Griyegong Micenico
Ang Griyegong Micenico (Griyego: Μυκηναϊκή ελληνική) o Mycenaean Greek ang pinaka-sinaunang pinatutunayang anyo ng wikang Griyego. Ito ay sinalita sa pangunahing lupaing Griyego, Creta, at Cyprus noong panahong Mycenaean(ika-16 siglo BCE hanggang ika-12 siglo BCE) bago ang pinagpapalagay na pananakop na Doriano na kadalasang tinutukoy na terminus post quem sa pagdating ng wikang Griyego sa Gresya. Ang wikang ito ay naingatan sa mga inskripsiyon sa Linyar B na isang skriptong unang pinatunayan sa Creta bagon ang ika-14 siglo BCE. Ang karamihan ng mga instansiya ng mga inskripsiyong ito ay mga nasa tabletang putik na natagpuan sa Knossos sa sentral na Creta at sa Pylos sa timog-kanlurang Peloponnese. Ang ibang mga tableta ay natagpuan sa mismong Mycenaea, Tiryns at Chania sa Kanlurang Creta.[1] Ang wikang ito ay pinangalan sa Mycenaea na isa sa mga pangunahing sentro ng Gresyang Mycenaean. Ang mga tableta nito ay matagal na nanatiling hindi nauunawaan at ang bawat maiisip na wika ay iminungkahi para sa mga ito hanggang sa maunawaan ni Michael Ventris ang skripto noong 1952 at sa isang preponderansiya ng ebidensiya ay nagpapatunay na ito ay isang maagang anyo ng wikang Griyego. Ang mga teksto sa mga tableta ay karamihang mga talaan at mga imbentoryo.
Griyegong Micenico | |
---|---|
Rehiyon | Katimugang Balkanikong Tangway, Creta |
Panahon | ika-16–12 na mga siglo BK |
Indo-Europeo
| |
Linyar B | |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | gmy |
gmy | |
Mapa ng Gresya bilang inilarawan sa Iliada ni Homer. May paniniwala na tinutukoy ng heograpikong datos ang Gresya nang Panahong Bronse, noong nag-Griyegong Micenico, at kaya maginagamit para magtasa ng mga petsa. | |
Kasaysayan ng wikang Griyego (tignan din: alpabetong Griyego) |
Proto-Griyego (c. 3000 BCE –1600 BCE)
|
Micenico (c. 1600 BCE –1100 BCE)
|
Sinaunang Griyego (c. 800 BCE –330 BCE) Mga dialekto: Aeolic, Arcadocypriot, Attic-Ionic, Doric, Locrian, Pamphylian, Homeric Greek, Macedonian
|
Griyegong Koine (c. 330 BCE –330 CE)
|
Griyegong Mediebal (330 CE–1453)
|
Modernong Griyego (mula 1453) Dialects: Calabrian, Cappadocian, Cheimarriotika, Cretan, Cypriot, Demotic, Griko, Katharevousa, Pontic, Tsakonian, Maniot, Yevanic
|
Mga Griyegong katangian
baguhinSumailalim na ang Micenico ng kasunod na mga ponolohikong pagbabago, kakakaiba sa wikang Griyego, at kaya ipinalalagay na Griyego.
Mga ponolohikong pagbabago
baguhinMga morpolohikong pagbabago
baguhinMga leksikal na gamit
baguhin- Tangi na mga Griyegong salita:
- Mga Griyegona porma ng alam na mga salita sa ibang mga wika:
- 𐀷𐀙𐀏, wa-na-ka, *wanax (kasunod na Griyego: ἄναξ, ánax, "hari, pinuno")[2]
- 𐀷𐀙𐀭, wa-na-sa, (kasunod na Griyego: ἄνασσα, ánassa, "reyna")[3]
- 𐀁𐀨𐀺, e-ra-wo o 𐀁𐁉𐀺, e-rai-wo, *elaiwon (kasunod na Griyego: ἔλαιον, élaion, "langis ng oliba")
- 𐀳𐀃, te-o, *tʰehos (kasunod na Griyego: θεός, theos, "diyos")
- 𐀴𐀪𐀠, ti-ri-po, *tripos (kasunod na Griyego: τρίπους, tripous, "tungko")
Korpus
baguhinNg korpus ng Griyegong sulat noong panahong Micenico ay kinabibilangan ang mga 6,000 tableta at kaputol ng palayok sa Linyar B, mula sa LMII hanggang sa LHIIIB. Hindi nahahanap pa ang mga bantayog sa Linyar B, ni hindi ang mga transliterasyon hindi sa Linyar B.
