IWantTFC
Ang iWant TFC, ang pinagsamang serbisyo ng iWant at TFC Online, ay isang over-the-top content platform at kumpanya ng produksyon na pagmamay-ari at pinapatakbo ng ABS-CBN Corporation . Nag-aalok din ang iWant TFC ng livestreams ng Kapamilya Channel, The Filipino Channel, ANC, at TeleRadyo at iba pang on-demand contents ng ABS-CBN sa iba't ibang mga platform. Ang serbisyo ay naa-access sa buong mundo.[2] Ang serbisyo ay kapalit din ng Sky On Demand ng Sky Cable na itinigil noong 1 Setyembre 2020.
Uri ng sayt | OTT platform PPV |
---|---|
Mga wikang mayroon | Filipino English |
Sumunod sa | Bilang TFC Online
|
Punong tanggapan | 9th Floor Eugenio Lopez Jr. Communications Center, Eugenio Lopez Drive, South Triangle, Lungsod Quezon, Pilipinas |
Nagagamit sa | Buong mundo |
Pangunahing tauhan | |
Industriya | Teknolohiya at Entertainment, Mass Media |
Mga produkto |
|
Mga serbisyo |
|
Kumpanyang pinagmulan | ABS-CBN Digital Media |
URL | iwanttfc.com |
Pang-komersiyo? | Oo |
Pagrehistro | Kailangan; Kailangan ng subskripsyon upang mapanood ang iba pang nilalaman |
Mga gumagamit | 13 milyon (Hulyo 2019)[1] |
Nilunsad |
|
Kasaysayan
baguhinBilang TFC Online
baguhinInilunsad noong 2003 bilang ABS-CBNnow!, isang serbisyong nakatuon sa mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa kung saan mapapanood nila ang mga programa ng ABS-CBN tulad ng MTB, The Buzz at Magandang Gabi Bayan saan man sa mundo, kung mayroong kompyuter na may mabilis na internet o broadband connection. Ang mga gumagamit ay maaaring direktang mag-stream o mag-download ng mga file at kinakailangang mag-install ng Windows Media Player upang mapanood ang mga contents nito na protektado ng DRM . Isa ito sa kauna-unahang OTT platform na pagmamay-ari ng Filipino. Noong Oktubre 2005, ang serbisyo ay nagkaroon na ng humigit-kumulang na 23,000 ang gumagamit nito sa buong mundo. Ang pinakamalaking bahagi ng mga tagatangkilik nito ay nagmula sa Estados Unidos na mayroong walong libong gumagamit, anim na libo sa Britanya, apat na libo sa Canada, at ang natitira ay sa mga bansa ng Korea, Japan, Pilipinas at iba pang mga bansa sa Asya.[3]
Bilang iWant
baguhiniWant TV (2010-2018)
baguhinMagmula ng nilunsad ito hanggang taong 2015, ang iWantTV ay naging tahanan ng mga tsanel tulad ng NatGeo, ang Food Network, E!, CNN, at Cartoon Network. Ang mga partikular na nilalaman na ito ay inililipat sa isang bagong serbisyo na tinatawag na Sky On Demand na eksklusibo sa mga gumagamit ng Sky Cable. Noong Agosto 2015, mula sa pagtulungan ng iWantTV, StarFlix (isang dibisyon ng Star Cinema) at ng Wattpad, inilabas sa platform na ito ang Must Date the Playboy, na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim, na nasa direksyon ni Mae Cruz Alviar, ito ang unang pelikula na eksklusibong inilabas sa pamamagitan ng iWant TV at ng ABS-CBN Mobile.[4]
Noong 26 Setyembre 2016, ang pakikipagsosyo kasama ang PLDT at ang subsidiary nito ng Smart Communications ay inihayag sa isang seremonya na dinaluhan ni Eugenio Lopez III (Tagapangulo ng ABS-CBN), Carlo Katigbak (Pangulo at CEO ng ABS-CBN), Manny Pangilinan (Tagapangulo ng PLDT) at iba pang mga ehekutibo ng ABS-CBN, PLDT at Smart. Ang pakikipagsosyo ay magbibigay-daan sa mga gumagamit ng PLDT at Smart na magamit ang iWant TV website at ang mobile app nito.[5]
iWant (2018-2020)
baguhinNoong 16 Nobyembre 2018, ito ay inilunsad muli ang serbisyo na tinawag na bilang iWant, na ngayon ay nagbibigay-diin sa pagpapalabas at paggawa ng orihinal na mga programa o content, katulad ng Netflix at iFlix,[6] ilan sa mga naging orihinal na programa o nilalaman nito ay ang Spirits: Reawaken, Quezon's Game at ang Alamat ng Ano.[7] Ang Glorious at MA naman ay ilan lamang sa mga pelikulang iprinodyus ng kumpanya na eksklusibo sa nasabing platform. Noong Mayo 2019, nadagdagan pa ang nilalaman nito sa pagpasok ng mga programa katulad ng 2005 na bersyon ng Japanese animé series na Doraemon (na ipinapalabas sa Yey!, isang eksklusibong channel ng ABS-CBN TV Plus ).[8]
Bilang iWantTFC (2020-kasalukuyan)
baguhinNoong 1 Setyembre 2020 ay pormal ng pinagsama ang serbisyo ng iWant at TFC Online, upang ilunsad ito bilang iWant TFC, sa muling paglunsad nito, ito na ay nagagamit na saan man sa mundo.
Mga sinusuportahang aparato
baguhinPuwedeng ma-access ang iWant sa mga sumusunod na kagamitan:
Smart TVs
baguhin- Samsung Smart TV (2016 & higher models only)
- Roku Smart TV
- Vewd
- Vidaa
Streaming media players
baguhin- Android TV
- Chromecast
- Nvidia Shield TV
- Roku Players
- Apple TV (2nd Generation to 5th Generation) via AirPlay
- Chromecast with Google TV
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ "ABS-CBN's iWant starts 2019 with 11.3 million subscribers". ABS-CBN News. Enero 17, 2019. Nakuha noong Setyembre 16, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ABS-CBN to launch new streaming service iWant". ABS-CBN News. Oktubre 4, 2018. Nakuha noong Setyembre 16, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ABS-CBN expects hefty profits from Internet TV". Philstar.com. Nakuha noong 2021-05-30.
{{cite web}}
:|archive-date=
requires|archive-url=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Mendoza, Arvin (Setyembre 2, 2017). "IN PHOTOS: Kim Chiu, Xian Lim star in 'Must Date the Playboy'". Inquirer.net. Nakuha noong Setyembre 16, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ABS-CBN partners with PLDT to offer iWant TV". BusinessWorld Online. Setyembre 27, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 6, 2020. Nakuha noong Setyembre 16, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ABS-CBN's IWant goes live on mobile, desktop ahead of launch". ABS-CBN News. Nobyembre 16, 2018. Nakuha noong Nobyembre 16, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ABS-CBN to launch new streaming service iWant". ABS-CBN News. Oktubre 4, 2018. Nakuha noong Setyembre 16, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Melegrito, JM (May 27, 2019). "ABS-CBN adds Doraemon's 2005 television series to iWant streaming service". Anime Pilipinas. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 25, 2020. Nakuha noong September 16, 2020.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong)