Wikang Kastila sa Pilipinas

datos tungkol sa wikang Kastilà sa Filipinas
(Idinirekta mula sa Espanyol sa Filipinas)

Ang Wikang Kastila ay ang opisyal na wika ng Pilipinas noong simula ng pamumuno ng mga Kastila noong mga huling bahagi ng ika-16 na siglo, hanggang sa pagtatapos ng Digmaang Kastila-Amerikano noong 1898. Nanatili ito, kasama ng Ingles, bilang de facto at opisyal na wika hanggang sa inalis ito noong 1973 sa pamamagitan ng pagbabago sa saligang-batas. Matapos ang ilang buwan, muli itong itinalaga bilang opisyal na wika sa pamamagitan ng isang atas ng pangulo at nanatiling opisyal hanggang 1987, nang inalis ng kasalukuyang saligang-batas ang opisyal nitong katayuan, at itinalaga na lamang ito bilang isang opsiyonal o hindi sapilitang wika.[1][2]

Ang wikang Kastila ay naging wika ng pamahalaan, edukasyon, at kalakalan noong buong panahon ng pananakop ng mga Kastila, at nagsilbi pa bilang lingua franca hanggang sa unang gitnang bahagi ng ika-20 siglo.[3] Ang wikang Kastila ang opisyal na wika ng Republikang Malolos, "sa ngayon", ayon sa Saligang Batas ng Malolos ng 1899.[4] Ang wikang Kastila rin ang opisyal na wika ng Republikang Kantonal ng Negros ng 1898 at ng Republika ng Zamboanga ng 1899.[5]

Noong unang bahagi ng pangangasiwa ng Estados Unidos sa mga Kapuluan ng Pilipinas, ang wikang Kastila ay malawak na sinasalita at matamáng napanatili sa buong panahon ng pananakop ng mga Amerikano.[3][6][7] Gayunpaman, ang wikang Kastila ang ginamit ng mga kilalang tao sa Pilipinas mula kina Trinidad Hermenegildo Pardo de Tavera y Gorricho hanggang sa Pangulo na si Sergio Osmeña at ang kanyang kahalili na si Pangulong Manuel Roxas. Bilang senador, si Manuel L. Quezon (kinalauna'y naging pangulo) ay nagbigay ng kanyang talumpati noong dekada ng 1920 na pinamagatang "Mensahe sa Aking mga Mamamayan" (Message to My People) sa wikang Ingles at Kastila.[8]

Nanatiling opisyal na wika ang Kastila hanggang sa ipinatupad ang isang bagong saligang-batas noong 17 Enero 1973, na nagtatakda sa Ingles at Pilipino, na binaybay sa kopya ng konstitusyon sa letrang "P" sa halip na ang mas modernong "F", bilang mga opisyal na wika. Hindi nagtagal makalipas noon, sa bisa ng Proklamasyon ng Pangulo Bilang 155 na may petsang 15 Marso 1973, iniutos na ipagpatuloy na kilalanin ang wikang Kastila bilang opisyal na wika, hangga't ang mga kasulatan ng pamahalaan sa wikang iyon ay nananatiling hindi naisasalin. Isang bagong saligang-batas na pinagtibay noong 1987 ang nagtakda sa Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika.[1] Bukod pa rito, sa ilalim ng Saligang-Batas na ito, itinatalaga ang wikang Kastila, kasama ang wikang Arabe, bilang kusa at opsiyonal na wika.[2]

May ilang libong mga hiram na salita mula sa Kastila ang nasa 170 mga katutubong wika sa Pilipinas, at naimpluwensiyahan ng alpabetong Kastila ang paraan ng pagbaybay na ginagamit sa pagsusulat ng karamihan sa mga wikang ito.[9] Ayon sa senso ng Pilipinas noong 1990, may 2,660 mga katutubong mananalita ng wikang Kastila sa Pilipinas.[10] Noong 2013, mayroon ding 3,325 mga naninirahang Kastila.[11] Gayunpaman, may 439,000 mananalita ng wikang Kastila na may katutubong kaalaman,[12] na 0.5% lamang ng kabuuang populasyon (92,337,852 noong senso ng 2010).[13] Noong 1998, may 1.8 milyong nagsasalita ng wikang Kastila kasama ang mga nagsasalita nito bilang kanilang pangalawang wika.[14]

Dagdag dito, tinatayang nasa 1,200,000 tao ang nagsasalita ng Chavacano, isang creole na batay sa wikang Kastila.[14] Noong 2010, tinaya ng Instituto Cervantes de Manila na ang bilang mga nagsasalita ng wikang Kastila sa Pilipinas ay nasa tatlong milyon, na sumasakop maging sa mga katutubo at di-katutubong nagsasalita ng Chavacano at Kastila, dahil may mga Pilipinong nakapagsasalita ng wikang Kastila at Chavacano bilang kanilang pangalawa, pangatlo, o pang-apat na wika.[15]

Kolonisasyong Kastila

baguhin

Nagsimulang maging isa sa mga wika ng kapuluan ang Kastila noong 1565, nang itatag ng manlalakbay na si Miguel López de Legazpi ang unang paninirahan sa Cebú.

Noong una, opsiyonal at hindi sapilitan ang pagtuturo ng wikang Kastila. Tulad sa kontinente ng Amerikas, nagsermon ang mga pari sa mga katutubo sa mga wikang lokal.

Noong 1593, itinatag sa kapuluan ang kauna-unahang palimbagan. Malaking bahagi ng kasaysayang kolonyal ng kapuluan ay nakasulat sa wikang Kastila. Marami pa ring mga titulo ng lupa, kontrata, diyaryo, at panitikan ang nakasulat sa wikang Kastila.

Binuksan noon 1611 ang Universidad de Santo Tomás, ang kauna-unahang institusyong pang-edukasyon. Noong 1863, ipinagutos ni Reyna Isabel II ng Espanya ang pagtatag ng isang sistemang paaralang pampubliko sa kapuluan.

Impluwensiya sa Tagalog at iba pang mga Wika

baguhin

May higit-kumulang na 4000 salitang Kastila sa Tagalog, at mga 6000 sa Bisaya at iba pang mga wika. Marami pa rin ang gumagamit hanggang sa ngayon ng sistemang bilangan, kalendaryo, oras, atbp. ng Kastila. Nakapreserba sa Tagalog at iba pang mga lokal na wika ang maraming makalumang salita o anyo ng mga salitang Kastila tulad ng sabon (jabón, kung saan binibigkas ang j nang parang /sh/, tulad ng sa medyebal na Espanya), relos (reloj, ganon ulit, gamit ang medyebal na Kastila na j), kwarta (cuarta), atbp. Kadalasan ang talasalitaan ay nasa pangmaramihan na bilang (plural form), tulad ng butones (boton), sibuyas (cebolla), uhales (ojal), manggas (manga) atbp.

