Daang Kennon
Ang Daang Kennon (Kennon Road) na dating tinawag na Daang Benguet (Benguet Road) ay isang lansangan sa lalawigan ng Benguet, Pilipinas na nag-uugnay ng bulubunduking lungsod ng Baguio sa mga kapatagang bayan ng Rosario at Pugo sa lalawigan ng La Union. Ito ang una at pinakamatanda sa tatlong daan patungong Baguio mula sa La Union (ang iba pa ay Lansangang Aspiras–Palispis at Daang Naguilian). Una itong ipinagawa noong 1903, at ibinuksan sa mga sasakyan noong Enero 29, 1905. May haba ito na 33.534 kilometro mula Rosario hanggang Baguio. Para sa mga manlalakbay na galing sa Kamaynilaan at mga lalawigan ng Gitna at Timog Luzon, ito ang pinakamaiksing daan na papuntang Baguio.[1]
Daang Kennon Kennon Road | |
---|---|
Daang Benguet (Benguet Road) Daang Rosario–Baguio (Rosario–Baguio Road) | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 33.5 km (20.8 mi) |
Umiiral | 1903–kasalukuyan |
Bahagi ng |
|
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | N208 (Lansangang Aspiras–Palispis) / N54 (Daang Gobernador Pack) Baguio |
Dulo sa timog | N2 (Lansangang MacArthur) sa Rosario |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Baguio |
Mga bayan | Rosario, Pugo, Tuba |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang buong daan ay bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 54 (N54) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.
Pangalan
baguhinAng orihinal na pangalan ng Daang Kennon ay Daang Benguet (Benguet Road). Kalaunan, binigyan ito ng bagong pangalan sa karangalan ng nagtayo nito, si Koronel Lyman Walter Vere Kennon ng United States Army Corps of Engineers. Kilala rin ang lansangan bilang Daang Rosario–Baguio (Rosario–Baguio Road).
Kasaysayan
baguhinSinimulan ang pagtatayo ng daan noong 1903 sa paghahati ng mga bundok ng Benguet na may magkasamang sikap ng mga Pilipino, Amerikano, Pilipinong Intsik, at Hapones. Itinuturi itong isa sa pinakamahirap at pinakamahal na mga proyektong inhinyeriyang sibil sa mga panahong iyon, na may higit na US$2.7 milyon sa mga gastos ng kakatatag-lamang na Pamahalaang Insular ng Kapuluan ng Pilipinas.[2]
Higit sa 2,300 banyaga at katutubong manggagawa ang naggawa sa daan. Maliban sa mga inhinyerong at manggagawang Pilipino at U.S. Army Corps of Engineers na pinamunuan ni Koronel Lyman Kennon, ang mga banyagang mula sa tatlumpu't-anim (36) na mga bansa ay pinangalap upang maggawa sa daan. Karamihan sa mga banyaga ay mga Hapones, na may bilang na mga 1,500. Daan-daan sa mga manggagawa ay namatay dahil sa malaria habang mas-marami pa ang nasawi nang mahulog sila habang nagtatayo ng daan. Pagkaraan ng pagkokompleto ng daan, nagpasya ang ilang banyagang manggagawa na manatili sa Baguio upang tumira nang permanente.[1]
Ang unang daan ay isang Macadam Telford-type na daan na kalaunan pinaganda at ginawang aspaltong daan na maaari sa lahat ng kapanahunan. Kamakailan lamang, ilang bahagi ng Daang Kennon ay pinalitan na ng kongkretong palitada.[3]
Lubhang nasira ang lansangan dahil sa lindol sa Luzon noong 1990[4]. Nagpasya ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan na isara nang habambuhay ang daan.[5] Ipinanukala na papalitan ito ng isang daan na dadaan sa bayan ng Itogon at patungo sa mga kapatagan ng San Manuel sa Pangasinan, subalit nakatanggap ito ng batikos mula sa mga nakatira sa Baguio. Muling binuksan ang Daang Kennon sa publiko noong Setyembre 1, 1991, pagkaraan ng mga pagsisikap sa pagsasaayos ng daan.[5]
Paglalarawan
baguhinNagmumula sa mga kapatagan, ang Daang Kennon ay isa sa tatlong pangunahing daan na papunta sa paltok na Lungsod ng Baguio.[4] Ang pataas na akyat ay nagbibigay ng magandang tanawin ng mga bundok, saganang halama't puno, at pino habang papalapit sa lungsod.
Karamihan sa kahabaan ng lansangan ay nasa bayan ng Tuba sa lalawigan ng Benguet.[6] Ang mga maliliit na pamayanan sa kahabaan ng daan, na kilala bilang mga Camp 1 hanggang 8, ay unang itinayo para sa mga unang manggagawa ng daan,[7] subalit pinaninirahan na ngayon ng mga lokal na residente. Dumadaloy ang Ilog Bued sa mabatong sabak mula sa mga matataas na bundok, at sumusunod ang daan sa daloy nito. Ang daan naman ay nakatayo sa ibabaw ng river bed.
