Ang Epinephrine, na nakikilala rin bilang adrenalin[3], adrenaline,[4] o β,3,4-trihydroxy-N-methylphenethylamine, ay isang hormona sa loob ng katawan. Ang mga salitang-ugat mula sa Latin na ad at renes ang mga salitang-ugat na Griyegong epi at nephros ay kapwa nangangahulugang "papaibabaw na papunta" at "papatong na papunta" sa bato, na isang pagtukoy sa mga glandulang adrenal. Sa pananalitang pangmedisina, ang epinephrine ay pinaiiksi bilang "epi" (binibigkas na /eh-pee/).

Epinephrine
Kalansay na pormula ng epinephrine (adrenaline)
Modelong Ball-and-stick ng epinephrine (adrenaline)
Datos Klinikal
Mga tatak pangkalakalEpiPen, iba pa
AHFS/Drugs.commonograph
MedlinePlusa603002
License data
Kategorya sa
pagdadalangtao
  • US: C (Hindi pa tiyak ang panganib)
Pananagutang
adiksyon
Wala
Mga ruta ng
administrasyon
IV, IM, endotracheal, IC, nasal, patak sa mata
Kodigong ATC
Estadong Legal
Estadong legal
  • AU: S4 (Tanging reseta)
  • UK: POM (Tanging reseta)
  • US: Prescription only/OTC
Datos Parmakokinetiko
Metabolismoadrenergic synapse (MAO at COMT)
Bugso ng aksyonMabilis.[1]
Biyolohikal na hating-buhay2 minuto
Tagal ng aksyonIlang minuto[2]
EkskresyonIhi
Mga pangkilala
Bilang ng CAS
PubChem CID
IUPHAR/BPS
DrugBank
ChemSpider
UNII
KEGG
ChEBI
ChEMBL
PDB ligand
ECHA InfoCard100.000.090
Datos Kemikal at Pisikal
PormulaC9H13NO3
Bigat Molar183.204 g/mol
Modelong 3D (Jmol)
  (patunayan)

Kasaysayan

baguhin

Ang hormone na ito ay unang naibukod at nadalisay noong 1901 ng imbistigador at kimikong Hapones na si Jokichi Takamine.[5] It was patented in the US with the name "adrenaline".[4] Si Takamine ang nagbigay dito ng pangalang adrenalin.[3] Inimbistigahan din ito ng parmakologong si John Jacob Abel ng Johns Hopkins University, na nagbigay dito ng opisyal nitong pangalan na epinephrine.[3]

Epekto sa katawan

baguhin

Ang epinephrine ay napakahalaga sa panandaliang reaksiyon sa stress (tingnan ang reaksiyong Fight or Flight. Pinatataas ng epinephrine ang antas ng tibok ng puso, na nakapagpapalaki sa mga balintataw ng mata, na nakapagpapalaki ng mga sisidlan ng dugo na nasa loob ng mga binti, at nakapagpapahina sa sistemang imyuno sa loob ng saglit na panahon. Dahil dito, ang epinephrine ay isang karaniwang panlunas para sa alerhiya na katulad ng Anaphylaxis. Ang masasamang mga reaksiyon sa epinephrine ay kinabibilangan ng mga palpitasyon ng puso (pagsikdo ng puso), tachycardia, pagkabalisa (anxiety), sakit ng ulo, tremor, altapresyon, at acute o malalang edemang pulmonaryo (manas ng baga).

Epekto sa baga

baguhin

Kapag nilanghap bilang isang ambon, ang epinephrine ay nakapagdurulot na mamahinga ang mga masel na nakapaligid sa mga bahagi ng baga, nakapagpapahintulot ng mas maraming hangin papasok sa mga baga. Nakakatulong ito sa paglunas ng hika o bronchiolitis.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Epinephrine". The American Society of Health-System Pharmacists. Nakuha noong Ago 15, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Nancy caroline's emergency care in the streets (ika-7 (na) edisyon). [S.l.]: Jones And Bartlett Learning. 2012. p. 557. ISBN 9781449645861.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Adrenalin". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 20.
  4. 4.0 4.1 Aronson, Jeffrey K. "'Where name and image meet'—the argument for 'adrenaline'," British Medical Journal (BMJ). 19 Pebrero 2000, Bol. 320, Isyu 2733, pp. 506-509; nakuha noong 2012-11-15.
  5. Pulvers, Roger. "Jokichi Takamine: a man with fire in his belly whatever the odds," Naka-arkibo 2012-10-16 sa Wayback Machine. Japan Times, June 28, 2009; retrieved 2012-11-25.

Mga kawing na panlabas

baguhin