Ikan bakar
Ang ikan bakar ay isang pagkaing Indones at Malay, na gawa sa isda o iba pang pagkaing-dagat na iniihaw sa ulingan. "Inihaw na isda" ang literal na salin ng ikan bakar sa Indones at Malay. Iba ang ikan bakar sa iba pang mga inihaw na isda dahil madalas itong naglalaman ng mga pampalasa tulad ng bumbu, kecap manis, sambal, at binabalutan ng dahon ng saging at niluluto sa nagbabagang uling.
Kurso | Ulam |
---|---|
Kaugnay na lutuin | Indonesya,[1] Brunay, Malasya, Singapura |
Ihain nang | Mainit |
Pangunahing Sangkap | Isdang tinimplahan ng bawang, lasuna at iba pang mga espesya na iniihaw sa uling |
|
Pinagmulan at kasikatan
baguhinAng pag-iihaw ay isa sa mga pinakalumang paraan ng pagluluto sa paghahanda ng isda. Kabilang ang mga isda at pagkaing-dagat sa tubig-tabang sa pangunahing pinagkukunan ng protina para sa mga tagapulo. Likas lamang na napakasikat at laganap ang pamamaraang ito sa kapuluang Indones na malapit sa dagat. Kaya itinuturing ang inihaw na isda bilang isang klasikong ulam sa lutuing Indones.[2][3]
Bilang isang mapulong bansa, napakasikat ang ikan bakar sa Indonesya at karaniwang mahahanap sa maraming lugar, mula sa dalampasigan sa Aceh, sa restoran sa may daungan ng Kupang sa Silangang Nusa Tenggara, hanggang sa gitna ng distritong pangnegosyo ng Jakarta.[2] May iba't ibang mga partikular na bersiyon, kabilang dito ang kan bakar Cianjur ng mga ,[4] na karaniwang inihaw na isda sa tubig-tabang, tulad ng karpa at gurami, at ikan bakar Jimbaran ng mga , mga isdang-dagat na bagong ihaw sa mga warung malapit sa dalampasigang Jimbaran at palengkeng isda sa Bali.[5] Gayunpaman, lalong sikat ang inihaw na pagkaing-dagat sa Sulawesi at Maluku, kung saan nangingisda ang karamihan sa mga tao, at may malalawak na dagat ang dalawang lugar na mapagkukunan ng samu't saring uri ng pagkaing-dagat.[6] Karaniwan, ibinababad ang isda sa timpla ng mga minasang espesya, minsan may belacan o kecap manis (toyong matamis), at iniihaw, minsan pinoprotektahan ng isang dahon ng saging na inilagay sa pagitan ng pagkaing-dagat at ihawan para maiwasan pagdidikit ng isda sa ihaw at pagpuputol-putol nito.[6]
Pambabad at espesya
baguhinKaraniwang ibinababad ang isda sa timpla ng toyong matamis at langis ng niyog o margarina, na ipinapahid habang iniihaw. Maaaring iba-iba ang timpla ng espesya depende sa rehiyon o lugar, ngunit kadalasan binubuo ito ng kombinasyon ng dinurog na lasuna, bawang, sili, unsoy, katas ng sampalok, lumbang, luyang-dilaw, galangal at asin.[7] Sa Java at karamihan ng Indonesya, karaniwang medyo matamis ang ikan bakar dahil sa paggamit ng toyong matamis sa pambabad o sawsawan.[8] Karaniwan itong sinasabayan ng kanin at toyong matamis na ibinuhos sa mga hiniwang siling-berde at lasuna.[2] Kadalasan, ang ikan bakar ng Minangkabau (Padang), karamihan ng Sumatra pati Tangway ng Malaya ay mas maanghang at mas dilaw-pula dahil sa paggamit ng sili, luyang-dilaw at iba pang espesya, at sa kawalan ng toyong matamis.[9]
Sinasabayan ang ikan bakar ng sambal belacan (sili na may bagoong alamang) o sambal kecap (hiniwang sili at lasuna sa toyong matamis) bilang sawsawan o kondimento at mga hiniwang limon bilang palamuti. Karaniwang sinasahugan ang ikan bakar ng Manado at Maluku sa silangang Indonesya ng mga kondimentong rica-rica,[10] dabu-dabu[11] o colo-colo.[12]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Cook Indonesian Ikan Bakar Barbecue Fish Asian BBQ Series" [Magluto ng Indones na Ikan Bakar Inihaw na Isda Serye ng Asyanong BBQ] (sa wikang Ingles). 15 Oktubre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Epicurus (10 Nobyembre 1999). "Savoring 'ikan bakar' against backdrop of Jakarta at night" [Pagtatamasa ng 'ikan bakar' sa tagpuan ng Jakarta sa gabi]. The Jakarta Post (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2016. Nakuha noong 27 Hulyo 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schonhardt, Sara (24 Oktubre 2017). "40 Indonesian foods we can't live without" [40 pagkaing Indones na hindi kami mabubuhay kung wala]. CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Hunyo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ AbraResto (10 Nobyembre 1999). "Sampling the Best of Indonesia Without Leaving Jakarta" [Pagtikim sa Pinakamasarap sa Indonesya Nang Hindi Umaalis sa Jakarta]. Jakarta Globe (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Hulyo 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Brown, Samantha (10 Pebrero 2015). "6 dishes every Bali visitor needs to try" [6 na pagkain na kailangang subukan ng bawat bisita sa Bali] (sa wikang Ingles). CNN. Nakuha noong 27 Hulyo 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "Ikan Bakar". Tasty Indonesian Food.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Agosto 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "107 resep bumbu oles ikan bakar enak dan sederhana". Cookpad (sa wikang Indones). Nakuha noong 1 Enero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "11 resep sambal kecap ikan bakar enak dan sederhana". Cookpad (sa wikang Indones). Nakuha noong 1 Enero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "43 resep ikan bakar bumbu padang enak dan sederhana". Cookpad (sa wikang Indones). Nakuha noong 1 Enero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ikan Bakar Rica-Rica – Spicy Grilled Fish – Daily Cooking Quest" [Ikan Bakar Rica-Rica – Maanghang na Inihaw na Isda – Daily Cooking Quest]. Daily Cooking Quest (sa wikang Ingles). 3 Nobyembre 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Enero 2018. Nakuha noong 1 Enero 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Begini Cara Membuat Ikan Bakar Siram Sambal Dabu-Dabu Khas Manado". grid.id. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Pebrero 2020. Nakuha noong 1 Enero 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "IKAN BAKAR COLO-COLO". grid.id. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Marso 2020. Nakuha noong 1 Enero 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)