Espiritung soro
Ang espiritung soro (Tsino: 狐狸精; pinyin: húlijīng) ay isang mitikong entidad na soro na nagmula sa mitolohiyang Tsino na karaniwang paksa sa mitolohiyang Silangang Asyano.
Sa alamat ng Silangang Asya, sinasalarawan ang mga soro bilang isang espiritu na nagtataglay ng kapangyarihang salamangka. Sinasalarawan ang mga sorong ito bilang mapagbiro, na kadalasang nililinlang ang ibang tao, na may kakayahang magbalatkayo bilang isang magandang babae.[1]
Pinagmulan
baguhinLumalabas ang mga soro na may siyam-na-buntot sa mga Tsinong alamat, panitikan at mitolohiya, kung saan, depende sa kuwento, maaring maging mabuti o masamang pangitain.[2] Naipasa at naipakilala ang paksa ng sorong may siyam-na-buntot mula sa kalinangang Tsino tungo sa mga kalinangang Hapon at Koreano.[3]
Noong panahon ng dinastiyang Han, nabuo sa kalinangang Tsino ang mga pagsulong ng ideya tungkol sa inter-espesyeng transpormasyon.[4] Naipakita sa mga gawa tulad ng Lunheng ni Wang Chong (27–91) ang kaisipan ng mga nilalang na hindi tao na may sumusulong na edad na maaring maging tao.[4] Habang umunlad ang mga tradisyon na ito, nabuo ang kapasidad ng soro na magbagong-anyo.[4]
Nakasaad ang sorong may siyam-na-buntot sa Shanhaijing (Klasiko ng mga Bundok at Dagat), na tinipon mula sa panahon ng mga Estadong nakikipagdigma hanggang sa panahon ng Kanlurang Han (mga ika-4 hanggang unang siglo BC).[5] Sinabi ng gawa na:
"Matatagpuan ang Lupain ng Qing Qiu sa hilaga ng Tianwu. Mayroon ang mga soro na may apat na paa at siyam na buntot. Sang-ayon sa isa pang bersyon, matatagpuan ito sa hilaga ng Lambak ng Sunrise."[5]
Sa kabanata 14 ng Shanhaijing, nagkumento si Guo Pu na mapalad na pangitain ang soro na may siyam-na-buntot sa panahon ng kapayapaan.[5] Bagaman, sa kabanata 1, isa pang aspeto ng sorong may siyam-na-buntot ang isinalarawan:
"Tatlong daang li na mas malayo sa silangan ay ang Bundok Qing Qiu, kung saan maraming hade ang matatagpuan sa timog na dalisdis nito at luntiang sinabriyo sa hilaga nito. May isang halimaw dito na kahawig ang anyo sa isang soro na may siyam na buntot. Gumagawa din ito ng tunog tulad ng isang sanggol at kumakain ng tao. Sinuman ang kumain nito ay maproprotektahan laban sa lason ng insekto (gu)."[5]
Sa isang kuwento ng dinastiyang Tang, maaring maging tao ang mga soro sa pamamagitan ng pagsuot ng bungo at pagsamba sa Malaking Pangsawsaw. Susubok sila ng maraming bungo hanggang mahanap nila ang isa na kakasya sa kanila na hindi mahuhulog.[6]
Sa bisperas ng pagsalakay ng Jurchen, isang soro ang pumunta sa trono ni Emperador Huizong ng Dinastiyang Song. Nagresulta ito na pag-utos ni Huizong na wasakin ang lahat ng mga soro sa templo ng Kaifeng. Sinalakay ang lungsod sa sumunod na araw, at nahulog ang dinastiya pagkatapos ng limang buwan.[6]
Sa isang sinaunang mito, nakapagtagpo si Yu ang Dakila ng isang puting soro na may siyam-na-buntot, na ipinakahulugan bilang isang mapalad na palatandaan na pakakasalan niya si Nüjiao.[5] Sa ikonograpiyang Han, sinasalarawan minsan ang sorong may siyam-na-buntot na nasa Bundok Kunlun at kasama ni Xi Wangmu sa kanyang tungkulin bilang diyosa ng imortalidad.[5] Sang-ayon sa unang siglong Baihutong (Mga debate sa Bulwagan ng Puting Tigre), sinisimbolo ng siyam-na-buntot ng soro ang maraming inapo.[5]
Sinasalarawan ang pagbabagong-anyo at ibang katangian ng soro, kinumento ni Guo Pu (276–324) ang sumusunod:
"Kapag nasa edad limampu ang soro, maaring magbagong-anyo ito sa babae; kapag nasa edad isang daan, nagiging isang magandang babae, o espiritung medyum, o isang adultong lalaki na maaring makipagtalik sa babae. May kakayahan ang mga ganoong nilalang na malaman ang mga bagay na nasa higit sa isang libong milya ang layo; maari nilang lasunin ang tao sa pamamagitan ng pangkukulam, o sumanib at lituhin sila, upang mawala ang kanilang alaala at kalaaman; at kapag nasa edad isang libo, umaakyat ito sa langit at nagiging sorong selestiyal."[7]
Gumawa ng koneksyon ang Youyang Zazu sa pagitan ng mga sorong may siyam-na-buntot at ang dibino:
"Kabilang sa sining ng Paraan, mayroong espesipikong doktrina ng sorong selestiyal. Sinasabi ng [doktrina] na ang sorong selestiyal ay mayroong siyam na buntot at may ginuntuang kulay. Nagseserbisyo ito sa Palasyo ng Araw at Buwan at may sariling itong fu (anting-anting) at isang rituwal na jiao. Maaring lampasan ang yin at yang."[8]
Nabanggit ang popular na pagsamba sa soro noong panahon ng dinastiyang Tang at nabanggit sa teksto na pinamagatang Hu Shen (mga sorong diyos):
"Simula pa lamang ng Tang, maraming karaniwang tao ang sinasamba ang mga espiritung soro. Nag-aalay sila sa mga silid-tulugan para sa kanilang pabor. Nakikibahagi ang mga soro sa mga pagkain at inumin ng mga tao. Hindi nila pinagsisilbihan ang isang amo. Sa panahong iyon, mayroong tayutay na nagsasabing 'Kung saang walang demonyong soro, walang nayon ang maitatatag.'"[9]
Panitikan
baguhin- Huntington, Rania (2003). Alien kind: Foxes and late imperial Chinese narrative (sa wikang Ingles). Cambridge: Harvard University Press. ISBN 9780674010949.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Kang, Xiaofei (2006). The cult of the fox: Power, gender, and popular religion in late imperial and modern China (sa wikang Ingles). New York: Columbia University Press. ISBN 9780231133388.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Strassberg, Richard E. (2002). A Chinese Bestiary: Strange Creatures from the Guideways Through Mountains and Seas (sa wikang Ingles). Berkeley: University of California press. ISBN 0-520-21844-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Weinstock, Jeffrey Andrew (2014). The Ashgate Encyclopedia of Literary and Cinematic Monsters. p. 510. Quote: "The fox spirit is an especially prolific shapeshifter, known variously as the húli jīng (fox spirit) and jiǔwěihú (nine-tailed fox) in China, the kitsune (fox) in Japan, the kumiho (nine-tailed fox) in Korea, and the hồ ly tinh (fox spirit) or cáo tinh (fox goblin) and cửu vĩ hồ or cáo chín đuôi (nine-tailed fox) in Vietnam. Although the specifics of the tales vary, these fox spirits can usually shapeshift, often taking the form of beautiful young women who attempt to seduce men, whether for mere mischief or to consume their bodies or spirits." (sa Ingles)
- ↑ Kang (2006), pp. 15–21 (sa Ingles)
- ↑ Wallen, Martin (2006). Fox (sa wikang Ingles). London: Reaktion Books. pp. 69–70. ISBN 9781861892973.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 Huntington (2003), p. 9 (sa Ingles)
- ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 5.6 Strassberg (2002), pp. 88–89 & 184 (sa Ingles)
- ↑ 6.0 6.1 Kang (2006) (sa Ingles)
- ↑ Kang (2006), p. 17 (sa Ingles)
- ↑ Kang (2006), p. 23 (sa Ingles)
- ↑ Huntington (2003), p. 14 (sa Ingles)