Ang doxorubicin ay isang gamot laban sa kanser. Itong gamot na ito ay binebenta sa mga pangalan na Adriamycin at Rubex. Ito ay karaniwan ginagamit sa kimoterapya dahil sa husay nito sa pagpuksa ng mga mapagpahamak na tumor.

Doxorubicin
Datos Klinikal
Mga tatak pangkalakalDoxil
AHFS/Drugs.commonograph
MedlinePlusa682221
Kategorya sa
pagdadalangtao
  • AU: D
  • US: D (Patunay ng panganib)
Mga ruta ng
administrasyon
Intravenous
Kodigong ATC
Estadong Legal
Estadong legal
  • UK: POM (Tanging reseta)
  • US: Rx-only
Datos Parmakokinetiko
Bioavailability5% (Oral)
MetabolismoCYP3A4
Biyolohikal na hating-buhay12–18.5 hours when released from liposomes [1]
EkskresyonBiliary and fecal
Mga pangkilala
Bilang ng CAS
PubChem CID
DrugBank
ChemSpider
UNII
KEGG
ChEBI
ChEMBL
ECHA InfoCard100.041.344
Datos Kemikal at Pisikal
PormulaC27H29NO11
Bigat Molar543.52 g/mol
Modelong 3D (Jmol)
 NY (ano ito?)  (patunayan)

Ang abilidad ng gamot pang kimoterapya na pumatay ng mga selula ay nakabase sa kakayahan nito pahintuin ang pagpapalaganap ng mga selula. Ang karaniwan na aksiyon ng mga gamot ay ang ng pagsira sa mga DNA at RNA ng mga selula dahil itong dalawa na ito ay ang namamahala sa pagpapalaganap ng selula. Kung ang selula ay hindi na makapagpalaganap ito ay namamatay, at kung sobrang bilis ng pagpapalaganap ng selula, mas mabilis rin ito mapapatay ng mga kimoterapyang gamot.

Ang mga parte ng katawan na tinatamaan kanser na ginagamitan ng doxorubicin ay ang mga sumusunod: pantog, dibdib, ulo at leeg, lukemya, atay, baga, lymphomas, mesothelioma, maramihang myeloma, neuroblastoma, obaryo, pancreas, prostate, sarcomas, tiyan, bayag, teroydeo, at matris.

Binibigay ang doxorubicin sa mga tao sa pamamagitan ng pagturok ng gamot sa ugat ng tao. Maaari rin ibigay ang doxorubicin sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na paghalo ng tao sa sistema ng tao. Ang doxorubicin ay isang vesicant, matinding pagiingat ang kailangan tuwing nagtuturok ng gamot na ito sa mga ugat. Pag kumawala ang doxorubicin sa ugat at tumungo sa laman ng tao, maaring magdulot ng matinding sira at sakit sa mga pumapalubot na kalamnan. Ang wastong dami ng doxorubicin na ibibigay sa mga pasyente ay dumidepende sa mga sumusunod: tangkad, bigat, pangkalahatang kalusugan, tipo ng kanser, o ibang problema sa kalusugan.

Ang mga karaniwan nauunang pangalawang epekto ng doxorubicin ay ang sakit sa parte ng katawan kung saan tinurok ang gamot, pagkahilo, at pagsusuka. Sa kabilang dako, ang mga karaniwan na nahuhuling pangalawang epekto ay ang pagkakaroon ng mababang bilang ng dugo, pigsa sa bibig, at pagkawala ng buhok.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Laginha, K.M. "Determination of Doxorubicin Levels in Whole Tumor and Tumor Nuclei in Murine Breast Cancer Tumors." Clinical Cancer Research. October 1, 2005. Vol. 11 (19). Retrieved on April 19, 2007.