Silangang Indiyas ng Espanya

(Idinirekta mula sa Espanya Silangang Indias)

Ang Silangang Indias ng Espanya (Kastila: Indias orientales españolas), ay ang mga teritoryong pinamunuan ng Imperyong Kastila sa Asya-Pasipiko mula 1565 hanggang 1901. Sa magkakaibang panahon, naging bahagi nito ang Pilipinas, Kapuluang Mariana, Kapuluang Carolina, Palau, at Guam, pati na ang ilang mga bahagi ng Formosa (Taiwan), Sulawesi, at Kapuluang Maluku. Kaugnay nito, isa sa mga naging tradisyonal na bansag sa Hari ng Espanya ang "Hari ng Silangan at Kanlurang Indiyas."

Silangang Indias ng Espanya
Indias Orientales Españolas
1565 — 1762
1764 — 1899
Eskudo ng Espanya
Eskudo

Awiting Makahari: Marcha Real
"Royal March"
Mapa ng Silangang Indiya ng Espanya
Mapa ng Silangang Indiya ng Espanya
KatayuanKolonya ng Imperyo ng Espanya
(Teritoryo ng Birrey ng Bagong Espanya mula 1565 hanggang 1821, at naging lalawigan ng Espanya mula 1821 hanggang 1899.)
KabiseraCebu
(1565-1571)
Maynila
(1571-1898)
Karaniwang wikaKastila, Tagalog, at iba pang katutubong mga wika.
Relihiyon
Romano Katolisismo
Monarkiya 
• 1565-1598
Felipe II
• 1896-1898
Alfonso XIII
Gobernador-Heneral 
• 1565-1572
Miguel López de Legazpi
• 1898
Diego de los Ríos
PanahonKolonisasyon ng mga Kastila
• Kolonisasyon
1565
1762
SalapiPeso fuerte
Pinalitan
Pumalit
Bagong Espanya
Unang Republika ng Pilipinas
Republika ng Negros
Pamahalaang Militar ng Estados Unidos ng mga Isla ng Pilipinas
New Guinea ng Alemanya

Pinangasiwaan ang mga teritoryong ito bilang bahagi ng Kapitaniya Heneral ng Pilipinas at ng Real Audiencia ng Maynila. Nagsilbi ang Cebu bilang unang kabisera nito, hanggang sa inilipat ito sa Maynila. Mula 1565 hanggang 1821, ang Bireynato ng Bagong Espanya sa Lungsod ng Mehiko ang namahala sa Silangan at Kanlurang Indiyas. Subalit, nang makamit ng Mehiko ang kalayaan mula sa Espanya, direkta itong pinamunuan ng Madrid.

Bunga ng Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898, sinakop ang Pilipinas at Guam ng Estados Unidos, samantalang ibinenta sa Alemanya ang malapit sa 6,000 natitirang mga pulo bunga ng Kasunduang Aleman-Espanyol ng 1899. Nang ratipikahin ang Kasunduan ng Washington noong 1901, ibinigay sa Amerika ang iilang natitirang isla sa teritoryo.

Kasaysayan

baguhin

Eksplorasyon at pananahan (1521–1643)

baguhin

Unang narating ng mga Kastila sa ilalim ni Fernando de Magallanes ang Kapuluang Mariana noong Marso 6, 1521, bilang bahagi ng unang sirkumnabegasyon ng mundo. Pinangalanan ni Magallanes ang Guam at ang kalapit nitong mga pulo na "Islas de los Ladrones" (Kapuluan ng mga Magnanakaw) matapos nakawin ng mga katutubo roon ang karamihan ng kargada ng isa sa kanyang mga galyon (ang Trinidad). Nagpatuloy pa-kanluran at narating ng ekspedisyon ang pulo ng Homonhon sa silangang Pilipinas noong Marso 16, nang may 150 katao lamang. Doon nagawa nilang makipag-usap sa mga katutubo sa pamamagitan ng kanilang interprete na si Enrique ng Malacca, na nakaiintindi ng kanilang salita. Matapos nito, nagtungo sila sa Cebu kung saan bininyagan ng kapelyan ni Magallanes na si Pedro Valderrama sina Raha Humabon (ang hari roon), ang kanyang asawa, at ang kanilang mga pinamumunuan.

