Irena Sendler
Si Irena Stanisława Sendler (Krzyżanowska), na tinatawag ding Irena Sendlerowa sa Polonya, nom de guerre "Jolanta" (15 Pebrero 1910 – 12 Mayo 2008)[1], ay isang Polakang empermera (nars) at social worker na naglingkod sa Polish Underground sa Barsobya sa ilalim ng mga Aleman noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at naging pinuno ng seksyong pang-kabataan ng Żegota[2][3], ang Konsehong Polako sa Pag-alalay ng mga Hudyo (Polako: Rada Pomocy Żydom), na naging aktibo mula 1942 hanggang 1945.
Irena Sendler | |
---|---|
Kapanganakan | Irena Krzyżanowska 15 Pebrero 1910 |
Kamatayan | 12 Mayo 2008 (edad 98) Barsobya, Polonya |
Trabaho | kawanggawang pantao |
Asawa | Mieczyslaw Sendler (1931–1947; diborsyado) Stefan Zgrzembski (1947–1959; diborsyado; 3 anak) Mieczyslaw Sendler (1960s; diborsyado) |
Magulang | Stanisław Krzyżanowski Janina Krzyżanowska |
Sa tulong ng higit pang dalawang dosenang mga kasapi ng Żegota, naitakas pa ni Sendler ang higit-kumulang na mga kabataang Hudyo palabas mula sa Geto ng Barsobya at binigyan sila ng mgapalsipikadong dokumento ng pagkakakilanlan at binigyan ng mga tahanan sa labas ng mga geto, na nagligtas sa mga kabataang iyon mula sa pagkapughaw (holocaust)[4]. Kabilang ang eksepsyon ng mga diplomatikong nagbigay ng mga visa upang makalaya ang Hudyo mula sa Europa na sakop ng mga Nazi, nagligtas si Sendler ng mga Hudyo nang higit pa sa ibang indibidwal noong Pagkapuhaw[5].
Natuklasan din ng mga mananakop na Aleman ang kanyang mga gawa at siya ay pinadakip ng Gestapo, pinahirapan nang labis, at binigyang parusa ng kamatayan, ngunit nagawa niyang tumakas mula sa naturang parusa at nabuhay noong panahon ng digmaan. Noong 1965, kinilala si Sendler ng Estado ng Israel bilang Matuwid sa mga Bansa (Righteous among the Nations). Pagkatapos ay ginawaran siya ng Order of the White Eagle, ang pinakamataas na pagbibigay-dangal sa Polonya, para sa kanyang mga kawanggawa pantao noong panahon ng digmaan.
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Irena Sendler bilang Irena Krzyżanowska noong ika-15 ng Pebrero 1910 sa Otwock, malapit sa Barsobya,[6] kay Dr. Stanisław Krzyżanowski, isang manggagamot at sa asawa nitong si Janina.[7] Namatay ang kanyang ama sa sakit na tipus noong Pebrero 1917 dahil sa pagkahawa nito sa mga pasyenteng ginagamot.[8] Pagkatapos ng kamatayan, nagbigay-alok ang komunidad ng mga Hudyo sa kanyang ina na bayaran ang edukasyon ni Sendler, baga ma't tinanggihan ng kanyang ina ang tulong.[7] Nag-aral si Sendler ng Panitikang Polako sa Pamantasan ng Barsobya, at sumali sa Partidong Sosyalistang Polako.[7] Mariin siyang sumalungat sa sistemang ghetto bench (Polako: getto ławkowe) na umiral sa ibang mga pamantasang Polako bago ang digmaan at dinungisan ang kanyang grade card. Bilang resulta ng protestang pampubliko, isinuspinde siya mula sa Pamantasan ng Barsobya sa loob ng 3 taon.[9]
Pinakasalan niya si Mieczysław Sendler noong 1931,[7] ngunit nag-diborsyo sila noong 1947.[10] Pinakasalan naman niya si Stefan Zgrzembski, isang kaibigang Hudyo noon pa sa pamantasan nila, at nagkaroon sila ng mga anak; si Janina, Andrzej (na namatay noong kapanganakan), at si Adam (na namatay sa sakit sa puso noong 1999). Noong 1959 ay diniborsyo niya si Zgrzembski at pinakasalang muli ang kanyang unang asawang si Mieczysław Sendler; ngunit sila ay nag-diborsyo muli.[11]
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
