Jinjiang, Fujian
Ang Jinjiang (Tsinong pinapayak: 晋江; Tsinong tradisyonal: 晉江; pinyin: Jìnjiāng; Pe̍h-ōe-jī: Chìn-kang) ay isang antas-kondado na lungsod ng Antas-prepektura na Lungsod ng Quanzhou, lalawigan ng Fujian, Tsina. Matatagpuan ito sa timog-silangang bahagi ng lalawigan, sa kanan o katimugang pampang ng Ilog Jin, sa kabilang panig mula sa distritong urbano ng Quanzhou na Fengze. Hinahangganan din ng Jinjiang ang Kipot ng Taiwan ng Dagat Silangang Tsina sa timog, at mga ibang antas-kondado na lungsod ng Quanzhou ng Shishi at Nan'an bawat isa sa silangan at kanluran. Mayroon itong lawak na 721.7 square kilometre (278.6 mi kuw) at populasyon na 1,986,447 magmula noong 2010.[1]
Jinjiang 晋江市 Tsinkiang | |
---|---|
Liwasang Lüzhou (Luntiang Pulo) ng Jinjiang, kasama ang isang bantayog na may inskripsiyong "诚信、谦恭、团结、拼搏" (Dangal, kababaang-loob, pagkakaisa, kasipagan) | |
Jinjiang sa Quanzhou | |
Mga koordinado: 24°49′12″N 118°34′12″E / 24.82000°N 118.57000°E | |
Bansa | Tsina |
Lalawigan | Fujian |
Antas-prepektura na lungsod | Quanzhou |
Luklukan ng lungsod | Subdistrito ng Luoshan (罗山街道) |
Lawak | |
• Kabuuan | 721.7 km2 (278.6 milya kuwadrado) |
Populasyon (2010) | |
• Kabuuan | 1,986,447 |
• Kapal | 2,800/km2 (7,100/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+8 (Pamantayang Tsina) |
Kodigong postal | 362200 |
Kodigo ng lugar | 0595 |
Websayt | www.JinJiang.gov.cn |
Tanging Jinjiang lamang ang may nakatayo pa ring templong Manichean sa Tsina (Cao'an), at ito ay malapit sa silangang dulo ng tinatayang pinakamahabang deretsong-linya na daanan sa ibabaw ng lupa sa mundo, na may habang 11,241 km (6,985 mi) at nagtatapos malapit sa Sagres, Portugal.[2]
Mga paghahating pampangasiwaan
baguhinAng Jinjiang ay may anim na mga subdistrito at 13 mga bayan:
- Mga subdistrito
- Lingyuan (灵源街道)
- Luoshan (罗山街道)
- Meiling (梅岭街道)
- Qingyang (青阳街道)
- Xintang (新塘街道)
- Xiyuan (西园街道)
- Mga bayan
- Anhai (安海镇)
- Chendai (陈埭镇)
- Chidian (池店镇)
- Cizao (磁灶镇)
- Dongshi (东石镇)
- Jinjing (金井镇)
- Longhu (龙湖镇)
- Neikeng (内坑镇)
- Shenhu (深沪镇)
- Xibin (西滨镇)
- Yinglin (英林镇)
- Yonghe (永和镇)
- Zimao (紫帽镇)
Demograpiya
baguhinKilala ang Jinjiang sa napakaraming mga pabrikang nakahimpil doon, lalo na sa industriya ng pananamit at tatak-pangalan na mga sapatos.[3] Maraming mga manggagawang migrante ay mula sa ibang mga lugar ng Fujian at sa labas ng lalawigan upang mangako sa taunang mga kontrata.
Kilala ang Jinjiang bilang tahanan sa maraming Tsino na diaspora, lalo na sa Taiwan, Pilipinas, Malaysia, Singapore, Myanmar, Australya, at iba pa. Buhat ng kahirapan noong unang bahagi ng ika-19 na dantaon, lumipat ang maraming mga residente sa Timog-silangang Asya para sa inaasam na maginhawang buhay, tulad ng tinatawag nilang "xia nan yang, 下南洋", literal na "maglayág patungo sa katimugang karagatan" sa Tagalog. Karamihan sa kanila ay matagumpay na sumama sa mga lipunang pampook at nakatamo ng malaking tagumpay. Halimbawa, ayon sa Forbes, matutunton sa Jinjiang ang pinagmulan ng anim sa sampung pinakamayayamang mga negosyante sa Pilipinas. Kaya mula noong dekada-1980 hanggang dekada-1990 nakatanggap ang Jinjiang ng maraming handog at pamumuhunan mula sa ibayong-dagat na mga pamayanang Tsino. Ilan sa mga Tsinong Pilipino na buhat Jinjiang ay sina Henry Sy (1924–2019), tagapagtatag ng kompanyang SM Prime Holdings na namamahala sa SM Supermalls, at Dee C. Chuan (1888–1840), negosyante at pilantropong nakilala bilang "Lumber King of the Philippines."
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Profile of Jinjiang" (sa wikang Tsino). 2010 Census.
- ↑ MIT Technology Review – Computer scientists have found the longest straight line you could sail without hitting land
- ↑ Qu Yunyu (Disyembre 26, 2012). "After an IPO Rush, a Factory Town's Hangover: A Fujian Province city pushed local companies to go public, and now they're reaping the consequences". Caixin. Nakuha noong Disyembre 27, 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)