Makati

lungsod ng Pilipinas sa Kalakhang Maynila
(Idinirekta mula sa Kalye Estrella)

Ang Makati, opisyal na Lungsod ng Makati, ay isang lungsod sa Pilipinas, at isa sa labing-anim na mga lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila. Ito ang sentro ng kalakalan, pananalapi at negosyo sa Pilipinas. Dito matatagpuan ang karamihan ng mga malalaking kompanyang banyaga pati na rin ang mga tanggapan ng mga malalaking lokal na korporasyon ng bansa.[3] Ang mga pangunahing mga bangko, korporasyon, pamilihan, at mga embahada ay matatagpuan din sa lungsod. Ang pinakamalaking tanggapan ng Philippine Stock Exchange ay matatagpuan sa Abenida Ayala.[4][5] Kilala rin ang Makati bilang isa sa mga pangunahing sentro ng kultura at libangan sa Kalakhang Maynila.[6]

Makati

ᜋᜃᜆᜒ

Lungsod ng Makati
Panoramang urbano ng Makati
Panoramang urbano ng Makati
Opisyal na sagisag ng Makati
Sagisag
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Makati
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Makati
Map
Makati is located in Pilipinas
Makati
Makati
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°33′24″N 121°01′17″E / 14.5567°N 121.0214°E / 14.5567; 121.0214
Bansa Pilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon (NCR)
Lalawigan
DistritoUna hanggang pangalawang Distrito ng Makati
Mga barangay33 (alamin)
Pagkatatag4 Nobyembre 1670
Ganap na Lungsod2 Enero 1995
Pamahalaan
 • Punong LungsodMar-Len Abigail S. Binay-Campos
 • Pangalawang Punong LungsodMonique Q. Lagdameo
 • Manghalalal458,362 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan21.57 km2 (8.33 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan629,616
 • Kapal29,000/km2 (76,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
186,381
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan0.6% (2023)[2]
 • Kita(2023)
 • Aset(2023)
 • Pananagutan(2023)
 • Paggasta(2023)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
PSGC
137602000
Kodigong pantawag02
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytmakati.gov.ph
Makati

Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 629,616 sa may 186,381 na kabahayan. Ang ika-17 pinakamalaking lungsod ang Makati sa buong Pilipinas batay sa populasyon. Bagaman ang populasyon nito ay kalahating milyon lamang, ang populasyon nito tuwing araw ay tinatayang higit pa sa isang milyon dahil sa dami ng taong nagtutungo dito upang magtrabaho, mamili, o mangalakal. Ang trapiko ay malimit na inaasahan tuwing rush hour at panahon ng holiday.[7]

Kasaysayan[8]

baguhin
 
Abenida Ayala noong 1982

Noong 1470, nasa ilalim ng pamumuno ni Lakan Tagkan at ng kanyang maybahay na si Bouan ang lugar na sakop ngayon ng Makati.

Nakita ni kongkistador Miguel Lopez de Legaspi ang lugar noong 1571 at itinanong sa mga katutubo ang pangalan ng lugar. Sumagot ang mga katutubo ng “Makati-na” sa pag-aakalang ang itinatanong ay ang Ilog Pasig.

Noong 1578 hanggang 1670, napasailalim ang “visita”, isang distrito ng Sta. Ana de Saya sa pamamahala ng mga paring Fransiscano. Tinawag ang lugar na San Pedro de Macati, bilang pagkilala sa nagbigay ng lupa, si Don Pedro Brito. Tinawag ang lugar na “Sampiro”, mula sa mabilisang pagbigkas ng "San Pedro".

Kumita ang San Pedro de Makati o Sampiro sa pagbebenta ng paso noong 1608.

Naging isang bayan ng Maynila ang San Pedro de Makati noong 1890.

Nagkaroon ng isang pangulong municipal ang Makati matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1900.

Noong 11 Hulyo 1901, sa pamamagitan ng Batas Komonwelt ng Pilipinas Blg. 137, isinama ang Makati sa lalawigan ng Rizal.

Noong 28 Pebrero 1914, itinakda ng Batas Lehislatura ng Pilipinas Blg. 2390 ang pagpapalit ng pangalang San Pedro de Makati sa Makati, na naging opisyal na pangalan nito.

Noong 1937, itinatag ang unang paliparan sa Timog-Silangang Asya, ang Toreng Neilson.

Itinayo ang Makati Commercial Center noong 1956.

Itinayo ang bagong gusali ng pamahalaang lokal noong 1962.

Itinalaga ni Pangulong Corazon Aquino si Jejomar C. Binay bilang OIC ng Makati. Nahalal siyang punong-bayan noong 1988. Muli siyang nahalal noong 1992, 1995, 2001, 2004 at 2007.

Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Republika Blg. 7854 noong 2 Enero 1995 na ginawang lungsod ang Makati. Pinagtibay ito ng mga mamamayan sa isang plebisito noong 4 Pebrero 1995.