baguhinNagtungo si Sendler sa Barsobya bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at nag-trabaho para sa gawaing pangkawanggawang pang-munisipal.[7] Nagsimula siyang tumulong sa mga Hudyo pagkatapos ang pananakop ng mga Aleman noong 1939,[7] sa pamamagitan ng pamumuno ng isang pangkat ng mga katrabaho na lumikha ng higit-kumulang na 3,000 palsipikadong dokumento upang tulungan ang mga mag-anak na Hudyo.[12] Naisagawa ang ganitong uri ng gawain nang may napakataas na panganib — simula pa noong Oktubre 1941 — sa pagbibigay ng ano mang uri ng tulong sa mga Hudyo sa Polonya na nasa ilalim ng mga Aleman ay may kaparusahang kamatayan, hindi lang sa tao na nagbibigay ng tulong kundi para sa kanilang buong mag-anak o tahanan. Ang Polonya ang tanging sinakop ng Alemanya sa Europa na kung saan nagpataw ng parusang kamatayan.[13]
Noong Agosto 1943, si Sendler, na kinilala na noon sa kanyang nom de guerre na "Jolanta" ay hinirang ng Żegota, isang organisasyon sa ilalim ng kalupaan na kilala rin bilang Konseho sa Pag-alalay ng mga Hudyo (Council to Aid Jews), upang pamunuan ang seksyong pang-kabataan ng mga Hudyo[12]. Bilang empleyado ng Sangay ng Kapakanang Panlipunan, nagkaroon siya ng natatanging pahintulot sa pagpasok sa Geto ng Barsobya upang tingnan ang ano mang palatandaan ng tipus, ang sakit na kinatatakutan ng mga Aleman na maaaring kumalat sa labas ng geto.[14] Sa mga pagdalaw niya, isinuot niya ang Bituin ni David bilang tanda ng kanyang pagkakaisa sa mamamayang Hudyo.[6] Sa ilalim ng pagpapanggap ng pagsasagawa ng inspeksyon ng kalagayang pang-kalinisan sa loob ng Geto, nagtakas sila Sendler at mga ka-trabaho niya ng mga sanggol at batang paslit, minsan sa mga ambulansya at bagon (munting sasakyang panghakot), minsan ay sa parsela, bagahe at maging sa toolbox, at gumamit ng iba pang mga pamamaraan.[15]
Dinala ang mga kabataang Hudyo sa mga pamilyang Polako, sa bahay-ampunang Polako Sisters of the Family of Mary, o sa mga Romano Katolikong kumbento katulad ng Little Sister Servants of the Blessed Virgin Mary Conceived Immaculate (Mga Munting Madreng Tagapaglingkod ng Pinagpalang Birheng Mariang Pinaglihi nang Walang Dungis).[16] Maiging nakipag-kawangga si Sendler sa isang pangkat na binubuo ng halos 30 boluntaryo, karamihan ay mga kababaihan, na kabilang sila Zofia Kossak-Szczucka, isang magiting at manunulat sa pagsalungat, Matylda Getter, ang madre provincial ng Franciscan Sisters of the Family of Mary (Mga Madreng Pransiskano ng Pamilya ni Maria).[17]
"Ang bawat batang naligtas sa aking tulong ay ang pagbibigay-pantay ng aking pamumuhay sa daigidig na ito, at hindi isang titulo sa pagka-luwalhati." (Irena Sendler)
Ayon sa Amerikanang mananalaysay na si Debórah Dwork, si Sendler ang naging "inspirasyon at pangunahing puwersang tagapag-galaw para sa kabuuan ng kawing na nagligtas sa 2,500 kabataang iyon."[18] Halos 400 sa mga kabataan ang mga naitakas mismo ni Sendler.[18] Inilibing niya at ng kanyang mga ka-trabaho ang talaan ng mga kabataang itinago sa mga banga upang masubaybayan ang kanilang mga pangunahin at bagong pagkakakilanlan. Layunin niyon ang ibalik ang mga kabataan sa kanilang mga tunay na mag-anak kapag natapos na ang digmaan.[9]
