Hurasiko

(Idinirekta mula sa Hurassiko)

Ang Hurasiko (Ingles: Jurassic) ay isang panahong heolohiko na sumasklaw mula 201.3 milyong taon ang nakalilipas hanggang 145 milyong taon ang nakalilipas. Ito ay nasa pagitan ng panahong Triassic at Cretaceous. Ang panahong ito ay binubuo ng gitnang panahon ng Erang Mesozoiko na kilala rin bilang Panahon ng mga Reptilya. Ang simula ng panahong ito ay minarkahan ng isang malaking pangyayaring ekstinksiyon na Triassic-Jurassic. Gayunpaman, ang huli nang panahong ito ay hindi nakasaksi ng anumang malaking pangyayaring ekstinksiyon. Ang Jurassic ay ipinangalan sa Mga bundok na Jura sa loob ng Alps na Europeo kung saan ang stratang batong apog mula sa panahong ito ay unang natukoy. Sa simula ng Jurassic, ang superkontinenteng Pangaea ay nagsimulang maghiwalay sa dalawang mga masa ng lupain: ang Laurasia sa hilaga at ang Gondwana sa timog. Ito ay lumikha ng mas maraming mga baybayin at naglipat ng klimang kontinental mula sa tuyo tungo sa mahalumigmig at maraming mga tuyong disyerto ay pinalitan ng mga saganang ulang gubat. Ang mga dinosauro ay nanaig sa lupain at umabot sa rurok nito sa panahong ito habang ang mga ito ay sumailalim sa dibersipikasyon sa iba't ibang mga pangkat. Ang unang mga ibon ay lumitaw rin sa panahong ito na nag-ebolb mula sa isang sangay ng mga dinosaurong theropod. Ang mga karagatan ay tinatahanan ng mga reptilyang pang-dagat gaya ng mga ichthyosaur at plesiosaur samantalang ang mga pterosaur ang nananaig na mga bertebratang lumilipad. Ang mga mamalya ay umiral rin sa panahong ito. Gayunpaman, ang mga ito ay nasapawan ng mga dinosauro at ang mga mamalyang ito ay bumubuo lamang sa isang maliit at hindi mahalagang bahagi ng biospero.

Hurasiko
201.3 ± 0.2 – ~145.0 milyong taon ang nakakalipas
mapa ng mundo sa Gitnang Hurasiko ca. 170 milyong taon ang nakakalipas
Kronolohiya
Etimolohiya
PormalFormal
Impormasyon sa paggamit
Paggamit panrehiyonGlobal (ICS)
Ginamit na iskala ng panahonICS Time Scale
Kahulugan
Yunit kronolohikalPeriod
Yunit stratigrapikoSystem
Pormal na time spanFormal
Kahulugan ng mababang hanggananFirst appearance of the ammonite Psiloceras spelae tirolicum.
Lower boundary GSSPKuhjoch section, Karwendel mountains, Northern Calcareous Alps, Austria
47°29′02″N 11°31′50″E / 47.4839°N 11.5306°E / 47.4839; 11.5306
GSSP ratified2010
Upper boundary definitionNot formally defined
Upper boundary definition candidates
Upper boundary GSSP candidate section(s)None

Mga dibisyon

baguhin

Ang panahong Jurassic ay nahahati sa Simulang Jurassic, Gitnang Jurassic at Huling Jurassic. Ang sistemang Jurassic sa stratigrapiya ay nahahati sa Mababang Jurassic, Gitnang Jurassic at Itaas na Jurassic na serye ng mga pagkakabuong bato na kilala rin bilang mga Lias, Dogger at Malm sa Europa.[1] Ang paghihiwalay ng terminong Jurassic sa tatlong mga seksiyon ay bumabalik kay Leopold von Buch (* 1774, † 1853).[kailangan ng sanggunian] Ang mga yugtong pang-fauna na mula sa pinakabata hanggang pinakamatanda ang sumusunod:

