Komsomolsk-na-Amure
Ang Komsomolsk-na-Amure (Ruso: Комсомольск-на-Амуре, IPA [kəmsɐˈmolʲsk nɐɐˈmurʲə], Ingles: Komsomolsk-on-Amur) ay isang lungsod sa Khabarovsk Krai, Rusya. Matatagpuan ito sa kaliwang pampang ng Ilog Amur sa Malayong Silangang Rusya. Matatagpuan ito sa Pangunahing linya ng Baikal-Amur, sa layong 356 kilometro (221 milya) hilagang-silangan ng Khabarovsk. Sang-ayon sa senso noong 2010, mayroon itong 263,906 na katao.[3]
Komsomolsk-na-Amure Комсомольск-на-Амуре | |||
---|---|---|---|
Tanawin ng Komsomolsk-na-Amure | |||
| |||
Mga koordinado: 50°34′N 137°00′E / 50.567°N 137.000°E | |||
Bansa | Rusya | ||
Kasakupang pederal | Khabarovsk Krai[1] | ||
Itinatag | 1932 | ||
Katayuang lungsod mula noong | 1933 | ||
Pamahalaan | |||
• Pinuno | Vladimir Mikhalyov | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 325.10 km2 (125.52 milya kuwadrado) | ||
Taas | 47 m (154 tal) | ||
Populasyon (Senso noong 2010)[3] | |||
• Kabuuan | 263,906 | ||
• Ranggo | 70th in 2010 | ||
• Kapal | 810/km2 (2,100/milya kuwadrado) | ||
• Subordinado sa | Lungsod ng kahalagahang krai ng Komsomolsk-na-Amure[1] | ||
• Kabisera ng | Lungsod ng kahalagahang krai Komsomolsk-na-Amure[4], Komsomolsky District[5] | ||
• Urbanong okrug | Komsomolsk-na-Amure Urban Okrug<r[6] | ||
• Kabisera ng | Komsomolsk-na-Amure Urban Okrug[6], Komsomolsky Municipal District[7] | ||
Sona ng oras | UTC+10 ([8]) | ||
(Mga) kodigong postal[9] | 6810xx | ||
(Mga) kodigong pantawag | +7 4217 | ||
OKTMO ID | 08709000001 | ||
Mga kakambal na lungsod | Jiamusi, Kamo | ||
Websayt | kmscity.ru |
Kasaysayan
baguhinAng magiging sityo ng Komsomolsk-na-Amure ay nilupig ng mga Monggol noong ika-13 dantaon at naging bahagi ng Imperyong Monggol sa ilalim ng Monggol na dinastiyang Yuan. Paglaon, hinawak ito ng mga Manchu hanggang sa 1858 nang sinuko ito sa Imperyong Ruso alinsunod sa Kasunduan sa Aigun.
Sa sityong ito itinatag ang nayon ng Permskoye (Пе́рмское) noong 1860, ng mga nandayuhang magbubukid buhat sa ngayo'y Perm Krai.
Inihayag ng pamahalaan ng SFSR ng Rusya noong 1931 ang mga panukala na magatatayo ng isang pagawaan ng barko sa Ilog Amur sa kasalukuyang kinatatayuan ng lungsod. Nagsimula ang pagtatayo noong 1932. Malakihang itinayo ang lungsod gamit ang kusang paggawa mula sa Komunistang samahan ng kabataan na Komsomol, kaya mula rito nanggaling ang pangalang Komsomolsk. Ngunit tinulungan ang pagtatayo nito kalakip ng paggawang penal mula sa mga kampong bilangguan sa lugar.[10] Idinagdag ang unlaping na-Amure upang ikaiba ito sa iba pang mga pook sa Rusya na may kaparehong pangalan, tulad ng Komsomolsk ng Ivanovo Oblast. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong 1933.
Pagsapit ng katapusan ng dekada-1930, nakompleto na ang mga pagawaan ng barko kasama ang mga pasilidad para sa ibang mabigat na industriya. Umusbong ang lungsod upang maging sentrong panrehiyon ng mga industriya tulad ng paggawa ng sasakyang panghimpapawid, metalurhiya, makinarya, pagdadalisay ng langis, at paggawa ng barko. Kasalukuyang pangunahing sentro ang Komsomolsk-na-Amure para sa paggawa ng pangmilitar na sasakyang panghimpapawid na Sukhoi at ng Sukhoi Superjet airliner.[11] Kapuwang ginawa sa lungsod ang mga MiG-15bi [12] at ang Lisunov Li-2.[13]
Heograpiya
baguhinUmaabot ang lungsod at mga naik nito nang higit sa 30 kilometro (19 milya) sa kahabaan ng kaliwang pampang ng Ilog Amur. Ang ilog sa puntong ito ay may lawak na 2.5 kilometro (1.6 milya).