Noong 1943 ay ipinadakip si Sendler ng Gestapo at labis siyang pinahirapan. Malupita siyang ipinabugbog, na ikinatamo niya ng praktura at bali sa kanyang mga paa at hita. Sa kabila noon, tumanggi siyang ipagkanulo ang sino man sa kanyang mga kasamahan o mga kabataang nailigtas niya, kaya hinatulan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpapaputok sa kanya. Nailigtas naman ang buhay niya ni Żegota sa pamamagitan ng pagbigay ng suhol sa mga bantay bago pa dumating ang paghatol sa kanya.[6] Pagkatapos ng kanyang pagtakas, nagtago siya mula sa mga Aleman, at bumalik sa Barsobya sa ilalim ng di-totoong pangalan at nagpatuloy sa kanyang kabilangan kasama ni Żegota.[7] Noong nagaganap ang Pag-aalsa sa Barsobya, nag-trabaho siya bilang nars sa isang pampublikong ospital, kung saan itinago niya ang limang Hudyo.[7] Nagpatuloy siyang nag-trabaho bilang empermera hanggang sa lisanin ng mga Aleman ang Barsobya, bago ang pag-abante ng hukbong Sobyet.[7]
Pagkatapos ng digmaan, pinagtipon-tipon niya at ng kanyang mga ka-trabaho ang talaan ng mga kabataan at mga pinagtaguan ng mga kabataang Hudyo at ibinigay ang mga iyon sa kasama nila sa Żegota na si Adolf Berman at sa tauhan sa Komite Sentral para sa mga Polakong Hudyo. Subalit, halos lahat ng mga magulang ng mga kabataan ay pinatay sa Kampong Lupulan ng Treblinka (Treblinka Extermination Camp) o tuluyang nawala.[6][7]
Komunistang Polonya
baguhinPagkatapos ng digmaan, ipinakulong si Sendler mula 1948-1949 at malupit siyang tinanong ng lihim ng kapulisang komunista (Urząd Bezpieczeństwa) dahil sa kanyang ugnayan sa pangunahing organisasyon sa pagtutol ng Polonya, ang Home Army (AK), na tapat sa Desteradong Pamahalaan ng Polonya noong panahon ng digmaan.[19][20] At dahil doon, naging maaga ang pagluwal niya sa kanyang anak na si Andrzej, na hindi nabuhay.[7][8][19] Bagama't pinalaya rin siya at umayong sumali sa komunistang partido,[21] ang kanyang ugnayan sa (AK) ay nangahulugang hindi siya gagawing isang bayani.[8][19] Ang katotohanan, nang kilalanin si Sendler ni Yad Vashem bilang isa sa mga Polakong Makatuwiran sa mga Nasyon noong 1965,[6] hindi siya pinayagan ng komunistang pamahalaan ng Polonya na mag-ibayong-dagat noong panahong natanggap niya ang gantimpala sa Israel; nagawa lamang niya iyon noong 1983.[7][22]
Matapos, siya ay naging tagapagturo at pangalawang direktor sa iba't ibang paaralang pang-medisina sa Barsobya, at nagtrabaho para sa Ministeryo ng Edukasyon at Kalusugan.[20][23] Naging aktibo rin siya sa mga programang pangkawanggawa . Tumulong siya sa pagsasa-ayos ng ilang mga bahay-ampunan at mga sentrong pangkalinga para sa mga kabataan, mga mag-anak at matatanda, pati na rin sa isang sentro para sa mga taong bayarán sa Henryków.[20] Ngunit napilitan siyang umalis doon nang maaga para sa kanyang mga pampublikong pagpapahayag ng kanyang suporta para sa Israel sa Digmaang Arabe-Israeli (ang mga bansang kontrolado ng Sobyet na Silangang Bloke (Eastern Bloc), kabilang ang Polonya, ay pinatlangan ang kanilang relasyong diplomatiko sa Israel pagkatapos ng digmaang ito) noong 1967.[7] Umalis si Sendler mula sa kanyang pagiging kasapi ng PZPR kasunod ng mga kaganapan noong Marso 1968.[19][21]
Noong 1980 ay umanib siya sa Kilusang Pagkakaisa (Solidarity Movement).[7]
Buhay niya sa ibang pagkakataon
baguhinNanirahan si Irena Sendler sa Barsobya sa nalalabing buhay niya. Namatay siya noong ika-12 ng Mayo 2008 at inilibing siya sa Libingan ng Powązki sa Barsobya.[15][21][24][25]
Pagkilala at Pagbigay-alaala
baguhinNoong 1965, kinilala si Sendler ni Yad Vashem bilang isa sa mga Polakong Makatuwiran sa mga Nasyon,[6] at itinanim ang isang puno bilang pagbigay-dangal sa kanya sa pasukan o entrada sa the Avenue of the Righteous (Ang Abenida ng Makatuwiran).[7][26] Subalit, walang naging pagkilalang pampubliko sa kanyang pagsalungat noong digmaan at mga gawaing pangkawanggawa pagkatapos ng pagbagsak ng pamumunong komunismo sa Polonya.