Panahon Yugto/edad Mababang Hangganan
Maagang Kretaseyoso Berriasian ~145 Milyong taon ang nakakalipas
Huling Hurasiko Tithonian 152.1 ±0.9 Milyong taon ang nakakalipas
Kimmeridgian 157.3 ±1.0 Milyong taon ang nakakalipas
Oxfordian 163.5 ±1.0 Milyong taon ang nakakalipas
Gitnang Hurasiko Callovian 166.1 ±1.2 Milyong taon ang nakakalipas
Bathonian 168.3 ±1.3 Milyong taon ang nakakalipas
Bajocian 170.3 ±1.4 Milyong taon ang nakakalipas
Aalenian 174.1 ±1.0 Milyong taon ang nakakalipas
Maagang Hurasiko Toarcian 182.7 ±0.7 Milyong taon ang nakakalipas
Pliensbachian 190.8 ±1.0 Milyong taon ang nakakalipas
Sinemurian 199.3 ±0.3 Milyong taon ang nakakalipas
Hettangian 201.3 ±0.2 Milyong taon ang nakakalipas
 
Ang mga malalaking dinosauro ay gumala sa mga kagubatan ng parehong malalaking mga konipero sa panahong Hurasiko.

Paleoheograpiya at tektonika

baguhin

Sa Simulang Jurassic, ang superkontinenteng Pangaea ay nahati sa hilagaang superkontinenteng Laurasya at ang katimugang superkontinenteng Gondwana. Ang Golpo ng Mehiko ay nagbukas sa bagong paghihiwalay sa pagitan ng Hilagang Amerika at sa ngayong Peninsulang Yucatan sa Mehiko. Ang Jurassicng Hilagang Karagatang Atlantiko ay relatibong makitid samantalang ang Timog Atlantiko ay hindi nagbukas hanggang sa sumunod na panahong Kretaseyoso nang ang mismong Gondwana ay nahati.[2] Ang Karagatang Tethys ay nagsara at ang basin na Neotethys ay lumitaw. Ang mga klima ay katamtamang mainit na walang ebidensiya ng glasiasyon(pagyeyelo). Gaya ng sa panahong Triasiko, walang maliwanag na lupain sa anuman sa mga polo at walang ekstensibong mga kap ng yelong umiral. Ang rekord na heolohiko ng panahong Jurassic ay mahusay sa kanluraning Europa kung saan ang mga ekstensibong marinong mga pagkakasunod ay nagpapakita ng panahon nang ang karamihan ng kontinente ay lumubog sa ilalim ng mababaw na mga dagat tropiko. Ang mga kilalang locale ay kinabibilangan ng Baybaying Hurassik(na isang World Heritage Site) at ang kilalang huling Jurassicng lagerstätten ng Holzmaden atSolnhofen.[3] Salungat dito, ang rekord ng panahong Jurassic sa Hilagang Amerika ang pinakamasahol ng epoch na Mesosoiko na may ilang mga nakausling patong ng bato sa ibabaw.[4] Bagaman ang epikontinental na Dagat Sundance ay nag-iwan ng mga marinong deposito sa mga bahagi ng hilagaang kapatagan ng Estados Unidos at Canada sa panahong Jurassic, ang karamihan ng mga nalantad ng sedimento mula sa panahong ito ay pang-kontinente gaya ng mga depostong alluvial ng Pormasyong Morrison. Ang panahong Jurassic ay isang panahon ng dagat kalsitong heokemiko na ang mababa sa magnesium na kalsito ang pangunahing inorganikong presipitato ng kalsiyum karbonata. Ang mga matitigas na lupaing karbonata ay kaya napaka karaniwan kasama ng mga ooid na kalsitiko, mga sementong kalsitiko at mga faunang inbertebrata na may mga nanaig na kalansay na kalsitiko. (Stanley and Hardie, 1998, 1999). Ang unang ilang mga malalaking mga batholitho ay nailagay sa hilagaang kordilyerang Amerikano sa simula ng Gitnang Jurassic na nagmamarka ng oreheniyang Nevadan.[5] Ang mga mahahalagang pagkakalantad na Jurassic ay matatagpuan sa Rusya, Indiya, Timog Amerika, Austalasya at Nagkakaisang Kaharian(UK). Sa Aprika, ang strata ng Simulang Jurassic ay naipamahagi sa isang katulad na anyo sa mga kama ng Huling Triasiko na may mas karaniwang mga nakausling paton sa timog at hindi mas karaniwang mga kamang fossil na pinanaigan ng mga track sa hilaga.[6] Habang ang panahong Jurassic ay nagpapatuloy, ang mas malaki at mas ikonikong mga pangkat ng mga dinosauro tulad ng mga sauropoda at mga ornithopoda ay lumaganap sa Aprika.[6] Ang stratang Gitnang Jurassic ay hindi kinakatawan o mahusay na napag-aralan sa Aprika.[6] Ang stratang Huling Jurassic ay masahol ring kinakatawan maliban sa spektakular na faunang Tendenguri sa Tanzani.[6] Ang buhay sa Huling Jurassic ng Tendenguri ay labis na katulad ng Promasyong Paleobiota ng Morisson na natagpuan sa kanluraning Pormasyong Morrison ng Hilagang Amerika.[6]

