Lindol sa Luzon (1990)
Nangyari ang Lindol sa Luzon sa Pilipinas noong 1990 noong Lunes, Hulyo 16, 1990 nang 4:26 PM, lokal na oras sa Pilipinas. Luzon ang higit na naapektuhan ng 7.7 na lakas ng lindol. Lumikha ito ng 125-kilometrong durog na daanan simula sa Dingalan, Aurora hanggang Kayapa, Nueva Ecija.[3]
UTC time | 1990-07-16 07:26:36 |
---|---|
Petsa * | 16 Hulyo 1990 |
Oras ng simula * | 16:26 local time |
Magnitud | 7.7 Mw |
Lalim | 25.1 km (15.6 mi) |
Lokasyon ng episentro | 15°40′44″N 121°10′19″E / 15.679°N 121.172°E |
Uri | Strike-slip[1] |
Apektadong bansa o rehiyon | Central Luzon National Capital Region Bicol Region Philippines |
Pinakamalakas na intensidad | IX (Violent)[2] |
Tsunami | eastern seaboard of Luzon |
Nasalanta | 1,621 |
* Deprecated | See documentation. |
Ito ang pinaka malalang lindol na nangyari sa buong kasaysayan ng Pilipinas at nadaigan ang lindol sa Casiguran noong 1968 at umapekto sa halos lahat ng parte ng Luzon at ang pinaka maraming nasawi at nasirang ari-arian.
Lakas ng epekto
baguhinAng lindol ay umapekto sa Luzon ng 20,000 na lawak ng lupain (Ingles: 20,000 Square Meters). Umapekto ang lindol hanggang sa kabundukan ng Cordillera. Mahigit isang libo at limandaan ang nasawi.
Baguio
baguhinAng Lungsod ng Baguio ay isang destinasyon para sa mga turista, isa sa pinaka-malakas na tinamaan ng lindol. Mahigit isang libo ang nasawi, at isang daang libo ang nawalan ng tirahan. Karamihan ng nasira ay mga hotel, kung saan daang-daang tao ang nalibing ng buhay at nasawi. Libo-libong bahay ang nasira at terible ang pagkabitak ng mga daan. Ang Kennon Road, isa sa mga daang Maynila-Baguio ay ipinasara nang nagkaroon ng pagguho ng lupa (Ingles: Landslide).
Pagkatapos ng dalawang araw, walang nakalabas at nakapasok sa Lungsod ng Baguio at kumonti ang pagkain at nagkagulo ang mga tao. Kuryente, Pagkain, Telepono, at Tubig ay hindi na natatangap ng naturing lungsod. Ang mga ospital ay nasira na nagdulot ng muling paghahanap ng lugar kung saan gagamutin ang libo-libong tao. May konti pang pagyanig ang naranasan kaya napilitan ang karamihang tao na gumawa muna ng artipisyal na bahay sa mga lugar sa Lungsod ng Baguio na bukas.
Pagkalipas ng tatlong araw, may isang daan na binuksan para maghatid ng gamot at pagkain. [4]
Kalakhang Maynila
baguhinNung umabot ang lindol sa Kalakhang Maynila, maraming estudyante ang nasa iskwela at gumuho ang mga ito, halos nasa libo ang namatay sa Maynila. Bilyon ang halaga ng mga nasira at nagbitak-bitak ang mga daanan. Pagkatapos ng ilang araw ay nahukay na ang mga taong natabunan. Sa iba't ibang lugar ay nagkaroon ng iba't ibang balita tungkol sa mga nasawi.
Cabanatuan, Nueva Ecija
baguhinIsang lungsod na may mga konkretong gusali. Nilindol 'to ng malakas ngunit isang gusali lang ang naapektohan at gumuho ang Philippine Christian College at pumatay ng 274 na mag-aaral kabilang ang ilang guro. Karamihan ng aksidente ay nangyari sa kalsada. Marami sa mga patay ay nalaman naubusan ng hangin at dehydrated dahil di kaagad nakuha ng takdang oras.[5]
Dagupan, Pangasinan
baguhinSa Lungsod ng Dagupan, halos 90 gusali ang nasira at 20 ang gumuho. Dahil itong Lungsod ng Dagupan ay nasa gilid ng pampang, lumubog ang mga bahay at gusali. 1 ang namatay at nagkaroon pa ng Stampede sa isang unibersidad at sinehan kaya marami ang na sugatan.
La Union
baguhinLimang bayan ang naapektohan sa lindol, ito ay ang Agoo, Aringay, Caba, Santo Tomas, at Tubao na may populasyon 132,208 pag pinag salo-salo. Maraming bahay at mga puno ang nasira. Mahigit 100,000 pamilya ang nawalan ng tirahan nung lumubog ang dalawang bayan sa tubig. Marami ang sugatan at 32 ang nasawi.
Base sa pangunahing imbestigasyon, at galaw ng tao ang unang umapekto sa ginawa nila nung nagkaroon mismo ng lindol sa labas man o sa loob ng mga bahay at gusali. Para sa mga taong nasa loob ng gusali sa pang-pitong palapag o higit pa ay may malaking tiyansa sa masaktan. Sa mga taong nasaloob ng koncretong gusali o mabakal ay mas malaki ang tiyansang masaktan o masawi kesa sa mga gusaling gawa sa kahoy. Sa mga tao naman na nasataas ng maramihang palapag na gusali, ang pinaka-malaking tiyansang masawi lalo na kapag inaasahang gumuho ang naturing gusali.[6]
Epekto ng Lindol
baguhinMalaki ang nasira sa isla ng Luzon. Ang mga pangunahin attraksyon na bundok sa Lungsod ng Baguio. Malaking porsyento ang nawasak dito at gumuho ang mga gusali na kalapit. Dahil bawal pumasok ang tren, kotse o anuman transportasyon sa Lungsod ng Baguio, ang pagbigay ng tulong ang pinaka-mahirap gawin. Mas nakalala pa ang pag-ulan ng malakas sa naturing lungsod. Mga Rescue Teams na galing sa ibang bansa ay dumating na sa Kalakhang Maynila at kung saan man sa Luzon ay tumulong para maiwasan ang pag-dami ng mga nasawi at nakuha na ang mga estudyante na natabunan ng buhay sa iba't ibang parte ng Luzon. Ang mga sugatan naman na di maaring operahan sa lugar na naapektohan ng lindol ay inilipat at pinadala sa mga ospital sa Kalakhang Maynila.
Pagkatapos at Pagbangon
baguhinPagkatapos ng ilang taon ay sumikat muli ang Lungsod ng Baguio. Ang lupang ginuhuan ng Hyatt Regency Hotel ay hindi ginalaw. Isa sa mga nailigtas ay si Sonia Roco, ang asawa ng yumaong Senador Raul Roco na sinabing nabuhay lamang siya sa tubig. Nasawi sa naturang lindol si Alice Laya, asawa ng dating Ministro sa Pagbabadyet at Pamamahala ng administrasyong Marcos na si Jaime C. Laya.[7]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ USGS (Setyembre 4, 2009), PAGER-CAT Earthquake Catalog, Version 2008_06.1, United States Geological Survey
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ National Geophysical Data Center / World Data Service (NGDC/WDS), Significant Earthquake Database, National Geophysical Data Center, NOAA, doi:10.7289/V5TD9V7K
- ↑ phivocs.dost.gov.ph 1990 Lindol sa Luzon, Pilipinas Naka-arkibo 2011-08-15 sa Wayback Machine.
- ↑ CDC.Gov Kaalaman tungkol sa lindol.
- ↑ Ang teribleng pangyayari sa Pilipinas, nangyari ngayong Hunyo 17, 1990
- ↑ Earthquake disaster - Luzon, Philippines
- ↑ Mga nakaligtas makalipas ang 17 taon ng lindol sa Luzon ng Hunyo 19, 1990, Malaya News, Hulyo 17, 2007, inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-30, nakuha noong 2008-05-09
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)