doon.
Ang Kristiyanismo ay unang naipakilala sa kabikulan noong 1569 ng prayleng si Alonso Jimenez, OSA. Tapos sinaliksik ni Kapitan Andres Ibarra ang rehiyon. Naiulat na si Kapitan Juan Salcedo ay dumaan sa Paracale, nagtayo ng isang kapookan na pinangalanan niyang Ciudad de Cacere, mula sa Caceres sa Espanya. Noong 1594 ang Camarineses ay isinailalim sa pamamahala ng mga Pransiskano, at ang kasunduang ito ay nagtagal hanggang sa pagtatapos ng pananakop ng mga Espanyol.
Taong 1829 ang Ambos Camarines - parehas na Camarines - ay hinati sa dalawang lalawigan, subalit pinagsama ulit noong 1824. Muli itong pinaghiwalay noong 1857 at nabuo noong 1893. Taong 1919 nang pinal nang pinaghiwalay ang Ambos Camarines sa Camarines Norte at Camarines Sur sa utos ng Batasang Pilipino.
Taong 1595 ang diyosesis ng Caceres ay nilikha, at sakop nito ang teritoryo ng Camarineses, Albay, Masbate, Catanduanes, Samar at Tayabas. Si Obispo Luis Baldonado ang una nitong obispo. Taong 1910 ang diyosesis ng Lipa ay itinatag at kinuha sa ibang mga probinsiya at ang Kabikulan naman ang natira sa diyosesis ng Caceres.
1951 nang ang diyosesis ng Nueva Caceres ay naging isang arkidiyosesis. 27 Mayo 1974 nang ang diyosesis ng Daet ay nalikha at naging isang supragan ng arkidiyosesis ng Caceres. Ang lubhang kagalang-galang Celestino R. Enverga, D.D. ang naitalagang unang obispo. Ang diyosesis ay binubuo ng lalawigang sibil ng Camarines Norte na binubuo ng 12 bayan at 316 barangay. May kabuuang lawak na 2,112 kilometro kuwadrado ang nasasakop nito, may populasyon na 400,676 kung saan 96 porsiyento ay mga Katoliko. Ang tituladong patron ay ang Banal na Santatlo, at si San Jose ang Manggagawa bilang pangalawang patron na ang kapistahan ay ipinagdiriwang ng diyosesis tuwing 1 Mayo.
Ang Camarines Norte ay ang kahila-hilagaan lalawigan ng Bicol Peninsula o Ikalimang Rehiyon. Ito ay napapaligiran sa hilaga ng Lamon Bay at ang Karagatang Pasipiko kung saan nanggagaling ang maraming suplay ng isda. Mga palay at mais ang nakatanim sa talibis, mga abaca sa mga burol. Kilala rin ito sa mga makapigil-hiningang tanawin ng mga beaches.
Ngunit ang pinaka-mahalagang likas na yaman na parehas na nakaakit sa mga Espanyol at mga Amerikano ay ang mga ginto, pilak at iba pang deposito na natagpuan sa Camarines Norte, lalo na sa bayan ng Paracale kung saan ang mga ginto ay namimina. Ayon sa mga tala makikita na sumunod sa Lalawigang Bulubundukin (ngayon ay Benguet, Ifugao, Lalawigang Bulubundukin at Kalinga-Apayao) ang Camarines Norte ay ang pinakamayaman na mapagkukunan ng mina sa bansa.
Iba't-ibang gawain ang isinasagawa ng Diyosesis upang pangalagaan at itaguyod ang pananampalataya ng mga tao. May mga liham pastoral na binabasa tuwing Linggo sa Misa at pinag-uusapan sa mga pulong at sa radyo, at pagkatapos ay ipinadala sa mga lider ng samahan at mga negosyo para malinaw sa mga nasasakupan at mga kasamahan.
Ang diyosesis ng Daet ay may 5 bikarya at 30 na parokya na pinaglilingkuran ng 62 mga pari at mga relihiyoso 23 relihiyosong babae at lalaki. Sa ngayon may 24 na Basic Ecclesial Communities na naitatag sa diyosesis.
Mga Bikarya
baguhinBikarya ng San Rafael Arkanghel
- Parokya ni San Rafael Arkanghel
- Parokya ni San Felipe Apostol
- Parokya ni San Nicholas de Tolentino
- Parokya ni San Lorenzo Ruiz de Manila
- Parokya at Dambana ni San Antonio de Padua
- Munting Parokya ng Ina ng Laging Saklolo
- Munting Parokya ni San Isidro Labrador
Bikarya ng San Juan Bautista
- Parroquia de San Juan Bautista
- Parokya ni San Jose, Esposo ng Mahal na Birhen Maria
- Parokya ng Dakilang Awa ng Diyos
- Parokya ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia
Bikarya ng San Pedro Apostol
- Parroquia de San Pedro Apostol
- Parokya ng Nuestra Señora dela Paz y Buenviaje
- Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima
- Munting Parokya ni San Pablo Apostol
- Parokya ni San Francisco de Asis
- Parokya ni San Vicente Ferrer
Bikarya ng San Juan Ebanghelista
- Parokya ni San Juan Ebanghelista
- Parokya ni San Cayetano
- Munting Parokya ng Banal na Mag-Anak
Bikarya ng Nuestra Señora de Candelaria
- Parroquia de Nuestra Señora de Candelaria
- Parokya ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo
- Parokya ni San Roque
- Parokya ni San Roque de Batobalani
- Parokya ni San Roque de Tabas
Bikarya ng Santa Lucia Birhen at Martir
- Dambanang Pandiyosesis ng Poong Hesus Nazareno
- Parokya ni Santa Lucia
- Parokya ni Apostol Santiago
- Parokya ni San Diego de Alcala
Bikarya ng Santa Elena
- Parokya ni Santa Elena Emperatriz
- Parokya ni San Lorenzo, Diyakono at Martir
- Parokya ng Pagdalaw ng Mahal na Birhen Maria
Mga Namuno
baguhin- Mga Obispo ng Daet (Romanong rito)
- Obispo Rex Andrew C. Alarcon, D.D. (2019 - 22 Pebrero 2024)
- Obispo Gilbert A. Garcera, D.D. (4 Abril 2007 – 2017)
- Obispo Benjamin J. Almoneda, D.D. (7 Hunyo 1991 – 4 Abril 2007)
- Obispo Celestino Rojo Enverga, D.D. (27 Mayo 1974 – 16 Oktubre 1990)