Akwatiko at marino

baguhin

Sa panahong Jurassic, ang mga pangunahing bertebratang namumuhay sa mga dagat ang mga isda at mga marinong reptilya. Ang huli ay kinabibilangan ng mga ichthyosauro na nasa rurok ng dibersidad nito, ang mga plesiosauro, mga pliosauro at mga marinong buwaya ng mga pamilyang Teleosauridae at Metriorhynchidae.[7] Sa daigdig na inbertebrata, ang ilang mga bagong pangkat ay lumitaw kabilang ang mga rudista(isang bumubuo ng reef na uri ng mga bibalbo) at ang mga belemnite. Ang mga kalkareyosong sabellid (Glomerula) ay lumitaw sa Simulang Jurassic.[8] Ang panahong Jurassic ay mayroon ring dibersong nagkukrusto at bumubutas na mga pamayanang(sclerobiont) at ito ay nakakakita ng isang mahalagang pagtaas sa mga bioerosyon ng mga shell na karbonata at mga matitigas na lupain. Ang lalong mga karnaiwan ang ichnogenus (bakas na fossil) Gastrochaenolites.[9] Sa panahong Jurassic, ang mga apat o limang mga labindalawang klado ng mga organismong plaktoniko na umiiral sa fossil rekord ay nakaranas ng isang malaking ebolusyonaryong radiasyong pag-aangkop o lumitaw sa unang pagkakaton.[1]

Pang-lupain

baguhin

Sa lupain, ang malalaking mga reptilyang archosauro ay nanatiling nananaig. Ang panahong Jurassic ay isang ginintuang panahon para sa mga malalaking herbiborosong mga dinosauro na kilala bilang mga sauropodaCamarasaurus, Apatosaurus, Diplodocus, Brachiosaurus, at maraming iba pa na gumala sa lupain sa Huling Jurassic. Ang kanilang mga suporta ang mga prairie ng mga fern, mga tulad ng palmang cycad at bennettitales, o ang mas mataas na paglagong koniperoso ayon sa mga pag-aangkop nito. Ang mga ito ay sinila ng mga malalaking theropoda gaya halimbawa ng Ceratosaurus, Megalosaurus, Torvosaurus at Allosaurus. Ang lahat ng mga ito ay kabilang sa may balakang na butiki o sangay na saurischia ng mga dinosauro.[10] Sa Huli ng Jurassic, ang unang mga ibon tulad ng Archaeopteryx ay nag-ebolb mula sa maliliit na na mga coelurosauriyanong dinosauro. Ang mga Ornithischian na mga dinosauro ay hindi nananaig sa mga saurischian na dinosauro bagaman ang ilan tulad ng mga stegosauro at ang malilit na mga ornithopoda ay gumampan ng mahahalagang mga papel bilang maliliit at katamtaman hanggang malalaking mga herbibora. Sa himpapawid, ang mga ptesauro ay karaniwan. Ang mga ito ay naghari sa mga himpapawid na pumupuno ng maraming mga katungkulang ekolohikal na kinuha na ngayon ng mga ibon.[11] Sa loob mga mababang lumalagong mga halamanan ay ang iba't ibang mga uri ng sinaunang mamalya gayundin ang mga tulad ng mamalyang mga reptilyang tritylodont, ang tulad ng butiking mga sphenodonts at sinaunang mga lissamphibia. Ang mga natitira ng mga Lissamphibia ay nag-ebolb sa panahong ito na nagpapakilala ng mga unang salamander at mga caecilian.[12]

 
Ang mga konipero ang nananaig na mga halamang panglupain sa panahong Jurassic.