Heograpiya

baguhin

Ang lungsod ng Makati ay matatagpuan sa loob ng bilog na 14′40″ °north at 121′3″ °E right sa gitna ng Kalakhang Maynila. Ang karatig ng lungsod sa hilaga ay ang Ilog Pasig at nakaharap sa lungsod ng Mandaluyong, sa hilagang-silangan naman ay ang Pasig, sa timog-silangan ang munisipalidad ng Pateros at lungsod ng Taguig, sa hilagang-kanluran ang Maynila, at sa timog-kanluran ay Pasay. Ang lungsod ng Makati ay may kabuuang lawak na 27.36 kilometro kwadrado.

Lokal na pamahalaan

baguhin

Mga Barangay

baguhin
 
Mapa ng lungsod ng Makati

Ang Makati ay nahahati sa 33 mga barangay (ang pinakamaliit na lokal na pamahalaan na antas) na humahawak sa pamamahala sa isang mas maliit na lugar.

Barangay Populasyon (2004) Populasyon (2010) Sukat (km2) Distrito
Bangkal 22,433 23,378 0.74 Ika-1
Bel-Air 9,330 18,280 1.71 Ika-1
Carmona 3,699 3,096 0.34 Ika-1
Dasmariñas 5,757 5,654 1.90 Ika-1
Forbes Park 3,420 2,533 2.53 Ika-1
Guadalupe Nuevo 22,493 18,271 0.57 Ika-2
Guadalupe Viejo 13,632 16,411 0.62 Ika-2
Kasilawan 6,224 5,291 0.09 Ika-1
La Paz 8,843 7,931 0.32 Ika-1
Magallanes 7,509 5,576 1.20 Ika-1
Olympia 20,172 21,270 0.44 Ika-1
Palanan 16,614 17,283 0.65 Ika-1
Pinagkaisahan 6,186 5,804 0.16 Ika-2
Pio del Pilar 22,495 27,035 1.20 Ika-1
Poblacion 8,446 17,120 0.46 Ika-1
San Antonio 12,226 11,443 0.89 Ika-1
San Isidro 8,686 7,589 0.50 Ika-1
San Lorenzo 6,487 10,006 2.09 Ika-1
Santa Cruz 7,419 7,440 0.47 Ika-1
Singkamas 6,226 7,426 0.13 Ika-1
Tejeros 16,820 13,868 0.29 Ika-1
Urdaneta 3,817 3,717 0.74 Ika-1
Valenzuela 5,908 7,261 0.24 Ika-1

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Makati
TaonPop.±% p.a.
1903 2,700—    
1918 12,612+10.82%
1939 33,530+4.77%
1948 41,335+2.35%
1960 114,540+8.86%
1970 264,918+8.74%
1975 334,448+4.78%
1980 372,631+2.18%
1990 453,170+1.98%
1995 484,176+1.25%
2000 444,867−1.80%
2007 567,349+3.41%
2010 529,039−2.51%
2015 582,602+1.85%
2020 629,616+1.54%
Sanggunian: PSA[9][10][11][12]


Ang lungsod ng Makati ay mayroong populasyon na 582,602 ayon sa 2015 Census. Ang Makati ay ang ika-9 sa pinakamaking bilang ng tao sa mga lungsod at munisipalidad ng Kalakhang Maynila. 88.9% ng mga nakatira sa Makati ay kabilang sa relihiyon na Roman Catholic.

Base sa Transport and Traffic Improvement Plan 2004-2014 ng lungsod, ang populasyon ng lungsod sa araw ay tinataya sa 3.7 milyon tuwing mga weekday, at karamihan sa mga tao na ito ay nagtatrabaho, nagnenegosyo, o namimili.

Tanawing panoramiko

baguhin
Tanaw ng Makati sa Umaga
Tanaw ng Makati sa Gabi

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province: NCR, FOURTH DISTRICT (Not a Province)". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
  2. "Poverty Statistics". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2024. Nakuha noong 19 Disyembre 2024.
  3. "About Makati, Philippines". Makaticity.com. Nakuha noong June 5, 2013.
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2017-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  5. "Makati Business Club". Mbc.com.ph. Nakuha noong 2013-03-26.
  6. "Tourist information and services on Makati City Philippines". Touristcenter.com.ph. Nakuha noong 2013-03-26.
  7. "NATIONAL CAPITAL REGION (NCR) > Makati City". Department of Tourism. 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-03. Nakuha noong 2013-05-23.
  8. Modyul ng Makati. Pamahalaan ng Makati. 2006.
  9. Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  10. Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  11. Censuses of Population (1903–2007). "National Capital Region (NCR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) CS1 maint: url-status (link)
  12. "Province of Metro Manila, 4th (Not a Province)". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.

Mga Kawing Panlabas

baguhin



   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.