FreeStyle Street Basketball
FreeStyle Street Basketball kilala din bilang FreeStyle o FSSB ay isangSport MMO na ginawa ng JC Entertainment. May iba't ibang bersyon ng larong ito ang iba't ibang rehiyon ng mundo. Libre ang larong ito ngunit para kumita gumagamit sila ng isang microtransaction business model. Nilaro sa maraming bansa ngunit ang bersyon ng Hilagang Amerika na ginawa ng Sierra Online ay naisara na kamakailan.
FreeStyle Street Basketball | |
---|---|
Plataporma | Microsoft Windows |
Dyanra | |
Mode |
Gameplay
baguhinAng larong ito ay naka-base sa dami ng experience na nakukuha mo kada-laro. Kapag ang isang manlalaro ay narating ang isang dami ng experience, tataas ang kanilang level at madadagdagan ang kanilang "Attribute points". Ang Attribute points ay ginagamit upanag palakasin ang kakayahan ng isang manlalaro sa pagtakbo, pagtalon, pag-dribble, pagnakaw ng bola at pagpasa.
Ang FreeStyle ay gumagamit ng isang micropayment business model kung saan ang mga manlalaro ay bumibili ng pera na gagamitin sa laro, ito ay ang GKash. Isa pang pera sa laro ay ang Points, ito naman ay nakukuha pagkatapos ng isang laro.
Ang GKash at points ay parehong ginagamit para makabili skills, freestyles, damit at iba't ibang palamuti. Ngunit may ibang mga gamit at skills na mabibili mo lamang gamit ang GKash. Ang ibang damit naman ay mayroong hangganan, mawawala na lamang sila pagakatapos ng araw na itinakda.
Sa paggawa ng mga bagong character, mayroong tatlong pangunahing character ang Center (C), ang Forward (F) at ang Guard (G). Ang mga posisyong ito ay magtatagal mula level 1 hanggang 15 at may iba't ibang kakayahan sila batay sa kanilang mga posisyon. Ang Center ang pinakamalaki sa tatlo at siya ang bahala sa mga rebound at mabilis silang maka-iskor ng 2 points sa loob o malapit sa ring. Ang mga Forward naman ay ang mga taga-tulong sa mga Center at sila naman ang malakas pumuntos sa gitna o middle. Ang mga Guard naman ang kadalasang gumagawa ng puntos sa laro, gumagawa sila ng mga pagkakataon para makapuntos at gumagawa din ng mga 3 point shot. Pag narating na ng isang character ang level 15, dito sila ay makakapili na ng kanilang pangalawang posisyon maliban sa mga Center.
Ang mga Center ay nanatiling mga Center pagsapit ng kanilang paglevel 15, ngunit ang kanilang mga kakayahan ay lalo pang pinalakas mapadepensa man o opensa. Dahil sa mas pinalakas pa nilang mga kakayahan kumpara sa panahong Rookie pa sila, ang Center ay halos hindi mo na maagawan ng Rebound dahil sa malaking pag-angat ng rebound at lakas sa pagtalon na stats nito. Ang kanilang kakayahan sa pagbox-out ay halos hindi na matibag at dahil dito tinagurian silang "elite interior nightmares" sa larong ito. Ang kanilang laki ay tunay na kinatatakutan sa larong ito.
Ang mga Forward naman ay maari nang pumili sa pagiging Small Forward at Power Forward. Ang Power Forward (PF)ay napakalakas tumalon na maaring makatulong sa Center sa kanyang tungkululin. Ang mga PF ay di hamak na mas mabilis sa mga Center at nagagamit nila ang bilis na ito laban sa ibang mga rebounder tulad ng mga Center. May katamtamang kakayahan din sila sa paggawa ng jump shot na nakakatulong sa paggawa ng puntos. Sa depensa, ang mga Power Forward ay ang mga tagabantay ng loob o gitna at taga-rebound ng mga sumablay na tira ng mga kakampi. Sa opensa naman, kadalasang dunks ang kanilang pagpapakitang gilas dahil mahirap ito iblock, tanging tamang timing lamang ang makakablock sa mga dunks ng PF. Ang mga Small Forward naman ay bilis na maikukumpara sa mga Guard, at may kakayahan din silang makagawa ng 3-point shot. Ang gitna ang kanilang pinakamalakas na lugar kung saan nakakagawa sila ng halos walang sablay na jump shot. Sa depensa ang mga SF ay mga nakakairitang taga-depensa dahil sa bilis nila, mahihirapan ang Center at PF dahil di hamak na mas mabilis sila kumpara sa mga ito. Kahit ang isang magaling na Guard kung napatapat sa isang magaling na SF ay mahihirapang lumusot ang guard dahil mas malaki ang SF sa kanila ngunit may kapantay na bilis. Ang mga SF din ay may kakayahang magrebound ngunit hindi kasing lakas ng sa PF at Center. Sa opensa, ang SF ay makakagawa ng puntos kahit saan mo ilagay sa court, at dahil dito nakakatakot iwan mag-isa ang SF sa laro.