Ang tuyo at mga kondisyong kontinental na karakteristiko ng panahong Triasiko ay patuloy na gumagaan sa panahong Jurassic lalo na sa mga mas matataas na latitudo. Ang katamtamang init, mahalumigmig na klima ay pumayag sa mga kagubatan na tumakip sa karamihan ng mga lupain.[13] Ang hymnosperma ay relatibong diberso sa panahong Jurassic.[1] Ang mga konipero sa partikular ay nananaig sa flora gaya ng sa panahong Triasiko. Ang mga ito ang pinaka dibersong pangkat at bumubuo ng karamihan ng mga malalaking puno. Ang mga umiiral sa kasalukuyang mga pamilya ng konipero na yumabong sa Jurassic ay kinabibilangan ng Araucariaceae, Cephalotaxaceae, Pinaceae, Podocarpaceae, Taxaceae at Taxodiaceae.[14] Ang ekstinkt na pamilyang konipero sa epoch na Mesosoiko na Cheirolepidiaceae ay nanaig sa mababang latitudong halamanan gayundin din ang mga mapalumpong Bennettitales.[15] Ang mga Cycad ay karaniwan rin gayungdin ang mga ginkgo at mga punong fern sa kagubatan.[1] Ang mas maliliit na mga fern ay malamang na nananaig sa mababang mga halamanan. Ang mga Caytoniacea ay isa pang pangkat ng mga mahahalgang halaman sa panahong ito at inakalang may sukat na palumpong hanggang maliit na puno.[16] Ang mga halamang ginkgo ay partikular na karaniwan sa gitna hanggang matataas na mga latitudo.[1] Sa katimugang Hemispero, ang mga podocarpo ay lalong matagumpay samantalang ang mga gingkgo at mga Czekanowskiales ay bihira.[13][15] Sa mga karagatan, ang mga modernong mga coralline algae ay lumitaw sa unang pagkakaton.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Kazlev, M. Alan (2002) Palaeos website Naka-arkibo 2006-01-05 sa Wayback Machine. Accessed July. 22, 2008
  2. Late Jurassic
  3. "Jurassic Period". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-14. Nakuha noong 2012-09-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "map". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-15. Nakuha noong 2012-09-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Monroe and Wicander, 607.
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Jacobs, Louis, L. (1997). "African Dinosaurs". Encyclopedia of Dinosaurs. Edited by Phillip J. Currie and Kevin Padian. Academic Press. p. 2-4.
  7. Motani, R. (2000), Rulers of the Jurassic Seas, Scientific American vol.283, no. 6
  8. Vinn, O.; Mutvei, H. (2009). "Calcareous tubeworms of the Phanerozoic" (PDF). Estonian Journal of Earth Sciences. 58 (4): 286–296. Nakuha noong 2012-09-16.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Taylor, P. D.; Wilson, M. A. (2003). "Palaeoecology and evolution of marine hard substrate communities". Earth-Science Reviews. 62 (1–2): 1–103. Bibcode:2003ESRv...62....1T. doi:10.1016/S0012-8252(02)00131-9.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Haines, Tim (2000). Walking with Dinosaurs: A Natural History. New York: Dorling Kindersley. ISBN 0-7894-5187-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Feduccia, A. (1996). The Origin and Evolution of Birds. New Haven: Yale University Press. ISBN 0-300-06460-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Carroll, R. L. (1988). Vertebrate Paleontology and Evolution. New York: WH Freeman. ISBN 0-7167-1822-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 Haines, 2000.
  14. Behrensmeyer et al., 1992, 349.
  15. 15.0 15.1 Behrensmeyer et al., 1992, 352
  16. Behrensmeyer et al., 1992, 353