Ang "bato ng Kafkania" ay inangkin bilang pinakalumang inskripsiyong Micenico, na may petsa na ipinalagay mula sa ika-17 na siglo BK. Gayunman, malimit na pinagdududahan ang katotohanan ng itong pahayag, kaya ang karamihang mga talakayan pang-iskolar ng Linyar B ay lumiliban ng bato.
Ang unang petsa na kadalasang natatanggap para sa isang tabletang Linyar B ay nagmumula ng mga tableta mula sa "Silid ng mga Tableta ng mga Kalesa" sa Knossos, baka mula sa panahong LM II-LM IIIA, sa pagitan ng huling kalahati ng ika-15 na siglo BK at ang pinakaunang mga taon ng ika-14.
Mga kaibahan at diyalektong posible
baguhinHabang ang diayalektong Micenico ay medyo panay nasa lahat ng mga sentro na natatagpuan, may din kaunting bakas ng mga baryanteng dialektal:
- i imbes na e nasa datibo ng mga suwi na may mga katinig
- a imbes na o nasa deribatibo ng n (e.g. pe-ma imbes na pe-mo < *spermṇ)
- kaibahang e/i nasa e.g. te-mi-ti-ja / ti-mi-ti-ja
Batay sa ganyang mga kaibahan, ipinanukala ni Ernst Risch (1966) ang pagiging ng mga diyalekto sa loob ng Linyar B.[4] Ayon sa kanya, ang "Karaniwang Micenico" (Pranses: le mycénien normal) ay uliran na ipinahayag sa mga tableta, at ang "Natatanging Micenico" (Pranses: le mycénien spécial) ay kinatawan ang ilang (mga) diyalektong bernakular ng partikular ng mga manunulat na gumawa ng mga tableta.[5]
Kaya, "ang isang partikular na manunulat, na itinangi ng niyang sulat-kamay, ay nanumbalik sa diyalekto ng niyang arawang salita"[6] at gumamit ng mga baryanteng porma, tulad ng mga halimbawa sa itaas.
Ibig sabihin nito, pagkatapos ng pagguho ng Gresyang Myceneo, habang hindi ginamit na ang ulirang wikang Micenico, nagpatuloy ang mga lokal na diyalekto, na kinatawan ang bernakular na salita, na (tuluyan na) gumawa ng iba't-ibang Griyegong diyalekto ng panahong makasaysayan.
Ikabit din ng mga ganyang teorya sa ideya na bumuo ang wikang Micenico ng uri ng natatanging koine na kinatawan ang opisyal na wika ng mga palasyong tala at ng aristokrasya na naghari. Kapag hindi nang nakapagsalita ang "koineng Micenico", pagkatapos ng bagsak ng mga palasyo, ang mga diyalekto sa ilalim (ng ulirang wika) ay patuloy na bumuti kanya-kanya. Inilarawan ang ganyang tingin ni Antonin Bartonek.[7][8] Ang ibang mga lingguwista tulad ng nina Leonard Robert Palmer[9] at Yves Duhoux[10] ay sumusuporta din ng itong tingin ng "koineng Micenico".[11] (Ginagamit din ng mga arkeologo ang termino "koineng Micenico" para tukuyin ang kulturang materyal ng rehiyon.) Gayunman, dahil hindi ipinapahiwatig ng iskrip ng Linyar B ang iba-ibang posibleng katangiang diyalektal, tulad ng dalo o liban ng aspirasyon (sa simula ng salita) at haba ng mga patinig, hindi maaari tayong ipalagay na ang mga tekstong Linyar B ay laging nabasa bilang sinulat.
