Ang huli jing (Tsino: 狐狸精; pinyin: húlijīng; lit.: "espiritung soro") ay isang nilalang sa mitolohiyang Tsino na kadalasang may kakayahang magbagong-anyo, na maaring maging mabuti o masamang espiritu, kabilang dito ang sorong may siyam-na-buntot, ang jiuweihu (Tsino: 九尾狐; pinyin: jiǔwěihú; lit.: "sorong may siyam-na-buntot"), na pinakatanyag.

Huli jing
Pangalang Tsino
Tsino狐狸精
Kahulugang literalespiritung soro
Pangalang Biyetnames
Alpabetong Biyetnameshồ ly tinh
Chữ Hán狐狸精
Pangalang Hapones
Kanji妖狐
Hiraganaようこ

Lumalabas ang mga sorong may siyam-na-buntot sa mga Tsinong alamat, panitikan at mitolohiya, na kung saan, depende sa istorya ay maari maging isang mabuti o masamang palatandaan.[1]

Noong panahon ng dinastiyang Han, sumulong ang mga kaisipan tungkol sa mga inter-espesye na nagbabagong-anyo sa kulturang Tsino.[2] Nakikita ang ideya na ang di-taong nilalang na may sumusulong na gulang na maaring maging tao, sa mga gawa tulad ng Lunheng ni Wang Chong (27–91).[2] Habang naisulong ang mga tradisyon na ito, nahubog ang kapasidad ng soro na magbagong-anyo.[2]

Mga paglalarawan

baguhin

Nakasaad ang sorong may siyam-na-buntot sa Shanhaijing (Klasiko ng mga Bundok at Dagat), na tinipon mula sa panahon ng mga Nakikipagdigmang Estado hanggang sa panahon ng Kanlurang Han (mga ika-4 hanggang mga unang siglo BC).[3] Sinasabi sa gawa na:

Matatagpuan ang Lupain ng mga Luntiang-Burol sa hilaga ng Tianwu. Ang mga soro ay may apat na paa at siyam na buntot. Sang-ayon ibang bersyon, matatagpuan ito sa hilaga ng Lambak ng Sunrise.[3]

Sa kabanata 14 ng Shanhaijing, kinomento ni Guo Pu na ang sorong may siyam-na-bunto ay isang mapalad na palatandaan na lumalabas tuwing panahon ng kapayapaan.[3] Bagaman, sa kabanta 1, isa pang aspeto ng sorong may siyam-na-buntot ang sinalarawan:

Tatlong daang li sa mas malayong silangan ay ang Bundok ng mga Luntiang-Burol, kung saan maraming hade ang maaring matagpuan sa timog na dalisdis nito at berdeng sinabriyo sa norte nito. Mayroong halimaw dito na kahawig ang anyo sa isang soro na may siyam na buntot. Nakakagawa ito ng tunog tulad ng isang sanggol at kumakain ng tao. Kung sinuman ang kumain nito ay maproprotektahan laban sa mga lason ng insekto (gu).[3]

Sa isang sinaunang kuwento, nasalubong ni Yu ang Dakila ang isang puting sorong may siyam-na-buntot, na pinalagay bilang isang magandang palatandaan na pakakasalan niya si Nüjiao.[3] Sa ikonograpiyang Han, sinasalarawan ang sorong may siyam-na-buntot na nasa Bundok Kunlun at kasama si Xi Wangmu sa kanyang tungkulin bilang diyosa ng imortalidad.[3] Sang-ayon sa unang-siglong Baihutong (Mga Debate sa Bulwagan ng Puting Tigre), sinasagisag ng siyam na buntot ng soro ang maraming inapo.[3]

Sinasalarawan ang transpormasyon at ibang katangian ng soro, sinulat ni Guo Pu (276–324) ang sumusunod:

Kapag nasa limangpu't taong gulang ang soro, maaring magbagong-anyo ito sa isang babae; kapag naging isang daan taong gulang na, magbabagong-anyo ito sa isang magandang babae, o isang espiritung medyum, o isang adultong lalaki na nakikipagtalik sa mga babae. Nalalaman ng mga ganitong nilalang ang mga bagay na nasa higit sa isang libo ang distansya; maari nilang lasunin ang mga tao sa pamamagitan ng panggagaway, o sumanib at lituhin ang mga ito, kaya, mawawala ang kanilang memorya at kaalaman; at kapag ang isang soro ay isang libong taong gulang, aakyat ito sa langit at naging makalangit na soro.[4]

Gumawa ng koneksyon ang Youyang Zazu sa pagitan ng mga sorong may siyam-na-buntot at ang banal:

Sa mga sining ng Paraan, may partikular na doktrina ng isang makalangit na soro. [Ang doktrina] ay nagsasabing na ang makalangit na soro ay may siyam na buntot at may isang ginuntuang kulay. Ito ay nagsisilbi sa Palasyo ng Araw at Buwan at mayroon sariling fu (anting-anting) at isang ritwal na jiao. Nilalagpasan nito ang yin at yang.[5]

Mga tradisyon

baguhin

Tanyag ang pagsamba sa dinastiyang Tang at nabanggit sa tekstong may pamagat na Hu Shen (mga sorong diyos):

Simula pa noong panahon ng Tang, maraming mga karaniwang tao ang sinamba ang mga espiritung soro. Nag-alay sila sa mga silid-tulugan upang humiling ng pabor. Nagbabahagi ang mga tao ng mga pagkain at inumin sa mga soro. Hindi lamang isang amo ang kanilang pinagsisilbihan. Sa panahong iyon, mayroong talinghaga ang nagsasabing, "Kapag walang demonyong soro, walang nayon ang maitatag."[6]

Sa dinastiyang Song, ipinagbawal ang kulto ng espiritung soro, tulad ng yaong mga dedikado kay Daji, subalit hindi matagumpay ang kanilang pagsugpo.[7] Halimbawa, sa 1111, isang kautusang imperyal ang nilabas para sa pagwasak ng maraming dambana ng espiritu sa loob ng Kaifeng, kabilang ang para kay Daji.[8]

Sa huling bahagi ng imperyal na Tsina, sa panahon ng mga dinastiyang Ming at Qing, naikakabit ang mga pagkagambala sa domestikong kapaligiran sa kapilyuhan ng mga espiritung soro, na may kakayahang siraan ang mga bagay sa paraan tulad ng sa isang poltergeist o multong maingay.[9] Tinuturing ang mga "pagmumulto" ng mga soro bilang parehong karaniwan at hindi nakakapinsala, na may isang may-akda noong ikalabing-pitong siglo na nagsabing "Sa sampung bahay sa kabisera, anim o pito dito ang may demonyong soro, subalit hindi sila nanakit at normal ito sa mga tao."[10]

Sa mitolohiyang Tsino, pinaniniwalaan na ang lahat ng bagay na may kakayahang kunin ang anyo ng tao, may kapangyarihang mahika at imortal, sa kondisyon na nakatanggap sila ng sapat na enerhiya, ay hininga ng tao o esensya mula Buwan at Araw sa ganoong mga anyo. Pinaniniwalaan na magsusuot ang isang soro ng mga bungo sa ulo nito, at kung anuman ang kakasya sa ulo, magbabago-anyo ito bilang isang tao.

Kadalasang mga babae ang mga espiritung soro na nakasaad sa mga kuwento at alamat at lumilitaw bilang bata at magandang babae. Isa sa mga pinakanotoryoso na espiritung soro sa mitolohiyang Tsino si Daji (妲己), na sinalarawan sa nobelang shenmo noong dinastiyang Ming na Fengshen Yanyi. Isang magandang anak ng heneral, sapalitang siyang pinakasal sa isang pinunong malupit na si Zhou Xin (紂辛 Zhòu Xīn). Sumanib ang isang sorong may siyam-na-buntot na nagsilbi kay Nüwa, na nasaktan ni Zhou Xin, sa katawan ni Daji, na pinaalis ang kaluluwa niya. Ang espiritu, bilang Daji, at ang kanyang bagong asawa ay malupit na nagbalak at inimbento ang maraming kagamitang pagpapahirap, tulad ng pagpilit sa mga matuwid na opisyal na yakapin ang metal na haligi na nagbabaga.[11] Dahil sa kalupitan, maraming tao, kabilang ang dating sariling heneral ni Zhou Xin, ang naghimagsik at nilabanan ang dinastiya ni Zhou Xin, ang Shang. Sa wakas, itinatag ni Haring Wen ng Zhou, isa sa mga kampon ni Shang, ang isang bagong dinastiya na pinangalan sa kanyang bansa. Sa kalaunan, pinalayas ang espiritung soro sa katawan ni Daji ni Jiang Ziya (姜子牙), ang unang Punong Ministro ng dinastiyang Zhou at kinondena ang kanyang espiritu ni Nüwa mismo dahil sa labis na kalupitan.

