Kilusang Bagong Lipunan
Ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL), noon ay tinawag na Kilusang Bagong Lipunan ng Nagkakaisang Nacionalista, Liberal, at iba pa (KBLNNL), ay isang partidong pampolitika sa Pilipinas. Ito ay unang nabuo noong 1978 bilang isang koalisyon ng mga taga-suporta ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos para sa Pansamantalang Batasang Pambansa at ang nagsilbing sasakyang pampolitika sa ilalim ng kanyang rehimen.[7] Ito ay muling isinaayos bilang isang partido noong 1986 pagkatapos mapatalsik si Ferdinand Marcos,[8] bilang isa sa mga pinaka maka-kanan na partidong pampolitika sa buong bansa.[8]
Kilusang Bagong Lipunan | |
---|---|
Tagapangulo | Imelda Marcos (emeritus) |
Pangulo | Efren Rafanan Sr. |
Nagtatag | Ferdinand Marcos |
Punong-Kalihim | Josephine Gandol |
Itinatag | Pebrero 1978 |
Humiwalay sa | Partido Nacionalista Partido Liberal (Pilipinas) |
Punong-tanggapan | 1611 Orcel II Bldg., Quezon Avenue, Lungsod ng Quezon |
Palakuruan | Maka-bayan Konserbatismo (1978–86)[1][2][3][4] Anti-komunismo[4][5] Populismong maka-kanan (1978–86) Mga Panig: (1978–86) Sentrismo Libertarianismo[6] |
Kasapian pambansa | UniTeam |
Opisyal na kulay | Asul, Puti, Pula, and Dilaw |
Mga puwesto sa Senado | 0 / 24 |
Mga puwesto sa Kamara de Representante | 0 / 300 |
Website | |
www.kbl.org.ph |
Simula 1986, ang KBL ay nakipagpaligsahan sa pambansa at local na mga halalan sa Pilipinas ngunit nakakuha ng iisang puwesto lamang sa Kamara sa Ilocos Norte, na hawak ng dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Marcos hanggang 2019.
Pagtatatag at Ideyolohiya
baguhinAng mga ugat ng ideolohiya ng konseptong "bagong lipunan" ay maaring mabalikan sa mga kadahilanan ng pagdedeklara ng Batas Militar noong Septyembre 1972.[9](p"66") Sa kanyang retorika, iginiit ni Pangulong Marcos na ang sistema ng "awtoritaryong konstitusyonal" ay karapat-dapat upang "mareporma ang lipunan" at makabuo ng "bagong lipunan" sa ilalim ng kanyang pamumuno.[9](p"29")[10][11]
Anim na taon matapos ang pagdedeklara ng Batas Militar, inangkin ni Marcos ang retorikang ito at ginamit ang parirala bilang pangalan ng koalisyon ng mga kaalyadong mga partido ng administrasyon noong sila ay tumatakbo para sa 1978 Halalang Pamparliyamentaryo sa Pilipinas.[7] Ibinalik ng koalisyon ang pangalang ito nang sila ay nareorganisa noong 1986.
Humiwalay na mga panig matapos ang Rebolusyong EDSA
baguhinMatapos ang Rebolusyong EDSA, na naghiwatig ng katapusan ng 21 taong kapangyarihan ni Ferdinand Marcos, siya, ang kaniyang pamilya at ang kanyang mga tanyag na mga loyalista, ang makinarya ng partido ni Marcos ay mabilisang nagkandawatak-watak sa maraming mga panig, kung saan ang naging piakamatagumpay ay ang Partido Nacionalista ni Blas Ople, isang reorganisadong Partido Nacionalista na pinamunuan ni Rafael Palmares at Renato Cayetano matapos ang pakamatay ni Senador Jose Roy, at ang reorganisadong Kilusang Bagong Lipunan na pinamumunuan naman ni Nicanor Yñiguez.[12][13]
Noong paanahon ng 1987 Plebisitong Konstitusyonal sa Pilipinas, ang muling nabuong KBL sa ilalim ni Yñiguez[8] - nanatiling matapat sa ideyolohiya ni Marcos, na sumasalungat sa Partido Nacionalista ng Pilipinas kung saan sila ay pumapanig sa bandang sentro ng espektrong pampolitika, at ang Palmares wing ng Partido Nacionalista at ang Kalaw wing ng Partido Liberal ay napaloob naman sa sentrong-kanan ng espektrong pampolitika.[12]
Paghihiwalayan sa Partido noong 2009
baguhinNoong 20 Nobyembre 2009, ang KBL ay kumampi sa Nacionalista Party (NP) sa pagitan ni Bongbong Marcos at Tagapangulo ng NP Senador Manny Villar sa Laurel House sa Mandaluyong.[14][wala sa ibinigay na pagbabanggit] Si Bongbong ay natanggal rin bilang miyembro ng Pambansang Komiteng Ehekutibo ng KBL noong 29 Nobyembre.[15] Kaya naman, ang NP ay nakipagputol sa KBL dahil sa mga pagtatalo sa loob ng koalisyon, ngunit si Marcos ay nanatiling parte ng talaang pangsenador ng NP.[14][wala sa ibinigay na pagbabanggit]
Mga kumandidato noong 2010 Halalan sa Pilipinas
baguhin- Vetellano Acosta – Kandidatong Pampangulo (talo)
- Jay Sonza – Kandidatong Pangikalawang Pangulo (talo)
- Talaang Pangsenado
- Alma Lood (talo)
- Hector Villanueva (talo)
- Shariff Ibrahim Albani (talo)
Tanyag na mga miyembro
baguhin- Ferdinand Marcos — ika-10 na Pangulo ng Pilipinas, Pangulo ng Senado, kongresista
- Roberto "Amay Bisaya" Reyes Jambongana— Kumandidato bilang senador, kumandidato bilang gobernador ng Bohol, komedyante
- Larry Gadon — Kumandidato bilang senador sa Halalang Pangsenador sa Pilipinas noong 2019,abogado; nagtaguyod para sa pagpapatalsik kay nakaraang Punong Hukom Maria Lourdes Sereno[16][17]
- Jay Sonza[18]
- Victor Wood[19]
- Vicente Millora — Gobernador ng Pangasinan, kongresista/asambleista
Tanyag na mga nakaraang miyembro
baguhin- Conrado M. Estrella III — (lumipat sa Nationalist People's Coalition noong 1992; nahalalal sa Abono Party-List representante noong 2010) nakaraang representante ng Ika-6 na Distrito ng Pangasinan
- Imelda Romualdez-Marcos — (lumipat sa Nacionalista Party) former First Lady, Ministro ng Tirahang Pantao, Gobernador ng Kalakhang Maynila, Representante ng Ika-1 na Distrito ng Leyte
- Ferdinand Marcos Jr. — (lumipat sa Partido Federal ng Pilipinas) nakaraang Pangalawang Gobernador at Gobernador ng Ilocos Norte, Representante ng Ika-2 Distrito ng Ilocos Norte, Senador
- Imee Marcos — (lumipat sa Partido Nacionalista) Senador, nakaraang Gobernador ng Ilocos Norte, Representante ng ika-2 Distrito ng Ilocos Norte
- Vicente Millora - (lumipat sa Loyalist Party of the Philippines) Gobernador, Asambleista
Pagganap sa Halalan
baguhinPangulo
baguhinHalalan | Kandidato | Bilang ng Boto | Bahagdan ng Boto | Resulta ng Halalan |
---|---|---|---|---|
1981 | Ferdinand Marcos | 18,309,360 | 88.02% | Panalo |
1986 | Ferdinand Marcos | 10,807,197 | 53.62% | Pinagtalunan; umalis ng bansa matapos ang Rebolusyong EDSA |
1992 | Imelda Marcos | 2,338,294 | 10.32% | Talo |
1998 | Imelda Marcos | Umalis | ||
2004 | Sinuportahan si Fernando Poe Jr. na natalo | |||
2010 | Vetellano Acosta | Natanggal | ||
2016 | Sinuportahan si Miriam Defensor Santiago na natalo | |||
2022 | Ineendorso si Bongbong Marcos ngayong kasalukuyan |
Ikalawang Pangulo
baguhinHalalan | Kandidato | Bilang ng Boto | Bahagdan ng Boto | Resulta ng Halalan |
---|---|---|---|---|
1986 | Arturo Tolentino | 10,134,130 | 50.66% | Pinagtalunan; hindi tumuloy sa puwesto matapos ang Rebolusyong EDSA |
1992 | Vicente Magsaysay | 699,895 | 3.43% | Talo |
1998 | Hindi nakilahok | |||
2004 | Sinuportahan si Loren Legarda na natalo | |||
2010 | Jay Sonza | 64,230 | 0.18% | Talo |
2016 | Sinuportahan si Bongbong Marcos na natalo | |||
2022 | Sinusuportahan si Sara Duterte na tumatakbo ngayong kasalukuyan |
Senado
baguhinHalalan | Bilang ng Boto | Bahagdan ng Boto | Napanalunang Puwesto | Nakuhang Puwesto | Resulta ng Halalan |
---|---|---|---|---|---|
1987 | 16,356,441 | 4.36% | 0 / 24
|
0 / 24
|
Talo |
1992 | 12,691,686 | 4.59% | 0 / 24
|
0 / 24
|
Talo |
1995 | 8,168,768 | 4.47% | 0 / 12
|
0 / 24
|
Talo |
1998 | Hindi nakilahok | ||||
2001 | 873,306 | 0.36% | 0 / 13
|
0 / 24
|
Talo |
2004 | 540,498 | 0.21% | 0 / 12
|
0 / 24
|
Talo |
2007 | 2,436,294 | 0.91% | 0 / 12
|
0 / 24
|
Talo |
2010 | 2,769,847 | 0.93% | 0 / 12
|
0 / 24
|
Talo |
2013 | Hindi nakilahok | ||||
2016 | 1,971,327 | 0.61% | 0 / 12
|
0 / 24
|
Talo |
2019 | 3,487,780 | 0.96% | 0 / 12
|
0 / 24
|
Talo |
Kamara de Representante
baguhinHalalan | Bilang ng Boto | Bahagdan ng Boto | Mga Puwesto | Resulta ng Halalan |
---|---|---|---|---|
Batasang Pambansa | ||||
1978 | 147,885,493 | 71.13% | 137 / 190
|
Panalo |
1984 | 110 / 200
|
Panalo | ||
Kamara de Representante | ||||
1987 | 823,676 | 4.10% | 11 / 214
|
Namuno sa minoryang bloc |
1992 | 438,577 | 2.35% | 3 / 216
|
Namuno sa minoryang bloc |
1995 | Nanalo ng isang puwesto sa ilalim ng tambalang KBL/NPC; sumali sa minoryang bloc | |||
1998 | 35,522 | 0.15% | 0 / 257
|
Talo |
2001 | Hindi nakilahok | |||
2004 | 1 / 261
|
Sumali sa mayoryang bloc | ||
2007 | 1 / 271
|
Sumali sa mayoryang bloc | ||
2010 | 158,416 | 0.46% | 1 / 286
|