Hinikayat ng birey ng Bagong Espanya na si Antonio de Mendoza ang patuloy na paggalugad sa mga teritoryong ito upang mapaunlad ang pangangalakal sa pagitan ng Silangang Indiyas at ng Amerika patawid ng Karagatang Pasipiko. Dahil dito, pinaglayag nito si Ruy López de Villalobos sa Pilipinas mula 1542 hanggang 1543. Noong 1565, nagpunta si Miguel López de Legazpi mula Mehiko at itinatag ang unang bayang Kastila sa Pilipinas, na siyang magiging bayan ng San Miguel na kasalukuyang lungsod ng Cebu. Sa taon ding iyon, nakahanap si Andrés de Urdaneta ng isang rutang pandagat mula sa Pilipinas hanggang Mehiko na siyang nagdulot sa mahalagang kalakalang galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco. Pagdating ng 1571, sinakop ng mga Kastila ang Maynila mula sa Sultanato ng Brunei at ginawa itong kabisera ng Kapitanya Heneral ng Pilipinas. Pinamunuan ito, pati na ang mga teritoryo sa Asya na inangkin ng Espanya, ng Bireynato ng Bagong Espanya sa Lungsod ng Mehiko.

Naghatid ang mga galyong Maynila-Acapulco ng mga produktong mula sa Asya-Pasipiko at sa Amerika, tulad ng seda, espesya, pilak, ginto, at iba pang mga bagay mula sa Asya-Pasipiko, papuntang Mehiko. Ang mga produktong ito ay idinadala naman papuntang Veracruz at ipinapadala papuntang Espanya at, sa pamamagitan ng kalakalan, sa kabuuan ng Europa. Hatid naman ng mga Espanyol-Mehikanong nabegador ang mga kaugalian, relihiyon, wika, pagkain, at kultura para sa Pilipinas, Guam, at Kapuluang Mariana.

Noong 1606, nagsimulang makipagkalakalan ang mga Kastila sa Kapuluang Maluku at nagpatuloy ito hanggang 1663. Nakipag-ugnayan din ang Espanya sa Hapon; kaugnay nito, pinadala si Sebastián Vizcaíno bilang embahador noong 1611, hanggang sa itinigil ng Hapon ang kalakalan sa Espanya. Sa hilagang silangang Taiwan, itinayo ng mga Kastila ang Kutang Santo Domingo malapit sa Keelung noong 1626 at nagtatag ng isang misyon sa Tamsui noong 1628 na kanilang inokupahan hanggang sa matalo sila sa Ikalawang Labanan sa San Salvador. Bumisita ang mga Kastila sa ilan pang mga pulo sa Pasipiko noong ika-16 na siglo, tulad ng Bagong Ginea (Yñigo Ortiz de Retez noong 1545), Kapuluang Salomon (Pedro Sarmiento de Gamboa noong 1568), at Kapuluang Marquesa (Álvaro de Mendaña de Neira noong 1595), ngunit hindi nakipagkalakalan o ginawang kolonya ang mga ito.

Noong 1668, itinatag ni Beato Diego Luis de San Vitores ang unang misyon sa Guam, kung saan naganap ang martiryo nila ni San Pedro Calungsod.

Sa gitna ng Digmaan ng Pitong Taon noong 1762, sinakop nang panandalian ng mga Briton ang lungsod ng Maynila. Subalit, hindi nila napasailalim ang mga pook sa labas ng Maynila, sapagkat nanatili sa panig ng Espanya ang kabuuan ng kapuluan dahil sa pagsisikap ng pinuno na si Simón de Anda y Salazar. Nangako ng suporta ang mga Briton para sa pag-aalsa nina Diego at Gabriela Silang ngunit hindi ito nagbunga. Nang matapos ang giyera, napagkasunduang ibalik sa mga Kastila ang Maynila, kasama ng Havana na sinakop din ng mga Briton, at kapalit ng Florida at Minorca. Tuluyang ibinalik ang Maynila noong Abril 1764.

Mga Teritoryo

baguhin

Ang Silangang Indiya ng Espanya ay binubuo ng:

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.