Ang distansiya ng Komsomolsk-na-Amure sa Khabarovsk—ang sentrong pampangasiwaan ng krai—ay 356 kilometro (221 milya). Ang distansiya naman ng lungsod sa Karagatang Pasipiko ay mga 300 kilometro (190 milya). Nasa 45 kilometro (28 milya) timog nito ang Amursk, ang pinakamalapit na pangunahing lungsod.
Nasa humigit-kumulang 6,300 kilometro (3,900 milya) silangan ng Moscow ang Komsomolsk-na-Amure, at ito ay nasa silangang dulo ng Daambakal ng BAM.
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1989 | 315,325 | — |
2002 | 281,035 | −10.9% |
2010 | 263,906 | −6.1% |
Senso 2010: [3]; Senso 2002: [14]; Senso 1989: [15] |
Klima
baguhinAng Komsomolsk-na-Amure ay may mahalumigmig na klimang pangkontinente (Köppen Dfb). Karaniwang pumapalit ang temperatura sa lungsod nang higit sa 56 °C (100.8 °F) sa loob ng isang taon, kalakip ng pang-araw-araw na katamtamang −24.7 °C (−12.5 °F) kapag Enero, kompara sa +20.3 °C (68.5 °F) kapag Hulyo.
Datos ng klima para sa Komsomolsk-na-Amure | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 0.7 (33.3) |
0.0 (32) |
13.6 (56.5) |
23.9 (75) |
31.0 (87.8) |
33.2 (91.8) |
36.2 (97.2) |
38.0 (100.4) |
30.0 (86) |
20.5 (68.9) |
8.3 (46.9) |
1.0 (33.8) |
38.0 (100.4) |
Katamtamang taas °S (°P) | −19.6 (−3.3) |
−13.9 (7) |
−4.0 (24.8) |
7.5 (45.5) |
16.1 (61) |
22.8 (73) |
25.1 (77.2) |
23.4 (74.1) |
17.1 (62.8) |
7.4 (45.3) |
−6.4 (20.5) |
−17.2 (1) |
4.6 (40.3) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −24.7 (−12.5) |
−19.8 (−3.6) |
−9.5 (14.9) |
2.3 (36.1) |
10.4 (50.7) |
17.3 (63.1) |
20.3 (68.5) |
18.5 (65.3) |
11.9 (53.4) |
2.5 (36.5) |
−10.5 (13.1) |
−21.8 (−7.2) |
−0.6 (30.9) |
Katamtamang baba °S (°P) | −30.8 (−23.4) |
−27.2 (−17) |
−17.1 (1.2) |
−3.4 (25.9) |
3.7 (38.7) |
10.8 (51.4) |
15.2 (59.4) |
13.5 (56.3) |
6.4 (43.5) |
−2.9 (26.8) |
−16.1 (3) |
−27.4 (−17.3) |
−6.6 (20.1) |
Sukdulang baba °S (°P) | −47.0 (−52.6) |
−42.0 (−43.6) |
−33.9 (−29) |
−20.8 (−5.4) |
−7.5 (18.5) |
−2.2 (28) |
0.0 (32) |
−8.9 (16) |
−6.0 (21.2) |
−22.0 (−7.6) |
−34.0 (−29.2) |
−42.0 (−43.6) |
−47.0 (−52.6) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 30 (1.18) |
19 (0.75) |
30 (1.18) |
43 (1.69) |
63 (2.48) |
65 (2.56) |
95 (3.74) |
110 (4.33) |
74 (2.91) |
62 (2.44) |
49 (1.93) |
32 (1.26) |
669 (26.34) |
Araw ng katamtamang presipitasyon | 14 | 12 | 13 | 15 | 15 | 13 | 15 | 14 | 14 | 13 | 16 | 15 | 169 |
Araw ng katamtamang pag-ulan | 0 | 0 | 1 | 7 | 14 | 13 | 15 | 14 | 14 | 8 | 1 | 0 | 87 |
Araw ng katamtamang pag-niyebe | 14 | 12 | 13 | 11 | 3 | 0 | 0 | 0 | 0 | 8 | 15 | 15 | 91 |
Sanggunian #1: climatebase.ru[16] | |||||||||||||
Sanggunian #2: Weatherbase[17] |
Ekonomiya at impraestruktura
baguhinAng Komsomolsk-na-Amure ay isang mahalagang sentrong pang-industriya ng Khabarovsk Krai at ng Malayong Silangang Rusya.[18] Mayroon itong samu't-saring ekonomiya kung saang nangunguna ang paggawa ng makinarya, metalurhiya at mga negosyo ng kahoy.[19]
Ang pinakakilalang kompanya ng lungsod ay ang Komsomolsk-na-Amure Aircraft Production Association, ang pinakamalaking negosyo sa paggawa ng mga sasakyang panghimpapawid sa Rusya. Kabilang ito sa pinakamatagumpay na mga negosyo sa Khabarovsk Krai, at sa ilang taon ay ang pinakamalaking mamumuwis ng teritoryo.[20] Nakagawa ito ng daan-daang mga pansibilyan na sasakyang panghimpapawid at libu-libong mga iba't-ibang pangmilitar na sasakyang panghimpapawid.[21] Napakahalaga ang kompanya sa ekonomiya ng lungsod, at nagaambag ito ng 45% sa lahat ng mga kabayaran sa lokal na badyet.[20]
Nakahimpil din sa lungsod ang Amur Shipbuilding Plant, isang mahalagang prodyuser ng mga barko at submarino.[22]
Nasa lungsod ang pinakasilangang estasyong telemetry at pagsubaybay ng GLONASS.
