Ang jota (binibigkas na [ˈxota][1]) ay isang uri ng musika at kaugnay nitong sayaw na kilala sa buong Espanya, na malamang na nagmula sa Aragon. Iba't iba ito sa bawat rehiyon, na mayroong katangiang anyo sa Aragon (kung saan pinakamahalaga ito[1]), Catalonia, Castile, Navarre, Cantabria, Asturias, Galicia, La Rioja, Murcia at Silangang Andalusia. Sa pagiging biswal na representasyon, sinasayaw at inaawit ang jota na sinasamahan ng kastanyedas, at nagsusuot ang mga interprete ng pangrehiyong kasuotan. Sa Valencia, minsang sinayaw ang jota sa isang seremonya ng paglilibing.[1]

Mga Aragones na mananayaw ng jota

May posibilidad na magkaroon ang jota ng ritmong 34, bagaman may ilang may-akda ang pinapanatili na mas mainam ang 68 na iangkop sa istruturang patula at koreograpiko. Para sa kanilang interpretasyon, ginagamit ang mga gitara, bandurya, laud, dulsaina, at tambol, habang ginagamit ng mga Galisyano ang mga gaita, tambol, at bombo. Inaawit at sinasayaw ang mga pang-teatrong bersyon na may kasuotan at kastanyedas, bagaman, hindi ginagamit ang mga ganoong bagay kapag sinasayaw ang jota sa hindi gaanong pormal na tagpuan. Medyo magkakaibang mga nilalaman ang mga awitin, mula sa pagkamakabayan hanggang relihiyon hanggang sa seksuwal na pagsasamantala. Karagdagan dito, may epekto din ang mga awitin sa pagtulong sa pagbuo ng isang pakiramdam ng lokal na pagkakakilanlan at pagkakaisa.

May hitsura ang mga hakbang ng sayaw na katulad ng balse, bagaman sa kaso ng jota, may higit pang pagkakaiba-iba. At saka, may posibilidad na maisulat ang mga titik sa walong pantig na apatan, na may asonansya sa una at ikatlong talata.

Etimolohiya

baguhin

Hinango ang salitang medyebal na "xiota" (binibigkas bilang [ˈʃota] o [ˈʃɔta]), mula sa Mosarabeng šáwta na nangangahulugang "talon", sa huli mula sa wikang Latin saltāre na nangangahulugang "tumalon." Dahil sa ponetikong pagbabago, naging jota (binibigkas [ˈxota]) ito sa makabagong Kastila (muling hiniram sa Valenciano bilang jota [ˈxota], o cota [ˈkɔta]) at hotia (binibigkas [ˈxota]) o ixota (binibigkas [iˈʃota]) sa Aragones; Valenciano: [ˈxota]; Asturiyano: xota [ˈʃota]; Galisyano: xota [ˈʃɔtɐ].

Jota sa Pilipinas

baguhin

Nang dumating ang Kastila sa Pilipinas, nadala nito ang sayaw na jota na binago at pinaunlad ng mga katutubong Pilipino.

Jota Española

baguhin

Ang Jota Española ay isang sayawing Maria Clara na walang pinag-iba sa ibang mga sayaw sa hanay ng mga La Jota, subalit ginagamitan ng mga abaniko ang sayaw na ito, kasama ng kastanyedas at tamborina.

Jota de Paragua

baguhin

Ang Jota de Paragua (bigkas: pah-RAHG-wah) ay isang sayawing Maria Clara. Ipinakikita sa sayawing ito ang malakas na impluwensiya ng zapateados o galaw ng paa, ng lobrados o galaw ng braso, at ng sevillana, ang istilo ng pananamit. Sa galaw at indak, iwinawagayway ng mga kadalagahan ang kanilang mga bandana, habang walang humpay sa pagtugtog ang mga kalalakihan ng kanilang mga kastanyedas na nakakabit sa magkakabilang dulo ng mga daliri.

Jota Gumaqueña

baguhin

Ang Jota Gumaqueña ay isang sayawing Maria Clara na bantog sa mga taga-Gumaca, Quezon. Si Señor Herminigildo Omana ang nagpakilala sa sayaw na ito.

Jota Pangasinana

baguhin

Ang Jota Pangasinana (bigkas: pahng-gah-seeh-NAH-nah) ay isang sayawing Maria Clara na nagmula sa Pangasinan, at malimit sayawin magpahanggang-ngayon sa naturang probinsiya. Sumasabay sa saliw ng tugtog nito ang mga mananayaw habang ang mga paa ay ipinapadyak sa lupa at sumusigaw ng Ole!.

La Jota

baguhin

Binubuo ang sayaw na iba't ibang klase ng sayaw na may impluwesiyang Kastila. Mayroong napakaraming uri ng sayaw na La Jota sa Pilipinas na hango ang pangalan a iba't ibang lugar sa Pilipinas batay sa pinagmulan ng sayaw. Napapaloob sa sayaw na ito ang kastanyedas na gawa sa kawayan na nakaipit sa mga daliri. Ang karaniwang La Jota ay isang napakabilis at napakasayang indakan mula simula hanggang sa babagal ito sa kalagitnaan at muling bibilis sa katapusan.

Sa Katagalugan, tinatawag ang sayaw bilang La Jota Manileña (hango sa kabisera ng Pilipinas, ang Maynila[2]) na may halong Hispano o bago ang Hispano na istilo.[3] Kabilang sa iba pang La Jota ang La Jota Moncadeña (mula sa lalawigan ng Tarlac), La Jota Cagayana (mula sa bayan ng Enrile, Cagayan), at La Jota Caviteña (mula sa bayan ng Tarnate, Kabite).[4] Sa makabagong panahon, tinuturo ang La Jota sa paaralan at tinatanghal sa mga programa ng eskuwela, pista, at programang pangkalinangan.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Scholes, Percy A. (1983). The Oxford Companion to Music (sa wikang Ingles) (ika-1955 (na) edisyon). Oxford University Press. p. 549.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "La Jota Manilena,origin country Philippines,It is a dance named after the capital city of". www.danceanddance.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-01-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "IN PHOTOS: Performances at the SEA Games 2019 opening ceremonies". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2019-11-30. Nakuha noong 2022-01-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "La Jota Dance". abouttravelingtheworld.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-07-09. Nakuha noong 2022-01-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)