Ang Guard naman ay maaring maging isang Shooting Guard o isang Point Guard. Ang Shooting Guard (SG)ay magaling gumawa ng 3-point play sa labas at may mataas na stat sa paggawa ng 3-points. Tuwing may pagkakataon na walang nakabantay sa isang SG, asahan mo na madadagdagan na ng tatlong puntos ang kalaban ninyo. Ang isang magaling na SG ay kayang dalhin ang laro gamit ang 3-point shot na halos walang mintis. Ngunit kung minamalas, maaring ang mga SG din ang dahilan ng pagkatalo sa laro kung hindi niya mapashoot ang mga 3-points niya. Ang Point Guard (PG)ay ang susi sa maraming game plays. Ang mga PG ay magaling pumasa at nakakagawa ng mga 2-point plays tulad ng mga alley oop at hook up shot. Ang mga Point Guard, hindi tulad ng mga Shooting Guard ay mas malakas pumasa habang gumagalaw. Dahil dito ang mga PG ay tinaguriang mga "lethar passer" mapa-kahit saan man o kailan. Ang mga PG din ay malakas tumalon at dumepensa kumpara sa SG. Sa opensa, hindi tulad ng mga SG, ang mga PG ay pinahina sa paggawa ng 3-point shot ngunit may malakas naman silang dribbling skills na mahirap pantayan na nagpapahirap sa mga taga-depensa nila. Ginagamit ng PG ang kanilang mataas ng dribbling stat para pagandahin ang kanilang sitwasyon, tila napipilayan ang mga kanilang tagapagbantay upang sila ay magkaroon ng isang open shot na may mas mataas ang tsansa na mapashoot.
Espesyal na Koponan at Character
baguhin- Miami Phoenix (Miami, Florida, United States)
- Los Angeles Gold Bugs (Los Angeles, California, United States)
- Rio Hot Carnival (Rio de Janeiro, Brazil)
- Wonder Hup (Korea Republic), based on a korean girl group "Wonder Girls"
- KARA Cats (Korea Republic), based on a korean girl group "KARA"
Bansa
baguhinFreeStyle ay nilaro na sa iba't ibang bansa at nailathala na nang maraming beses.
- Rehiyon
- Global - Gamekiss
- North America - Sierra Online (closed)
- Bansa
Pagtanggap
baguhinFreeStyle ay naiskoran ng 6.8 out of 10 by IGN.[1] Ang magandang gameplay at cell-shaded graphics ang binigyang pansin ng mga nagreview sa larong ito. Ngunit, pinintasa sa larong ito ang kakulangan sa pagpili ng itsura ng character sa simula at ang hirap sa pagsali sa isang laro.
Panlabas na Link
baguhin- GameKiss (Official Gamekiss Freestyle Street Basketball site) Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine.
- (Official Gemscool FreeStyle Street Basketball site) Naka-arkibo 2012-06-22 sa Wayback Machine.
- (Official JCEntertainment FreeStyle Street Basketball site) (korean language)[patay na link]
- (Official JCEntertainment FreeStyle Street Basketball site) (japanese language)
- (Official Asiasoft FreeStyle Street Basketball site) (thai language)[patay na link]
- (FSTYLE.RU Lithuanian support) Naka-arkibo 2010-02-26 sa Wayback Machine.
Sanggunian
baguhin- ↑ Hatfield, Daemon (Hunyo 29, 2007). "FreeStyle Street Basketball Review". IGN. Nakuha noong 2010-04-28.
A game such as this, with so many bugs and complications getting in the way of gameplay, would be hard to recommend…if you had to pay for it. But the fact that you can play FreeStyle for free right this moment tends to negate a lot of the problems you've just read about. When I was finally able to get into a game, I really did have a good time with it.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
g