Sa Cavite, at lalo na sa Zamboanga, sinasalita ang Chavacano, isang creole ng Kastila.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Article XIV, Section 3 of the 1935 Philippine Constitution Naka-arkibo 2013-06-15 sa Wayback Machine. provided, "[...] Until otherwise provided by law, English and Spanish shall continue as official languages." The 1943 Philippine Constitution Naka-arkibo 2013-06-14 sa Wayback Machine. (in effect during occupation by Japanese forces, and later repudiated) did not specify official languages. Article XV, Section 3(3) of the 1973 Philippine constitution Naka-arkibo 2013-06-15 sa Wayback Machine. ratified on January 17, 1973 specified, "Until otherwise provided by law, English and Pilipino shall be the official languages. Presidential Decree No. 155 dated March 15, 1973 ordered, "[...] that the Spanish language shall continue to be recognized as an official language in the Philippines while important documents in government files are in the Spanish language and not translated into either English or Pilipino language." Article XIV Section 7 of the 1987 Philippine Constitution Naka-arkibo 2016-04-03 sa Wayback Machine. specified, "For purposes of communication and instruction, the official languages of the Philippines are Filipino and, until otherwise provided by law, English."
  2. 2.0 2.1 Article XIV, Sec 7: For purposes of communication and instruction, the official languages of the Philippines are Filipino and, until otherwise provided by law, English. The regional languages are the auxiliary official languages in the regions and shall serve as auxiliary media of instruction therein. Spanish and Arabic shall be promoted on a voluntary and optional basis.
  3. 3.0 3.1 Rodao, Florentino (1997). "Spanish language in the Philippines: 1900–1940". Philippine studies. 12. Manila, Philippines: Ateneo de Manila University Press. 45 (1): 94–107. ISSN 0031-7837. OCLC 612174151. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-13. Nakuha noong 14 Hul 2010. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ang Saligang Batas ng Malolos ay nakasulat sa wikang Kastila, at walang inilabas na opisyal na salin sa Ingles. Mababasa sa Artikulo 93 ang ganito:"Artículo 93.° El empleo de las lenguas usadas en Filipinas es potestativo. No puede regularse sino por la ley y solamente para los actos de la autoridad pública y los asuntos judiciales. Para estos actos se usará por ahora la lengua castellana.";
    Sa isang literal na salin sa Ingles (orihinal na inilimbag bilang eksibit IV, tomo I, Ulat ng Komisyong Pilipino sa Pangulo, 31 Enero 1900, Kasulatang Senado blg. 188. Ika-56 na Kongreso unang sesyon.) mababasa ang ganito: "ART.93 The use of the languages spoken in the Philippines is optional. It can only be regulated by law, and solely as regards acts of public authority and judicial affairs. For these acts, the Spanish language shall be used for the time being.", Kalaw 1927, p. 443;
    Noong 1972, naglathala ang Pamahalaan ng Pilipinas (s/p Pambansang Suriang Pangkasaysayan o National Historical Institute [NHI]) ng Guevara 1972, na naglaman ng hindi gaanong katulad na salin sa Ingles ng Artikulo 93:"Article 93. The use of languages spoken in the Philippines shall be optional. Their use cannot be regulated except by virtue of law, and solely for acts of public authority and in the courts. For these acts the Spanish language may be used in the meantime." Guevara 1972, p. 117;
    May mga umiiral ding ibang salin (hal.Rodriguez 1997, p. 130);
    Hanggang noong 2008, tila higit na nananaig ang salin ng NHI sa mga lathalain, na inilalarawan ng ilang mga batis bilang "opisyal" o "pinagtibay":Rappa & Wee 2006, p. 67; Woods 2005, p. 218; Corpus Juris; LawPhil; (others).
  5. "History of The Republic of Zamboanga (May 1899 – March 1903)". Zamboanga City, Philippines: Zamboanga (zamboanga.com). 18 Hul 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-02. Nakuha noong 13 Ago 2010. {{cite web}}: External link in |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Gómez Rivera, Guillermo. "Statistics: Spanish Language in the Philippines". Circulo Hispano-Filipino. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 27, 2009. Nakuha noong Hulyo 30, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Gómez Rivera, Guillermo (Pebrero 11, 2001). "The Librada Avelino-Gilbert Newton Encounter (Manila, 1913)". Spain: Buscoenlaces. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 13, 2010. Nakuha noong Agosto 14, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Talumpati: Manuel L. Quezon". Nakuha noong 2010-06-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Gómez Rivera, Guillermo (Abril 10, 2001). "The evolution of the native Tagalog alphabet". Philippines: Emanila Community (emanila.com). Views & Reviews. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 3, 2010. Nakuha noong Agosto 14, 2010. {{cite web}}: External link in |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Languages of the Philippines". Ethnologue. Nakuha noong 2009-08-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Spanish census (2013/01/01)
  12. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang NativeSpanish); $2
  13. Medium projection, PH: Philippine Statistics Authority, Mid-2010, inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-11, nakuha noong 2015-02-01 {{citation}}: Check date values in: |date= (tulong)
  14. 14.0 14.1 Quilis, Antonio (1996), La lengua española en Filipinas (PDF), Cervantes virtual, p. 54 and 55{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "El retorno triunfal del español a las Filipinas". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-06-29. Nakuha noong 2010-07-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Tingnan din

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin