Kiruhe
Ang kiruhe ( Cacomantis merulinus ),[2] na kilala rin bilang "ibong maysakit" o plaintive cuckoo ay isang ispesye ng ibon na kabilang sa genus Cacomantis sa pamilyang Cuculidae. Ito ay katutubo sa Asya, mula sa India, Nepal at Tsina hanggang Indonesia .
Plaintive cuckoo | |
---|---|
at Nai Yang, Phuket | |
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Aves |
Orden: | Cuculiformes |
Pamilya: | Cuculidae |
Sari: | Cacomantis |
Espesye: | C. merulinus
|
Pangalang binomial | |
Cacomantis merulinus (Scopoli, 1786)
|
Paglalarawan
baguhinAng kiruhe ay may kaliitan, sa sukat na mga 21–24 centimetro (8.3–9.4 pul) ang haba.
Ang lalaking nasa hustong gulang ay kulay abo-kayumanggi sa bandang itaas at kulay kahel sa bandang ibaba, at na may kulay abong ulo, lalamunan at bandang itaas na dibdib. Ang mga balahibo ng buntot ay may puting dulo. Ang mga binti at paa ay dilaw, ang mata ay pula at ang bill ay itim sa itaas at dilaw sa ibaba.
Ang babaeng nasa hustong gulang ay minsa'y katulad ng lalaki ngunit kadalasa'y isang "hepatic morph." Ang anyo nito ay mapulapulang-kayumanggi sa bandang itaas na may maitim na mga baras. Ang mga bandang ilalim ay mas maputla na may maskupas na baras. May maputlang guhit sa ibabaw ng mga mata nito at ang buntot ay may maiitim na baras sa bong kahabaan nito.
Ang mga juvenile na ibon ay katulad ng mga hepatic na babae, pero mas maputla, at may mga maiitim na guhit sa ulo at lalamunan kaysa sa mga baras .
Ang lalaki ay may ilang malungkot na huning pasipol. Kabilang dito ang isang papataas na serye ng tatlong-notang parirala at serye ng 11 o 12 na pababang nota.
Pamamahagi at mga subspecies
baguhinMayroong apat na <a href="./Subespesye" rel="mw:WikiLink">subespesye</a>. Ang anyong pinanggalingan ng pangalan na C. m. merulinus ay matatagpuan sa Pilipinas, kung saan pangkaraniwan ito sa karamihan ng malalaking isla. Pinakalaganap ang anyong C. m. querulus, na natagpuan sa hilagang-silangang India, Bangladesh, katimugang Tsina, Indonesia, Myanmar, Thailand, Cambodia, Laos at Vietnam. Bisitang tag-araw sa karamihan ng sakop nito sa Tsina - pumapatimog para umiwas sa taglamig sa hilaga. Ang anyong C. m. threnodes ay matatagpuan sa Malay Peninsula, Sumatra at Borneo habang ay C. m. lanceolatus ay matatagpuan sa Java, Bali at Sulawesi .
Ang grey-bellied cuckoo ( C. passerinus ) ay dating inuri bilang isang subespesye ng kiruhe ngunit ngayon ay madalas na itinuturing bilang isang hiwalay na espesye.
Ekolohiya
baguhinAng kiruhe ay naninirahan sa gilid ng kagubatan, bukas na kakahuyan, scrub, damuhan, bukirin, parke at hardin. Pinapakain nito ang mga invertebrate . Karaniwan itong nag-iisa at kadalasa'y mahirap makita.
Ito ay isang brood parasite: nangingitlog ito sa mga pugad ng cisticola, prinia at tailorbird . Ang mga itlog ng kiruhe ay kamukha ng sa mga espesyeng ito ngunit mas malaki.
Madalas kinukuyog ng mga maliliit na ibon ang kiruhe upang itaboy ito sa kanilang mga pugad.
Mga sanggunian
baguhin- Kennedy, Robert S.; Gonzales, Pedro C.; Dickinson, Edward C.; Miranda, Hector C. & Fisher, Timothy H. (2000) A Guide to the Birds of the Philippines, Oxford University Press, Oxford.
- MacKinnon, John & Phillipps, Karen (2000) A Field Guide to the Birds of China, Oxford University Press, Oxford.
- Robson, Craig (2002) A Field Guide to the Birds of South-East Asia . New Holland, London.
- ↑ BirdLife International (2016). "Cacomantis merulinus". IUCN Red List of Threatened Species. 2016: e.T22683923A93007953. doi:10.2305/IUCN.UK.2016-3.RLTS.T22683923A93007953.en. Nakuha noong 11 Nobyembre 2021.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Institute of National Language, Republic of the Philippines. A National Language Vocabulary. Fourth Edition. 1950. Page 65