Hinamon, gayunman, ang ebidensya para sa "Natatanging Micenico" bilang natatanging diyalekto. Pinapanindigan ni Thompson na ang ebidensiya ni Risch ay hindi naitatala ng mga pamantayan diyagnostiko para muling itayo ang dalawang diyalekto sa loob ng Micenico.[12] Ang bagong pagsusuring paleograpiko, na hindi nagamit ni Risch, ay nagpapatunay na ang walang indibiduwal na manunulat ay laging sumusulat ng mga pormang "Natatanging Micenico".[13] Dahil sa itong di-pagkakapareho, ang baryasyon sa pagitan ng "Karaniwang Micenico" at "Natatanging Micenico" ay malamang hindi kinakatawan ang mga kaibahang diyalektal o sosyolektal, kasi inaasahan na ang ganyang mga kaibahan ay tumututok sa indibiduwal na mga tagapagsalita, na hindi minasdan sa korpus ng Linyar B.
Pagkaligtas
baguhinHabang tumigil ang paggamit ng Griyegong Micenico noong pagguho ng Gresyang Myceneo, ang mga bakas ay nakakahanap sa mga kasunod na Griyegong diyalekto. Sa katunayan, pinaniniwalaan na ang Griyegong Arkadocypriot (Griyego: Αρκαδοκυπριακή διάλεκτος) ay malapit sa Griyegong Micenico. Ang Arkadocypriot ay Sinaunang Griyegong diyalekto na sinalita sa Arcadia (gitnang Peloponeso) at sa Tsipre.
Nagpapakita din ang sinaunang Pampilio (Griyego: Παμφυλιακή διάλεκτος) ng malabong pagkakatulad sa Arkadocypriot at sa Griyegong Micenico.[14]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ *Chadwick, John (1976). The Mycenaean World. Cambridge UP. ISBN 0-521-29037-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Linear B word wa-na-ka". Palaeolexicon. Word study tool of ancient languages (sa wikang Ingles).
- ↑ "The Linear B word wa-na-sa". Palaeolexicon. Word study tool of ancient languages (sa wikang Ingles).
- ↑ RISCH, Ernst (1966), Les differences dialectales dans le mycenien (sa wikang Pranses). CCMS pp. 150-160.
- ↑ Lydia Baumbach (1980), A Doric Fifth Column? Naka-arkibo 2019-08-02 sa Wayback Machine. (PDF)
- ↑ Baumbach, p. 7, sa wikang Ingles. "a particular scribe, distinguished by his handwriting, reverted to the dialect of his everyday speech"
- ↑ Bartoněk, Antonín, Greek dialectology after the decipherment of Linear B. Naka-arkibo 2020-08-04 sa Wayback Machine. Studia Mycenaea : proceedings of the Mycenaean symposium, Brno, 1966. Bartoněk, Antonín (editor). Vyd. 1. Brno: Universita J.E. Purkyně, 1968, pp. [37]-51
- ↑ BARTONEK, A. 1966 'Mycenaean Koine reconsidered', Cambridge Colloquium on Mycenaean Studies' (CCMS) ed. by L. R. Palmer and John Chadwick, C.U.P. pp.95-103
- ↑ Palmer, L.R. (1980), The Greek Language, London.
- ↑ Duhoux, Y. (1985), ‘Mycénien et écriture grecque’, in A. Morpurgo Davies and Y. Duhoux (eds.), Linear B: A 1984 Survey (Louvain-La-Neuve): 7–74
- ↑ Stephen Colvin, ‘The Greek koine and the logic of a standard language’ Naka-arkibo 2016-03-10 sa Wayback Machine., in M. Silk and A. Georgakopoulou (eds.) Standard Languages and Language Standards: Greek, Past and Present (Ashgate 2009), 33-45
- ↑ Thompson, R. (2006) ‘Special vs. Normal Mycenaean Revisited.’ Minos 37–38, 2002–2003 [2006], 337–369.
- ↑ Palaima, Thomas G. (1988). The scribes of Pylos (sa wikang Ingles). Edizioni dell'Ateneo.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wilson, Nigel (2013-10-31). Encyclopedia of Ancient Greece (sa wikang Ingles). Routledge. pp. 220–221. ISBN 978-1-136-78799-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)