Kalinis-linisang Paglilihi

(Idinirekta mula sa Immaculate Conception)

Ang Kalinis-linisang Paglilihi sa Birhen Maria (Kastila: Inmaculada Concepción, Latin: Immaculata Conceptio) ay Dogma ng Simbahang Katolika patungkol sa kawalang-bahid sa salang orihinal ng Birhen Maria noon pa mang siya'y ipinaglihi ng kaniyang inang si Santa Ana, na di-gaya ng lahat ng tao na nagmamana ng salang orihinal. Ito ay isa sa apat na dogmata o saligang katuruan ng Simbahang Katolika patungkol sa Birhen Maria at nakasaad sa kalatas ng Papa o bulang Ineffabilis Deus (Ang 'Di Malirip na Diyos) na ipinahayag ni Papa Pio IX noong Disyembre 8, 1854.[1] Karaniwang nagdudulot ng kalituhan ang kalinis-linisang paglilihi kay Maria at ang pananatili niyang birhen bago at matapos niyang ipagdalang-tao si Hesus, sa pag-aakalang ito'y tumutukoy sa paglilihi ni Maria kay Hesus.

Kalinis-linisang Paglilihi kay Maria
La Purísima Inmaculada Concepción
ni Bartolomé Esteban Murillo, 1678, nasa Museo del Prado, Espanya.
Benerasyon saSimbahang Katolika
Ilan nama'y sa Oriental Orthodox Churches
Islam, Kapatiran ng Simbahang Anglikano
KapistahanDisyembre 8
Katangiansilahis ng buwan, korona ng labindalawang bitwin, kulay asul na damit, maliliit na kerubin, tinatapakan ang ahas, Pag-aakyat sa Mahal na Birheng Maria
Patron Argentina
 Brazil
 Espanya
 Estados Unidos
 Timog Korea
 Nicaragua
 Paraguay
 Pilipinas
 Portugal
 Uruguay

Kasaysayan ng dogma

baguhin
 
Isang ika-11 siglong bulto ng Silanganing Ortokdoksiya ng Theotokos Panachranta, i.e. ang "napakamalinis" na si Maria[2]

Mga ika-5 daantaon pa lamang, ipinagdiriwang na sa Syria tuwing ika-8 ng Disyembre ang isang kapistahan ng Kabanal-banalan at Kalinis-linisang Ina ng Diyos. Pakatandaan na ang titulong achrantos (walang bahid, kalinis-linisan, ubod ng dalisay) ay tumutukoy sa kabanalan ni Maria, at hindi mismo sa kabanalan ng paglilihi sa kaniya.[3]

Kahulugan ng dogma

baguhin

Napapaloob sa Ineffabilis Deus:

...Ang pinagpalang Birhen Maria ay di-nagmana ng kasalanang orihinal magmula nang ipaglihi dahil sa isang katangi-tanging biyaya ng Diyos na makapangyarihan, pakundangan sa mga karapatan ni Hesukristong Mananakop ng sangkatauhan...[4]

Batayan sa Banal na Kasulatan

baguhin

Walang tahas, tiyak at matibay na katibayan sa Bibliya ang tumutukoy sa pagiging-Immaculata (macula na ang kahulugan sa Latin ay "bahid") ng Birhen Maria at mistulang nakabatay lamang ayon sa tradisyon at turo ng mga Ama ng Simbahan.[5] Ngunit ang unang paglalahad sa Bibliya ng pagtubos ng sangkatauhan ay nagbabanggit din ng Ina ng Manunubos.

Kayo ng babae'y aking pag-aawayin,
binhi mo't binhi niya'y lagi kong paglalabanin.
Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo,
at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.

— Genesis 3:15[6]

Ipinagpapakahulugang si Maria ang babae na kakalaban sa ahas at si Hesus ang binhi na dudurog naman sa ulo nito. Ang pagtatalaga ng Diyos sa babae na kakalaban sa ahas ay gaya ng pagtatalaga kay Kristo laban sa binhi ng ahas. Sa kadahilanang ito, kaya binubunyi si Maria dahil ang kabunyiang ito, ayon sa mga turo ng Simbahang Katolika ay nawasak na ng ahas sa mga tao. Subalit ang paggamit ng "babae" sa Vulgata ay pawang interpretasyon lamang at sadyang mahirap mapangatwiranan.[5][7]

Isinasalarawan naman sa Ebanghelyo ni Lucas ang kasaganahan ng grasya ni Maria, nang batiin siya ng Anghel:

Aba Maria, napupuno ka ng grasya...[8]

Mistulan ang pag-uugnay kay Maria sa kapunuaan niya ng grasya ang malinaw na pagpapatunay ng pakikipaglaban niya kay Satanas.[5]

Kapistahan

baguhin

Ang naunang kapistahan ng Paglilihi sa Birhen Maria o Paglilihi ni Santa Ana ay ipinagdiwang na sa Palestina noon pa mang ikapitong siglo, gaya ng paggunita rin ng kapistahan ng Paglilihi kay San Jose

Nagsimula ang pagdiriwang ng Paglilihi sa Birhen Maria noon pang ika-7 siglo sa mga monasteryo sa Palestina, ngunit di gaya Tinatanaw na isang dakilang kapistahan ng Simbahang Katoliko ang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion tuwing Disyembre 8. Ito'y isa sa Pistang Pangilin sa karamihan ng mga bansang Katoliko.

Tagapagtangkilik

baguhin

Ang Inmaculada Concepcion ay pangunahing tagapagtangkilik ng mga bansang Brazil, Espanya, Estados Unidos, Nicaragua, Pilipinas, Portugal at Tanzania.[9]

Pagtuligsa

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Fr. Marquez, Paul SSP. "Puno ng Grasia". Sambuhay 24 (24): 1-4. Society of St. Paul. Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine. Hinango noong Disyembre 5, 2011.
  2. Raymond Burke, 2008, Mariology: A Guide for Priests, Deacons,seminarians, and Consecrated Persons Queenship Publishing ISBN 1-57918-355-7 page [1]
  3. "The celebration of the Mother of God as immaculate (achrantos), is a clear and universal recognition of her exceptional and iconic sanctity. Orthodoxy did not follow the path of Roman Catholicism in moving towards a recognition of her Immaculate Conception" ( John Anthony McGuckin, The Orthodox Church: An Introduction to Its History, Doctrine, and Spiritual Culture (Blackwell 2011 ISBN 978-1-4443-3731-0), p. 218.) (sa Ingles)
  4. Ineffabilis Deus. (sa Ingles)
  5. 5.0 5.1 5.2 Holweck, F. (1910). "Immaculate Conception". In The Catholic Encyclopedia. New York: Robert Appleton Company. Hinango noong Disyembre 5, 2011. (sa Ingles)
  6. Genesis 3:15.
  7. Maas, A. (1912). "The Blessed Virgin Mary." In The Catholic Encyclopedia. New York: Robert Appleton Company. Hinango noong Disyembre 5, 2011. (sa Ingles)
  8. Lucas 1:28.
  9. Patron Saints of Countries. Catholic Saints. Hinango noong Disyembre 5, 2011. (sa Ingles)