Pamantayan sa seksuwalidad

Konsepto ng normal na seksuwalidad, ito man ay panlipunan o pansarili
(Idinirekta mula sa Kaasalang seksuwal)

Ang kaasalang pampagtatalik (Ingles: sexual norm, norm on sexuality) o pamantayang kaasalan na pampagtatalik ay isang maaaring tumukoy sa isang kaasalang pansarili (personal o pansariling buhay) o panlipunan. Karamihan sa mga kultura ay mayroong mga kaasalang panlipunan hinggil sa seksuwalidad, at naglalarawan ng "normal na seksuwalidad" bilang binubuo lamang ng ilang partikular na mga gawaing pampagtatalik sa pagitan ng mga indibidwal na nakaabot sa partikular na pamantayan ng edad, kadugo o kamag-anak (iyon may kaugnayan sa pakikiapid sa kamaganak), lahi/lipi o etnisidad (iyong may kaugnayan sa misehenasyon), at/o gampaning panlipunan at katayuang sosyo-ekonomiko.

Sa karamihan ng mga lipunan, ang katagang "normal" (kanormalan, pagkanormal) ay naglalarawan ng isang kasakupan o kasaklawan ng mga pag-uugali o kaasalan. Sa halip na ang bawat isang kilos o galaw ay ang pagiging inuuring payak na "katanggap-tanggap" o "hindi katanggap-tanggap", maraming mga galaw ang tinatanaw bilang "humigit-kumulang na katanggap-tanggap" ng iba't ibang mga tao, at ang opinyon hinggil sa kung gaano kanormal o gaano katanggap-tanggap ay malakihang nakabatay sa indibidwal na gumagawa ng opinyon pati na sa kultura rin. Batay sa impormasyong nakuha mula sa mga pag-aaral na pangseksolohiya, ang buhay na pampagtatalik ng mayroong malaking bilang ng maraming mga taong pangkaraniwan, sa pribadong mga pagkakataon, ay napaka madalas na talagang naiiba kung ihahambing sa mga tanyag na mga paniniwala hinggil sa "normal".

Kung isasaalang-alang bilang positibo ang mga kaasalang pampagtatalik na walang pagbabawal o walang paghihigpit, maaaring tawagin ang mga ito bilang "kalayaan seksuwal", "rebolusyong seksuwal" ("liberasyong seksuwal") o "malayang pag-ibig ("malayang pagmamahal"). Kapag itinuring ang mga ito bilang negatibo, maaaring tawagin ang mga ito bilang "lisensiyang seksuwal" o "kalisensiyahan" (licentiousness sa Ingles). Ang kaasalang panlipunan na mayroong paghihigpit, kapag hinatulan bilang negatibo, ay tinatawag na "opresyong seksuwal" o "seksuwal na pang-aapi". Kapag ang mga kaasalang estrikto o mahigpit (may restriksiyon) ay hinusgahan bilang positibo, maaaring isaalang-alang ang mga ito bilang humihikayat ng kawagasan, "seksuwal na pagpipigil ng sarili", o "katimtimang seksuwal" ("pamimitagang seksuwal"), at mga katagang negatibo ay ginagamit para sa seksuwalidad na may pinupukol o may pinupuntirya, katulad halimbawa na ng "abusong seksuwal" at "perbersiyon" (kahindutan, panghihindot).

Mga kaasalang seksuwal at gawaing seksuwal

baguhin

Marami sa mga tao na labis ang pagwawasto ng ugaling seksuwal ay magawi na mayroong napakataas na antas ng pagiging batang nakatanggap ng pag-aabusong seksuwal,[1] bagaman hindi nalalaman kung ang antas na ito ay mayroong mas mababa o mas mataas na per kapita (mas mababa o mas mataas ang antas sa bawat tao) kaysa sa mga lipunang mapagbigay o maluwag (mapagparaya) sa seksuwalidad.[2]