Sumali sa mayoryang bloc |
2013 | 94,484 | 0.34% | 1 / 293
|
Sumali sa mayoryang bloc |
2016 | 198,754 | 0.53% | 0 / 297
|
Talo |
2019 | 33,594 | 0.08% | 0 / 304
|
Talo |
*Isang miyembro ang nahalal sa ilalim ng tambalang KBL-Nationalist People's Coalition.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Celoza, A. (1997). Ferdinand Marcos and the Philippines: The Political Economy of Authoritarianism. Connecticut, USA: Praeger Publishers.Padron:Quote needed
- ↑ Timberman, D. (1991) A Changeless Land: Continuity and Change in Philippine Politics: Continuity and Change in Philippine Politics[patay na link]. USA: Taylor and Francis.Padron:Verification needed
- ↑ Bello, Madge; Reyes, Vincent (1986). "Filipino Americans and the Marcos Overthrow: The Transformation of Political Consciousness". Amerasia Journal. 13: 73–83. doi:10.17953/amer.13.1.21h54l86268n023n.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)Padron:Quote needed - ↑ 4.0 4.1 Pinches, M. (1986). "Elite democracy, development and people power: contending ideologies and changing practices in Philippine politics"Padron:Quote needed
- ↑ Celoza, A. (1997). Ferdinand Marcos and the Philippines: The Political Economy of Authoritarianism. Connecticut, USA: Praeger Publishers.
- ↑ Landé, Carl (1996). Post-Marcos Politics: A Geographical and Statistical Analysis of the 1992 Presidential Election. Institute of Southeast Asian Studies. p. 37.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 "Philippines - Local government". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-07-24.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 Villegas, Bernardo M. (1958-02-01). "The Philippines in 1986: Democratic Reconstruction in the Post-Marcos Era". Asian Survey (sa wikang Ingles). 27 (2): 194–205. doi:10.2307/2644614. ISSN 0004-4687.
Finally, at the extreme right is the reorganized Kilusang Bagong Lipunan (KBL) under Nicanor Yniguez, which remains loyal to Marcos.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 Brillantes, Alex B., Jr. (1987). Dictatorship & martial law : Philippine authoritarianism in 1972. Quezon City, Philippines: University of the Philippines Diliman School of Public Administration. ISBN 978-9718567012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Beltran, J. C. A.; Chingkaw, Sean S. (Oktubre 20, 2016). "On the shadows of tyranny". The Guidon (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 31, 2020. Nakuha noong Hunyo 20, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 Villegas, Bernardo M. (1958-02-01). "The Philippines in 1986: Democratic Reconstruction in the Post-Marcos Era". Asian Survey (sa wikang Ingles). 27 (2): 194–205. doi:10.2307/2644614. ISSN 0004-4687.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kimura, Masataka (Disyembre 1989). "The Revolution and Realigntnent of Political Parties in the Philippines (December 1985-January 1988): With a Case in the Province of Batangas" (PDF). Southeast Asian Studies. 27 (3): 352–379.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 "Feed a hungry child this Christmas". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 8, 2013. Nakuha noong Abril 19, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Filing of COCs at Comelec on Day 4". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 9, 2013. Nakuha noong Abril 19, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Editorial (Mayo 31, 2018). "Revising history — yet again". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hulyo 24, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Impeachment lawyer blasts 'yellow virus', denies he wants gov't post". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Oktubre 24, 2017. Nakuha noong Hulyo 24, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Legaspi, Amita (Marso 4, 2010). "Bongbong on KBL's Acosta: 'I don't even know what he looks like'". GMA News Online.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ribaya, Rio Rose (Oktubre 31, 2012). "Victor Wood loses chance at Senate". Yahoo News.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)