Matatagpuan malapit sa lungsod ang dalawang mga baseng panghimpapawid, Khurba sa timog at Dzemgi sa hilaga.
Isang mahalagang tagpuan ng daambakal sa Pangunahing linya ng Baikal-Amur at sa linyang daambakal ng Komsomolsk-Dezhnyovka ang estasyong daangbakal ng Komsomolsk-na-Amure.
Pinaglilingkuran ng Paliparan ng Komsomolsk-na-Amure ang lungsod.
Kabilang sa pampublikong transportasyon sa lungsod ang limang mga rutang trambiya, bus, at nakatakdang-taksi (marshrutka).
Mga ugnayang pandaigdig
baguhinMga kambal at kapatid na lungsod
baguhinMagkakambal ang Komsomolsk-na-Amure sa:[23]
Mga sanggunian
baguhinTalababa
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Resolution #143-pr
- ↑ "Результат запроса". www.gks.ru. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 24, 2013. Nakuha noong Nobyembre 1, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Государственный комитет Российской Федерации по статистике. Комитет Российской Федерации по стандартизации, метрологии и сертификации. №ОК 019-95 1 января 1997 г. «Общероссийский классификатор объектов административно-территориального деления. Код 08 409», в ред. изменения №278/2015 от 1 января 2016 г.. (State Statistics Committee of the Russian Federation. Committee of the Russian Federation on Standardization, Metrology, and Certification. #OK 019-95 January 1, 1997 Russian Classification of Objects of Administrative Division (OKATO). Code 08 409, as amended by the Amendment #278/2015 of January 1, 2016. ).
- ↑ Государственный комитет Российской Федерации по статистике. Комитет Российской Федерации по стандартизации, метрологии и сертификации. №ОК 019-95 1 января 1997 г. «Общероссийский классификатор объектов административно-территориального деления. Код 08 220», в ред. изменения №278/2015 от 1 января 2016 г.. (State Statistics Committee of the Russian Federation. Committee of the Russian Federation on Standardization, Metrology, and Certification. #OK 019-95 January 1, 1997 Russian Classification of Objects of Administrative Division (OKATO). Code 08 220, as amended by the Amendment #278/2015 of January 1, 2016. ).
- ↑ 6.0 6.1 Law #192
- ↑ Law #264
- ↑ "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
- ↑ Aleksander Solzhenitsyn, The Gulag Archipelago: 1918-1956, 592-593
- ↑ "Team.Aero - Sukhoi Rolls Out Superjet 100 in Aeroflot Livery". Team.Aero. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 7, 2017. Nakuha noong Nobyembre 1, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What was the yearly number of MiG-15's produced?". aviation.stackexchange.com. Nakuha noong Nobyembre 1, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.oldwings.nl/st/li2.pdf
- ↑ Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso).
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "climatebase.ru (1948-2011)". Nakuha noong Abril 28, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Weatherbase: Historical Weather for Komsomolsk-on-Amur, Russia". Weatherbase. 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-11. Nakuha noong 2019-06-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Retrieved on November 24, 2011. - ↑ Komsomolsk-on-Amur city Naka-arkibo August 12, 2009, sa Wayback Machine.
- ↑ "Komsomolsk-on-Amur Regional Overview". Nakuha noong Nobyembre 1, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 20.0 20.1 Pike, John. "KNAAPO Komsomolsk na Amure Aviation Industrial Association named after Gagarin - Russian". www.globalsecurity.org. Nakuha noong Nobyembre 1, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Page not found". www.uacrussia.ru. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 31, 2009. Nakuha noong Nobyembre 1, 2017.
{{cite web}}
: Cite uses generic title (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sputnik. "Crew member 'tampered with temperature sensor on Nerpa sub'". en.rian.ru. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 11, 2012. Nakuha noong Nobyembre 1, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Комсомольск-на-Амуре стал лидером по производству наукоемкой продукции". Oktubre 24, 2008. Nakuha noong Nobyembre 1, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga pinagkunan
baguhinMga kawing panlabas
baguhinGabay panlakbay sa Komsomolsk-na-Amure mula sa Wikivoyage