Exo

Mga pangkat ng idolo ng Koreano at Tsino

Ang Exo o EXO (EK-soh; Koreano: 엑소) ay isang boyband na Timog Korea-Tsina-Malaysia na nilikha ng S.M. Entertainment. Ang kanilang pangalan ay mula sa salitang ‘exoplanet[1] na ang ibig sabihin ay ‘planetang nasa labas ng Solar System’.

EXO
Exo noong Hunyo 2016 Simula kaliwa papunta sa kanan, nakatayo: Baekhyun, Chen, Lay, Sehun, Chanyeol, D.O., Kai Simula kaliwa papunta sa kanan, nakaluhod: Suho, Xiumin
Exo noong Hunyo 2016
Simula kaliwa papunta sa kanan, nakatayo: Baekhyun, Chen, Lay, Sehun, Chanyeol, D.O., Kai
Simula kaliwa papunta sa kanan, nakaluhod: Suho, Xiumin
Kabatiran
PinagmulanSeoul, Timog Korea
Genre
Taong aktibo2012–present
Label
Miyembro
Dating miyembro
Websiteexo.smtown.com

Nabuo noong 2011, nagsimula ang grupo noong 2012 na mayroong labindalawang miyembro na nahahati sa dalawang pangkat, ang Exo-K (Suho, Baekhyun, Chanyeol, D.O., Kai, Sehun) at Exo-M (Xiumin, Lay, Chen[2], at mga dating miyembro na sina Kris, Luhan, at Tao) para sa pag-awit ng mga kantang Koreano at Mandarin, ayon sa pagkakabanggit.

Dahil ang unang headlining tour sa Exo noong 2014, ang banda ay gumaganap ng mahigit sa 100 na konsyerto sa apat na tour at lumahok sa maraming magkakasamang paglilibot.[3] Ang Exo ay kilala rin sa kanyang trabaho sa kabila ng musika, na kinabibilangan ng endorsement deals sa mga brand tulad ng Nature Republic at Samsung, at mga pagsisikap ng philanthropic tulad ng Smile For U, isang pinagsamang proyekto ng SM Entertainment at UNICEF na nagsimula sa 2015, at kung saan patuloy na lalahok si Exo.[4][5][6]

Ang unang studio album ng grupo na XOXO noong 2013 na naglalaman ng kantang “Growl” ay naging malaking komersiyal na tagumpay, at nanalo ito ng ‘Disk Daesang’ sa 28th Golden Disk Awards at ‘Album of the Year’ sa 15th Mnet Asian Music Awards. Nagbenta ito ng higit sa isang milyong kopya, at Exo ang naging pinakamabilis na bumentang K-pop artist sa 12 taon.

Ang mga sumunod na album at EP ng grupo ay patuloy na may malakas na benta at naparangalan silang “Most Influential Celebrity” ng Forbes Korea Power Celebrity para sa mga taong 2014 at 2015. Pinangalanan ang grupo na “the biggest boyband in the world” ng mga media outlet.

Kasaysayan

baguhin

2011: Pagkabuo

baguhin

Noong Mayo 2011, sa isang Hallyu business seminar na ginanap sa Stanford University, nagbahagi si Lee Soo-Man ng S.M. Entertainment tungkol sa stratehiya ng pagdebut ng bagong boyband, kung saan nahahati ito sa dalawang mas maliit na grupo, at nagpopromote ng parehong musika nang sabay-sabay sa Timog Korea at Tsina sa pamamagitan ng pag-awit ng mga kanta sa wikang Koreano at Mandarin. Pagkatapos ng ilang pagbabago sa miyembro, napagdesisyunan na ang pangalan ng grupo ay EXO, na kinuha sa salitang ‘exoplanet’. Nahahati ang grupo sa dalawang mas maliit na grupo, ang Exo-K (‘K’ para sa Koreano) sa Timog Korea, at Exo-M (‘M’ para sa Mandarin) sa Tsina. Ang unang pagtatanghal nila sa telebisyon ay sa ‘SBS Gayo Daejun’ na ginaganap taon-taon noong Disyembre 29, 2011.

2012: Debut at Mama

baguhin
 
Exo sa Singapore noong Nobyembre 2012

Ang prologue single ng Exo-K at Exo-M na "What Is Love" ay inilabas noong Enero 30, 2012 sa Timog Korea at Tsina. Ang single ay nagpeak sa 88 ng Gaon Single Chart ng Timog Korea. Noong Marso 9, 2012, inilabas ng grupo ang kanilang ikalawang prologue single na "History" na isinulat at prinodyus nina Thomas Troelsen at Remee. Ang single ay nagpeak sa 68 ng Gaon Single Chart at nagpeak sa 6 ng China's Sina Music Chart.

Isang concert para sa grupo ang idinaos sa Seoul's Olympic Stadium noong Marso 31. Higit-kumulang 3,000 na tagahanga mula sa 8,000 aplikante ang napili na dumalo. Ang ikalawang concert ay idinaos sa Great Hall ng Beijing University of International Business and Economics noong Abril 1.

Inilabas ng Exo-K at Exo-M ang kanilang debut single na "Mama" noong Abril 8 na sinundan ng EP na Mama noong Abril 9. Noong Abril 8, ang Exo-K ay nagtanghal sa isang music program ng Timog Korea na The Music Trend samantalang ang Exo-M ay nagdebut at nagtanghal sa Top Chinese Music Awards ng Tsina ng parehong araw. Ang "Mama" ay naging number one sa mga iba't ibang online retailers at music chart sa Tsina. Ang album ng Exo-M ay naging number two sa China's Sina Album Chart, number five sa South Korea's Gaon Album Chart, at number twelve sa Billboard World Albums Chart. Ang album naman ng Exo-K ay nagpeak sa number one ng Gaon Album Chart at number eight sa Billboard World Albums Chart. Ang music video ng Exo-M's "Mama" ay naging number one sa Chinese streaming websites samantalang ang bersiyon ng Exo-K ay umabot sa number seven ng YouTube's Global Chart. Sa huli ng Abril, ang Exo-M ay nagtanghal bilang guest act para sa Super Show 4 concert tour ng Super Junior sa Jakarta, Indonesia.

Sa Nobyembre, nanalo ang Exo ng ‘Best New Asian Artist Group’ sa 2012 Mnet Asian Music Awards.

2013: XOXO, komersyal na tagumpay, at Miracles in December

baguhin

Ang album nilang XOXO ay inilabas noong Hunyo 2013 na may dalawang bersiyon, isa sa wikang Koreano na “Kiss” at isa sa wikang Mandarin na "Hug". Hindi katulad noong panahon ng Mama na magkahiwalay ang promosyon ng Exo-K at Exo-M, ang XOXO ay sabay na ipinromote ng grupo, pangunahin sa Timog Korea. Sama-samang nag-record ang grupo para sa lead single ng album na “Wolf”, pero ang ibang kanta sa album ay nirecord ng magkakahiwalay. Ang dalawang bersiyon ay nagpeak na number one sa Billboard World Album Chart pagkatapos ng isang linggo.

Ang repackage na bersyon ng XOXO, na may pamagat na “Growl” ay inilabas noong Agosto 5, 2013 na may karagdagang tatlong kanta. Ang lead single ng repackage, “Growl”, ay inilabas noong Agosto 1, 2013. Ang "Growl" ay nagpeak sa number three ng Korea Billboard's K-Pop Hot 100 at number two sa Gaon's Singles chart. Ayon sa Disyembre 2013, lahat ng bersyon ng XOXO pag pinagsama-sama ay nakabenta ng higit isang milyong mga kopya, na ginawang Exo ang unang Korean artist na nakabenta ng higit sa isang milyong kopya ng isang album sa labindalawang taon at sinira ang rekord para sa pagiging pinakamabilis na nakabenta na K-pop artist. Ang XOXO ay pinangalanang Album of the Year sa 2013 Mnet Asian Music Awards. Ang XOXO ay ang pinakamahusay na nabenta na album sa South Korea noong 2013, na nanalo ng ‘Disk Daesang Award’ sa iba't ibang mga seremonya ng award tulad ng Golden Disc Awards.

Ang ikalawang EP ng Exo, ang Miracles in December ay opisyal na inilabas noong Disyembre 9, 2013 bilang isang espesyal na winter album sa pamamagitan ng mga Timog Koreanong komersyal na outlet at mga online music store. Ang Exo ay nagsimulang magpromote sa pamamagitan ng reality Show ng grupo, ang Exo’s Showtime na nag-premier noong Nobyembre 28, 2013 sa cable channel na MBC Every 1.

Tinapos ng Exo ang 2013 ng may anim na album sa Gaon’s Yearly Top 10 Best-Selling Albums, kasama ang lahat ng inilabas nilang album na nasa wikang Koreano ang Mandarin sa 2013 pati na rin ang kanilang debut EP na Mama.

2014: Overdose, mga demanda nina Kris at Luhan, at unang solo concert

baguhin

2015: Exodus, demanda ni Tao, Japanese debut at Sing For You

baguhin

2016: Ex’Act, For Life

baguhin

2017: The War at Universe

baguhin

Mga Iba pang Pakikipagsapalaran

baguhin

Pag-endorso

Noong maagang Pebrero 2013, nagsimulang ipromote ng Exo ang isang Timog Koreanong tatak ng kasuotan na Kolon Sport.

Mga miyembro

baguhin
Pangalan Araw ng kapanganakan[7][8] edad posisyon[9][10][11] Nasyonalidad
Suho 22 Mayo 1991(1991-05-22) 33 Leader, Lead vocalist Timog Korea
Baekhyun 6 Mayo 1992(1992-05-06) 32 Main vocalist
Chanyeol 27 Nobyembre 1992(1992-11-27) 31 Main rapper, Sub-vocalist
D.O. 12 Enero 1993(1993-01-12) 31 Main Vocalist
Kai 14 Enero 1994(1994-01-14) 30 Main Dancer, Center, Rapper, Sub-Vocalist
Sehun 12 April 1994 26 Lead Dancer, Lead Rapper
Pangalan Araw ng kapanganakan[12][13] edad posisyon[14] Nasyonalidad
Xiumin 26 Marso 1990 30 Lead Dancer, Lead Rapper, Vocalist Timog Korea
Lu Han 20 Abril 1990(1990-04-20) 34 Main vocalist, Lead dancer   Tsina
Kris 6 Nobyembre 1990(1990-11-06) 34 Main Rapper, Leader
Lay 7 Oktubre 1991(1991-10-07) 33 Main dancer, Lead vocalist, Sub-rapper
Chen 21 Setyembre 1992(1992-09-21) 32 Main vocalist   Timog Korea
Tao 2 Mayo 1993(1993-05-02) 31 Main rapper, Vocalist   Tsina
  • Nationality states where the member holds their current citizenship
Timeline

Diskograpiya

baguhin

Korean and Mandarin albums

baguhin
  • XOXO (2013)
  • Exodus (2015)
  • Ex'Act (2016)
  • The War (2017)
  • Don't Mess Up My Tempo (2018)[fn 1]
  • Obsession (2019)[fn 1]

Japanese albums

baguhin
  • Countdown (2018)

Mga Konsiyerto

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 Ang Studio album na ito ay nilabas lamang sa wikang Koreano.

Sanggunian

baguhin
  1. "SM introduces new boy group member, KAI". Allkpop. 2011-12-22. Nakuha noong 2012-04-09.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Meeting the K-Pop band who are bigger than One Direction". Dazed. Hulyo 12, 2016. Nakuha noong Pebrero 13, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. [엑's 이슈] "엑소 파워 시동"...잠실서 또 신기록 세울까 (sa wikang Koreano). 2017-03-30. Nakuha noong 2018-02-26.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 태연·엑소, 네이처리퍼블릭 모델로 발탁 (sa wikang Koreano). Asia Economy. 2013-08-28. Nakuha noong 2013-08-28.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "K-Pop band EXO to adorn a special edition Smart Cover for the Galaxy S8, more to come in the future". Phone Arena. Nakuha noong 2017-05-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 엑소, 겨울 스페셜 앨범 10일 발매...수익금 'SMile for U' 캠페인에 기부 (sa wikang Koreano). Nate. Nakuha noong 2016-06-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "EXO-M Official Profile". Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 16, 2019. Nakuha noong Hunyo 23, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "EXO-K Official Profile". Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 16, 2019. Nakuha noong Hunyo 23, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "EXO-K's Baekhyun: 'Sun Gun'". The Star (sa wikang Koreano). 2012-05-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-05. Nakuha noong 2013-07-03.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "EXO-K's Chanyeol: 'Reversal Voice'". The Star (sa wikang Koreano). 2012-05-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2013-07-03.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "EXO-K's D.O. is DOmestic". The Star (sa wikang Koreano). 2012-05-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-05. Nakuha noong 2013-07-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "EXO-M Official Profile". Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 16, 2019. Nakuha noong Hunyo 23, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "EXO-K Official Profile". Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 16, 2019. Nakuha noong Hunyo 23, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Top Idol Magazine: EXO-M Exclusive with Taiwan (in Chinese) , Issue #12, pp. 4-13. Retrieved 2013-07-05.

Mga kawing panlabas

baguhin

Padron:Mga awitin ng grupong Exo Padron:SM Town Padron:Forbes Korea Power Celebrity