Tipikal na nakikita ang mga espiritung soro bilang mapanganib, subalit ilan sa mga istorya sa aklat na Liaozhai Zhiyi ni Pu Songling noong dinastiyang Qing ay mga kuwento ng pag-ibig sa pagitan ng soro na naging isang magandang babae at isang lalaking tao. Sa pantasyang nobela na The Three Sui Quash the Demons' Revolt', tinuruan ng isang huli jing ang isang batang babae ng mahika, na nagbigay sa kanya ng kakayahang tawagin ang mga hukbo sa kanyang mga pagbigkas.[12]

Naidamay din ang paniniwala sa espiritung soro sa isang kadahilanan sa pagpapaliwanag sa insidente ng mga pag-atake ng koro, isang sindrom na na nakatali sa kultura na partikular na matatagpuan sa katimugang Tsina at Malaysia.[13] Nabanggit din ang espiritung soro sa Tsinong Chán na Budismo, nang hinambing ni Linji Yixuan ang mga ito sa tinig na sinasalita ng Dharma, na pinapahayag na "ang mga batang pang monghe, na nauunawaan ito, ay naniniwalang mga espiritung soro ang mga ito..."[14]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kang (2006), pp. 15–21 (sa Ingles)
  2. 2.0 2.1 2.2 Huntington (2003), p. 9 (sa Ingles)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 Strassberg (2002), pp. 88–89 & 184 (sa Ingles)
  4. Kang (2006), p. 17 (sa Ingles)
  5. Kang (2006), p. 23 (sa Ingles)
  6. Huntington (2003), p. 14 (sa Ingles)
  7. Kang (2006), pp. 37–39 (sa Ingles)
  8. Lin, Fu-shih (2014-12-08). ""Old Customs and New Fashions": An Examination of Features of Shamanism in Song China". Modern Chinese Religion I (sa wikang Ingles). Leiden: Brill. pp. 262–263. ISBN 9789004271647.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Huntington (2003).
  10. Huntington (2003), p. 92.
  11. "Fox-spirit Daji invents the Paoluo torture". Chinese Torture/Supplice chinois (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2006-11-17. Nakuha noong 2006-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Lu, Xun (1959). A Brief History of Chinese Fiction (sa wikang Ingles). Sinalin ni Hsien-yi Yang; Gladys Yang. Foreign Language Press. p. 176. ISBN 978-7-119-05750-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Cheng, S. T. (1996). "A critical review of Chinese Koro". Culture, Medicine and Psychiatry (sa wikang Ingles). 20 (1): 67–82. doi:10.1007/BF00118751. PMID 8740959.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. The Record of Linji. Honolulu. 2008. p. 218.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) (sa Ingles)

Panitikan

baguhin
  • Chan, Leo Tak-hung (1998). The discourse on foxes and ghosts: Ji Yun and eighteenth-century literati storytelling (sa wikang Ingles). Hong Kong: Chinese University of Hong Kong. ISBN 9789622017498.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Huntington, Rania (2003). Alien kind: Foxes and late imperial Chinese narrative (sa wikang Ingles). Cambridge: Harvard University Press. ISBN 9780674010949.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Kang, Xiaofei (2006). The cult of the fox: Power, gender, and popular religion in late imperial and modern China (sa wikang Ingles). New York: Columbia University Press. ISBN 9780231133388.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Strassberg, Richard E. (2002). A Chinese Bestiary: Strange Creatures from the Guideways Through Mountains and Seas (sa wikang Ingles). Berkeley: University of California press. ISBN 978-0-520-21844-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Ting, Nai-tung. "A Comparative Study of Three Chinese and North-American Indian Folktale Types." Asian Folklore Studies 44, blg. 1 (1985): 42-43. Hinango noong Hulyo 1, 2020. doi:10.2307/1177982 (sa Ingles).
  • Anatole, Alex. "Tao of Celestial Foxes -The Way to Immortality" Bolyum I, II, III, 2015 (sa Ingles)
baguhin