Ang lansangan ay isang daang may-bayarin (toll road).[4][8] Matatagpuan ang katimugang tarangkahang pambayad 2.5 kilometro (1.6 milya) mula sa sangandaan sa Rosario malapit sa Camp 1. Ang hilagang tarangkahang pambayad naman ay matatagpuan 13 kilometro (8.1 milya) sa timog ng Baguio malapit sa Ulo ng Leon (Lion's Head) at Camp 6, sa Tuba.
Ang pinakamatarik na bahagi ng daan sa pagitan ng Camp 6 at Camp 7 sa Baguio ay kadalasang tinagurian na "Zigzag Road" ("Daang Sigsag") dahil sa kinakailangan na maraming switchback. Ang disenyo ng mga switchback sa daan sa kahabaan ng nasabing bahagi ng daan ay kapareho sa konstruksiyon ng mga hagdan-hagdang palayan na matatagpuan sa Benguet at iba pang mga lalawigan sa Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera.
Mga peligro
baguhinIsa ang Daang Kennon sa mga pinakamapanganib na lansangan sa Pilipinas,[10] lalo na tuwing tag-ulan, kung kailan madalas mangyari ang mga sakuna sa daan. Upang maiwasan ang mga nadidisgrasya dulot ng mga pagguho, isinasara ang daan tuwing may mabigat na ulan o bagyo.[10] [11] [12] [13]
Ilang bahagi ng lansangan ay may mataas din ang tsansa sa paglubog ng lupa (land sinking/subsidence), lalo na sa kahabaan ng daan sa Barangay Camp 3 sa Tuba.[14]
Bagaman ang Daang Kennon ay may pinakamaiksing ruta sa tatlong pangunahing daang papasok sa Baguio, madalas kasinghaba ang oras ng paglalakbay sa dalawang iba dahil sa kalunos-lunos na kalagayan ng daan. Kadalasang umaabot mula 45 minuto hanggang isang oras para sa isang bihasang mananakay para makalagpas ng 41.2-kilometro (25.6-milyang) matarik at paliko-likong akyat sa pamamagitan ng kotse.
Sa hinaharap
baguhinPag-nakompleto sa taong 2018, ang 88.5-kilometrong Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway ay mag-uugnay ng Daang Kennon sa Subic–Clark–Tarlac Expressway[15] at North Luzon Expressway. Sa gayon, kakaltasin nito ang oras ng paglalakbay mula Kalakhang Maynila papuntang Baguio nang tatlo hanggang apat na oras.
Sinasabi[nino?] na magtatayo ng isang fully functional cable car sa Daang Kennon mula Baguio papuntang La Union at gayundin naman La Union papuntang Baguio. Sinasabi rin[nino?] na magtatayo ng isang zipline para sa mga tree-top adventure.[kailangan ng sanggunian]
Mga larawan
baguhin-
Ang talon ng Bridal Veils sa ilog Bued na kita mula sa kalsadang Kennon
-
Mga salansan ng sandstone ng Zigzag formation sa ilalim ng daanang Kennon (Camp 6)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Bankoff, Greg. (2005). These brothers of ours: Poblete's obreros and the road to Baguio 1903–1905. Journal of Social History - Volume 38, Number 4, Summer 2005, pp. 1047-1072 PDF at University of Auckland Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine.
- ↑ "Baguio City Centennial September 1, 1909". Balita Pinoy. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Nobiyembre 2010. Nakuha noong 1 Disyembre 2010.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong); Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong) - ↑ "CityofPines.com - Kennon Road". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-26. Nakuha noong 2017-05-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 "Kennon Road". City of Pines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-26. Nakuha noong 30 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Cabreza, Vincent (16 Mayo 2012). "Fighting for century-old Kennon Road". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 5 Oktubre 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kennon Rd". Mapcentral. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-07. Nakuha noong 30 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kennon, Lyman. "Kennon's own report on the famous zig–zag". Baguio Midland Courier. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 30 Setyembre 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Montecillo, Paolo (14 Marso 2012). "Hike in toll on Kennon Road looms". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 30 Setyembre 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cawis, Redjie Melvic (10 Hunyo 2016). "DPWH advises motorists to avoid Kennon Road due to rehab works". Philippine Information Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-09-13. Nakuha noong 3 Setyembre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 "Kennon Road". Dangerous Roads. Nakuha noong 30 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rains trigger landslide along Kennon Road in Benguet". GMA News. 30 Abril 2010. Nakuha noong 30 Setyembre 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Locsin, Joel (15 Setyembre 2014). "Kennon Road closed, 11 roads impassable due to landslides caused by Luis". GMA News. Nakuha noong 30 Setyembre 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "1 killed in Benguet landslide; Kennon Road closed". GMA News. 12 Agosto 2013. Nakuha noong 30 Setyembre 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Arthur, Allad-iw (26 Agosto 2014). "Residents of sinking Kennon Road village urged to move to safer ground". Northern Dispatch (InterAksyon). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-11. Nakuha noong 30 Setyembre 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ See, Dexter (18 Disyembre 2011). "Kennon road rehab to spur Cordillera's economic growth". Baguio Midland Courier. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Oktubre 2014. Nakuha noong 5 Oktubre 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)