Noong 1991, ginawang onoraryong mamayan ng Israel si Sendler.[6] Noong ika-12 ng Hunyo 1996, ginantimpalaan siya ng Commander's Cross ng Orden ng Polonya Restituta.[27][28] Nakatanggap pa siya ng higit na mataas na anyo ng gantimpalang iyon, ang Commander's Cross na mayroon Bituin noong ika-7 ng Nobyembre 2001.[29]
Ganoon pa man, nanatiling di-kilala sa mundo ang mga natamo ni Sendlern hanggang noong 1999, nang ang mga mag-aaral sa isang mataas na paaralan sa Uniontown, Kansas, kasama ang kanilang tagapagturong si Norman Conrad, ay nagsagawa ng isang dula batay sa kanilang pagsasaliksik ng buhay ni Sendler, na pinamagatan nilang Life in a Jar (Buhay sa isang Banga). Nagtamo ito ng pambihirang tagumpay, na itinanghal nang halos 200 ulit sa Estados Unidos at sa ibang bansa, at malinaw na lalong nagbigay-kilanlan sa pagsasa-publiko ng kasaysayan ni Sendler sa maraming panig ng daigdig.[7][8][19][21][30] Noong Marso 2002, inihirap ng Templo ng B’nai Jehudah ng Lungsod ng Kansas kay Sendler, kayla Conrad at mga estudyante nagsagawa ng dula ang taunang paggawad ng gantimpalang “para sa mga ambag na nagawa para sa pagligtas ng daigdig” (Gantimpalang Tikkun Olam).[31] Hinango ang dula para sa palabas pantelebisyon na The Courageous Heart of Irena Sendler (2009), sa ilalim ng direksyon ni John Kent Harrison, kung saan ginampanan ni Anna Paquin ang papel ni Sendler.[32][33][34]
Sanggunian
baguhin- ↑ Irena Sendler. An unsung heroine. Lest We Forget. Retrieved 2 November 2012.
- ↑ Mordecai Paldiel, The Path of the Righteous: Gentile Rescuers of Jews During the Holocaust, Ktav Publishing House (January 1993), ISBN 0-88125-376-6
- ↑ Yad Vashem Shoa Resource Center, "Activites Żegota" PDF file, Żegota, page 4/34 of the Report.
- ↑ Baczynska, Gabriela (12 Mayo 2008). Jon Boyle (pat.). "Sendler, savior of Warsaw Ghetto children, dies". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2013. Nakuha noong Set 17, 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://blogs.yu.edu/news/rethinking-the-polish-underground/
- ↑ 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 6.6 "Irena Sendler". jewishvirtuallibrary.org.
- ↑ 7.00 7.01 7.02 7.03 7.04 7.05 7.06 7.07 7.08 7.09 7.10 7.11 7.12 7.13 7.14 7.15 "Polscy Sprawiedliwi - Przywracanie Pamięci". sprawiedliwi.org.pl. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-02. Nakuha noong 2015-09-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 8.3 "Biografia Ireny Sendlerowej". tak.opole.pl. Zespół Szkół TAK im. Ireny Sendlerowej. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-02. Nakuha noong 2015-09-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 Staff writer (May 22nd 2008), The Economist obituary. Retrieved April 8, 2013.
- ↑ Anna Mieszkowska (Enero 2011). Irena Sendler: Mother of the Children of the Holocaust. Praeger. p. 26. ISBN 978-0-313-38593-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Irena Sendler: we tell you the story of a Holocaust heroine". Mail Online.
- ↑ 12.0 12.1 Irene Tomaszewski & Tecia Werblowski, Zegota: The Council to Aid Jews in Occupied Poland 1942–1945, Price-Patterson, ISBN 1-896881-15-7.[pahina kailangan]
- ↑ Ewa Kurek (2 Agosto 2012). Polish-Jewish Relations 1939-1945: Beyond the Limits of Solidarity. iUniverse. p. 305. ISBN 978-1-4759-3832-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Richard Z. Chesnoff, "The Other Schindlers: Steven Spielberg's epic film focuses on only one of many unsung heroes" (archive), U.S. News and World Report, 13 March 1994.
- ↑ 15.0 15.1 Monika Scislowska, Associated Press Writer (Mayo 12, 2008). "Polish Holocaust hero dies at age 98". USA Today. Nakuha noong Abril 8, 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-26. Nakuha noong 2019-08-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mordecai Paldiel "Churches and the Holocaust: unholy teaching, good samaritans, and reconciliation" pp. 209–10, KTAV Publishing House, Inc., 2006, ISBN 978-0-88125-908-7
- ↑ 18.0 18.1 Hevesi, Dennis (13 Mayo 2008). "Irena Sendler, Lifeline to Young Jews, Is Dead at 98". The New York Times. ISSN 0362-4331. Nakuha noong 28 Abril 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 19.0 19.1 19.2 19.3 19.4 "THE 614th Commandment Society". Aktualności. Irena Sendler ambasadorem Polski - cz.2. The614thcs.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Mayo 2015. Nakuha noong 27 Abril 2015.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 20.0 20.1 20.2 "Sendler Irena - WIEM, darmowa encyklopedia". PortalWiedzy.onet.pl. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Mayo 2015. Nakuha noong 27 Abril 2015.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 21.0 21.1 21.2 21.3 "Irena Stanisława Sendler (1910-2008) - dzieje.pl". Nakuha noong 27 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Irena Sendler, who saved 2,500 Jews from Holocaust, dies at 98". Nakuha noong 27 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "To była matka całego świata - córka Ireny Sendler opowiedziała nam o swojej mamie". Nakuha noong 27 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Louette Harding (1 Agosto 2008). "Irena Sendler: a Holocaust heroine". The Daily Mail online, Associated Newspapers. Nakuha noong 8 Abril 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ David M. Dastych (Mayo 16, 2008). "Irena Sendler: Compassion and Courage". Editorial. CanadaFreePress.com. Nakuha noong 8 Abril 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Smuggling Children out of the Ghetto. Irena Sendler. Poland". The Righteous Among the Nations. Jerusalem: Yad Vashem The Holocaust Martyrs' and Heroes' Remembrance Authority. 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2018. Nakuha noong 2 Nobyembre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ .P. 1996 nr 58 poz. 538 Naka-arkibo 2016-01-26 sa Wayback Machine., citation: "za pełną poświęcenia i ofiarności postawę w niesienui pomocy dzieciom żydowskim oraz za działalnośċ spoleczną i zawodową"
- ↑ "[Krzyz Komandorski Orderu Odrodzenia Polski...]". Nakuha noong 2015-04-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ M.P. 2002 nr 3 poz. 55 Naka-arkibo 2016-01-26 sa Wayback Machine., citation: "w uznanui wybitnych zasług w nieseniu pomocy potrzebującym"
- ↑ "About the Project - Life in a Jar". Nakuha noong 27 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jar Of Life - Teens discover heroic deeds of another 'Schindler'" July 01, 2002, Lubbock Avalanche - Journal (retrieved May 8, 2015)
- ↑ "The Courageous Heart of Irena Sendler at CBS.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-21. Nakuha noong 2015-09-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hallmark Corporate Information - Error". hallmark.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-19. Nakuha noong 2015-09-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Richard Maurer (ram-30) (19 Abril 2009). "The Courageous Heart of Irena Sendler (TV Movie 2009)". IMDb.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
<ref>
tag na binigyang-kahulugan sa <references>
.); $2Kawing Panlabas
baguhin- Irena Sendler: In the Name of Their Mothers (PBS documentary, first aired May 2011)
- Irena Sendler Naka-arkibo 2018-01-15 sa Wayback Machine. – Righteous Among the Nations – Yad Vashem
- Irena Sendlerowa on History's Heroes Naka-arkibo 2015-09-16 sa Wayback Machine. – Illustrated story and timeline.
- Life in a Jar: The Irena Sendler Project
- Irena Sendler sa Find a Grave
- Snopes discussion of an email regarding the Nobel Prize