Estasyon ng San Fernando (Pampanga)

15°1′36.6″N 120°41′12.15″E / 15.026833°N 120.6867083°E / 15.026833; 120.6867083

San Fernando P
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonLungsod ng San Fernando, Pampanga
Pagmamayari ni/ngPambansang Daambakal ng Pilipinas
Linya     Linyang Pahilaga ng PNR
Ibang impormasyon
KodigoSFN
Kasaysayan
NagbukasPebrero 2, 1892
Nagsara1989
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
  (Mga) Dating Serbisyo  
patungong Tutuban
Metro Manila Commuter
patungong Angeles
patungong Tutuban
Ilocos Express
Ilocos Special
patungong Tutuban
Dagupan Express
patungong Dagupan

Ang estasyong daangbakal ng Lungsod San Fernando, (o tinatawag din bilang estasyong ng San Fernando P o Himpilang daangbakal ng San Fernando), isang dating estasyong daang-bakal sa Pangunahing Linyang Pahilaga (North Main Line) o "Linyang Pahilaga" (Northrail) ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Matatagpuan ito sa Lungsod ng San Fernando, ang kabisera ng lalawigan ng Pampanga. Ito ay isang makasaysayang pook-palatandaan ng lungsod ang himpilang. Noon, ang estasyong daang-bakal ay lugar ng paghinto para sa mga Pilipino at Amerikanong bilanggo ng digmaan (prisoners of war) noong naganap ang Martsa ng Kamatayan sa Bataan noong 1942.

Kasaysayan

baguhin

Pinasiyahan nina Gobernador-Heneral Eulogio Despujol at Arsobispo ng Maynila Bernardino Nozaleda ang estasyon noong Pebrero 23, 1892. Bumaba si José Rizal mula sa estasyon ito noong Hunyo 27, 1892 upang sumalubong sa ilang mga bagong kaanib para sa La Liga Filipina at muli sa sumunod na araw pagtungo sa Bacolor. Nang naganap ang Martsa ng Kamatayan sa Bataan noong Abril 1942, nagsilbi ang himpilan bilang huling punto para sa 102-kilometro (63-milyang) martsa mula Bataan. Mula rito, inihatid ang mga Pilipino at Amerikanong bilanggo ng digmaan patungong Capas sa Tarlac sa pagdaraan sa Kampo O'Donnell, ang kanilang huling paroroonan. Isinara ang estasyon mula nang natigil ang mga pahilagang serbisyong riles ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas higit sa dalawampung taon na ang nakalilipas.

Impormasyon

baguhin
  • Ang ilang mga pinagkukunan ay nagsabi na binuksan ang istasyon ng San Fernando noong Pebrero 23, 1892, ang seksyon mula sa Bagbag sa Calumpit, Bulacan hanggang Mabalacat, Pampanga ay binuksan noong Pebrero 2.
  • Taong Pebrero 2, ay ang araw ng kapistahan ng Mabalacat, ang linya ay binuksan lamang sa oras para sa pista.
  • Pinalitan ang pangalan nito ng San Fernando, Pampanga o SFP simula ng pagkakaroon ng estasyong San Fernando sa La Union.
 
Makasaysayang palatandaan ng himpilan ng San Fernando.

Tingnan din

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin