Paco Roman

Pilipinong manghihimagsik na nakipaglaban sa mga Kastila at Amerikano
(Idinirekta mula sa Francisco Roman)

Si Francisco "Paco" Roman y Velasquez (Oktubre 4, 1869 – Hunyo 5, 1899).[2] ay isang Pilipinong rebolusyonaryo noong panahon ng Himagsikang Pilipino at Digmaang Pilipino–Amerikano. May ranggong koronel si Roman sa hukbo at isa sa kanang-kamay ni Heneral Antonio Luna. Nang paslangin si Heneral Luna sa Cabanatuan, Nueva Ecija sinubukan niya itong sagipin subalit siya'y binaril din ng mga tauhan ni Emilio Aguinaldo hanggang mamatay.[3][4]


Paco Roman
Paco Roman, c. 1899
Pangalan nang isilangFrancisco Roman
Kapanganakan4 Oktubre 1869(1869-10-04)
Alcala, Cagayan
Kamatayan5 Hunyo 1899(1899-06-05) (edad 29)
Cabanatuan, Nueva Ecija
Katapatan Republikang Pilipino
RanggoKoronel
Labanan/digmaan
AsawaJuliana Piqueras[1]
Kamag-anakJose Palma at Rafael Palma (mga pinsang-buo)

Personal na buhay

baguhin

Ipinanganak si Roman noong Oktubre 4, 1869 sa Alcala, Cagayan kay Pelagia Velasquez, isang Tagala at Jose Roman isang Espanyol. Si Pelagia ay kapatid ni Hilaria Velasquez, ina nina Jose at Rafael Palma. Ang ama ni Paco na si Jose Roman ay may lisensiya mula sa sistema ng monopolyo ng tabako sa Cagayan. Nagpasiyang tumungo ng Maynila ang mag-anak upang magtayo ng pabrika ang kaniyang amang si Jose. Dito nag-aral si Roman sa Ateneo Municipal at kaniyang pinatuloy sa Hong Kong.[1]

Napangasawa ni Roman si Juliana Piqueras, at nagkaroon siya sa kaniya ng dawalang supling sina Juan at Carmen.[2]

Laban para sa kalayaan ng Pilipinas

baguhin

Minana ni Paco ang negosyon ng kaniyang ama nang ito'y yumao, habang palihim na nagbibigay abuloy sa kilusang rebolusyonaryo. At dahil siya'y anak ng isang Espanyol, una siyang kumatig sa pamahalaang Espanyol at umano'y nagboluntaryo pa sa kabalyeryang Espanyol upang hindi mapaghinalaang ang kaniyang pagtulong sa rebolusyonaryong hukbo.[1] Sa pagsiklab ng Digmaang Pilipino–Amerikano, sumama si Roman sa mga kawal ni Heneral Antonio Luna at dito'y umangat sa rango at naging koronel at kanang-kamay ni Luna.

Isa si Roman sa namuno ng labanang tinaguriang Ikalawang Labanan sa Caloocan, kung saan, matagumpay na naitulak ng kaniyang puwersa ang Hukbong Amerikano sa Azcárraga sa Maynila.[1]

Pataksil na pagpaslang

baguhin

Habang nagtatayo ng kuta paanan ng Cordillera sa Bayambang, Pangasinan nakatanggap si Hen. Luna ng telegrama noong Hunyo 4, 1899 mula Cabanatuan, Nueva Ecija na nagpapatawag sa kaniya sa isang pagpupulong kay Pangulo Emilio Aguinaldo. Sinamahan nina Koronel Roman, Kapitan Eduardo Rusca, Komandante Manuel Bernal, Jose Bernal, Simeon Villa at 25 pa nilang mga kawal si Hen. Luna patungong Cabanatuan.[2][4]

Kinabukasan, pagdating nila sa labas ng Cabanatuan, naantala ng isang sirang tulay ang kanilang kawan. Nagpasiya si Hen. Luna, kasama lamang nina Koronel Roman at Kapitan Rusca na agaran nang magtungo sa kumbento ng parokya na naging tanggapan ni Aguinaldo[4] mula nang ilipat sa naturang bayan ang kabisera ng pamahalaan mula Malolos.

Bandang ikatlo ng hapon, narating nina Luna, Roman at Rusca ang kumbento ng simbahan ng Cabanatuan, at madaling tumuloy si Luna upang makipagpulong kay Aguinaldo na wala roon. Nang makarinig ng mga putok sina Roman at Rusca, dagling tinungo ng dalawa si Luna upang masagip, ngunit si Roman ay nabaril din at pinagtataga ng mga personal na kawal ni Aguinaldo na mga taga-Kawit, Cavite, na dati nang dinis-armahan ni Luna at tinanggal sa serbisyo at ipinapiit ang pinuno nilang si Kapitan Pedro Janolino.[4]

Inilibing si Roman katabi ni Hen. Luna sa pambayang libingan, na may ganap na karangalang pangmilitar. Subalit, nalimutan na ng tuluyan ang pinaglagakan ni Roman, matapos hukayin at ilipat ang mga labi ni Luna.[2] Mariing itinanggi ni Aguinaldo na may kinalaman siya sa pataksil na pagpaslang kay Luna at Roman, ngunit inamin niya ang kaniyang pagkukulang na tukuyin at parasuhan ang mga nasa likod ng kanilang pagpaslang.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Batongbakal, Luisito Jr. E. (Setyembre 18, 2015). "A Look Into The Life of Paco Roman, That Other Guy Who Died With Antonio Luna" (sa wikang Ingles). Filipiknow. Nakuha noong Setyembre 22, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Today in Philippine History, October 4, 1869, Francisco Roman was born in Alcala, Cagayan" (sa wikang Ingles). The Kahimyang Project. Oktubre 2, 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 19, 2015. Nakuha noong Setyembre 22, 2015. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. 3.0 3.1 Chua, Xiao (Hunyo 5, 2013). "Ang Pataksil na Pagpaslang kay Antonio Luna". Nakuha noong Setyembre 22, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Dumindin, Arnaldo. "June 5, 1899: Assassination of Gen. Antonio Luna" (sa wikang Ingles). Philippineamericanwar.webs.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 20, 2012. Nakuha noong Setyembre 22, 2015. {{cite web}}: External link in |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Ibayong babasahín

baguhin