Mga saloobin ng lipunan

baguhin

Sa Kanluraning Mundo, mayroong ilang tao na nagpaluwag o nagpagaan ng nakaugaliang mga kahulugan ng pagkanormal (kanormalan, normalidad), na pumipiling bigyan ng kahulugan ang anumang gawaing seksuwal na hindi kinasasangkutan ng paraphilia (mga perbersiyong seksuwal). Subalit, ang paggamit ng kahulugang ito ay gumagamit ng isang mahabang tala ng mga perbersiyong seksuwal na lumilitaw sa nakakubling mga pagpapalagay hinggil sa mga pamantayang kaasalan na pangkultura. Sa kamakailan lamang, sa lipunang Kanluranin, ang mga paraphiliang konsensuwal (may pagpayag) ay nagiging mas katanggap-tanggap, partikular na ang anumang mga gawain, na hindi naman labag sa batas, at isinasagawa ng dalawang mga adultong kapwa nagpapahintulutan at pribado. Ang ganitong liberalisasyon ng saloobin ay nagresulta sa legalisasyon ng homoseksuwalidad sa maraming mga bansa, kasunod ng ulat na Wolfenden sa Nagkakaisang Kaharian. Mayroong gawi sa mga bansang Kanluranin hinggil sa monogamiyang seryal bilang isang normal na estilong heteroseksuwal. Mayroon ding isang pagkilos hinggil sa pagkilala ng mga ugnayang homoseksuwal na pangmatagalang panahon (tingnan ang pagpapakasal sa kaparehong kasarian)

Mayroon ding mas malakihang pagtanggap ng mga ugnayang seksuwal (mga pagsasama, sa diwa ng salitang "may kinakasama") na hindi nangangailangan ng pagpapatibay ng isang uri ng kasal na kinikilala ng simbahan, estado o sistema ng batas. Ang ganitong mga kalakarang nagpapalaya (liberalisasyon) ay maaaring ihambing sa mga kalakarang konserbatibo na naglalayong salungatin ang mga huwarang ito ng pag-uugali, na may paghihikayat sa mga tao na nasa kanilang kabataan na piliin ang makatradisyong tinatanggap na mga gampanin, mga paniniwala at mga kaasalan, at upang magsagawa sila ng abstinensiyang seksuwal o ng mga estilo ng pamumuhay na mayroong delikadesa bago ang pagpapakasal.

Mayroong pagtugon na pasalungat sa kalakaran na tinatanaw ang ganiyang mga pagbabago bilang isang puwersang nakapaninira ng lipunan, at ang mga ito ay laban sa mga kalakarang ito. Madalas na ito, bagaman hindi ekskusibo, ay mayroong kaugnayan sa mga tao na mayroong mga damdaming panrelihiyon, at laganap sa karamihan ng sakop ng Kristiyanismo sa Amerika at Asya, at sa Islam sa Gitnang Silangan at Asya, at iba pang mga pangkat na tapat sa relihiyon, katulad ng mga Hudyong Haredi sa Israel. Sa ganitong mga bansa, madalas na mayroong isang malakas na panunuri ng mga seksuwalidad na hindi nakaugalian at liberasyong seksuwal.

Ang ilan sa mga kabagabagang panlipunan na kapwa nasa mga kalinangang Silanganin at Kanluranin ay dahil sa pagsasalungatang ito sa pagitan ng dalawang mga kalakaran, at sa mga pananaw hinggil sa pagiging katanggap-tanggap at pagtaban o pagkontrol ng mga pamantayang kaasalang panlipunan at seksuwal.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Social customs 'hide child sex abuse'". BBC. 21 Enero 2003.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Andrey Korotayev & Alexander Kazankov. Factors of Sexual Freedom among Hunter-Gatherers in Cross-Cultural Perspective // Cross-Cultural Research. The Journal of Comparative Social Science. 37/1 (2003). P. 28–60 Naka-arkibo 2010-06-14 sa Wayback Machine.