Herusalem

makasaysayang lungsod sa Gitnang Silangan
(Idinirekta mula sa Lupaing Banal)

Ang Herusalem ay isang lungsod sa Gitnang Silangan, na matatagpuan sa talampas ng bulubundukin ng Hudea, sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Patay. Isa ito sa pinakamatandang lungsod sa buong mundo, at itinuturing banal ayon sa tatlong pangunahing relihiyong AbraamikoHudaismo, Kristiyanismo at Islam. Parehong inaangkin ng Israel at ng Pambansang Awtoridad ng mga Palestino ang Herusalem bilang kabisera. Lahat ng punong tanggapan ng bansang Israel ay nasa lungsod, samantalang nakikita ng Pambansang Awtoridad ng mga Palestino ang Herusalem bilang luklukan ng kapangyarihan ng kanilang pamahalaan. Ngunit, hindi kinikilala ang pahayag ng dalawang bansa ukol sa lungsod ng iba pang mga bansa.[9]

Herusalem

Lungsod
Mula sa itaas-kaliwa: Tanawin ng Herusalem mula sa Monasteryong Mar Elias, isang souq sa Sinaunang Lungsod, Liwasang Mamilla, ang Knesset, ang Simboryo ng Bato, ang kuta (kilala bilang Torre ni David) at ang mga Sinaunang Pader, at ang Pader sa Kanluran.
Mula sa itaas-kaliwa: Tanawin ng Herusalem mula sa Monasteryong Mar Elias, isang souq sa Sinaunang Lungsod, Liwasang Mamilla, ang Knesset, ang Simboryo ng Bato, ang kuta (kilala bilang Torre ni David) at ang mga Sinaunang Pader, at ang Pader sa Kanluran.
Bandera ng Herusalem
Watawat
Eskudo de armas ng Herusalem
Eskudo de armas
Palayaw: 
Ir ha-Kodesh (Ang Banal na Lungsod),
Bayt al-Maqdis (Tahanan ng Kabanal-banalan)
Lokasyon ng Jerusalem
Lokasyon ng Jerusalem
Herusalem
Mga koordinado: 31°47′N 35°13′E / 31.783°N 35.217°E / 31.783; 35.217
Pinangangasiwaan ng Israel
Inaangkin ngIsrael and Palestina[note 1]
Distrito ng IsraelPadron:Country data Jerusalem District
Gobernador ng mga PalisteoHerusalem
Bukal ng Gihon3000-2800 BCE
Lungsod ni Davidc. 1000 BCE
Ginawa ang kasalukuyang pader ng Sinaunang Lungsod1541
Hating Silangan-Kanluran ng Herusalem1948
Pagkakaisa1967
Batas Herusalem1980
Pamahalaan
 • UriAlkalde-Konseho
 • KonsehoMunisipalidad ng Herusalem
 • Alkaldeng IsraeliMoshe Lion (Likud)
 • Alkaldeng Palesteo (Silangan)Zaki al-Ghul (titulo lamang)
Lawak
 • Lungsod125,156 dunams (125.156 km2 or 48.323 milya kuwadrado)
 • Metro
652,000 dunams (652 km2 or 252 milya kuwadrado)
Taas
754 m (2,474 tal)
Populasyon
 (2015)[5]
 • Lungsod865,721
 • Kapal6,900/km2 (18,000/milya kuwadrado)
 • Metro1,253,900
mga demonymJerusalemite (Yerushalmi)
Qudsi/Maqdisi
Demograpiko (2016)
 • Mga Hudyo64%
 • Mga Arabo35%
 • iba pa1%
Sona ng orasUTC+02:00 (IST, PST)
 • Tag-init (DST)UTC+03:00 (IDT, PDT)
Kodigong koreo
9XXXXXX
Kodigong pantawag+972-2
HDI (2017)0.704[8]mataas
Websaytjerusalem.muni.il

Ayon sa Bibliya, sinakop ni Haring David ang lungsod mula sa Hebusito at itinatag ito bilang kabisera ng Kaharian ng Israel, at ang kanyang anak na si Salomon, ang nagpaggawa ng Unang Templo.

Kasaysayan

baguhin

Ang Sinaunang Herusalem ay ang pinakamahalagang lungsod sa loob ng Sinaunang Israel. Sa kapanahunan ng Bibliya, ito ang kapital o kabisera at pook na pinagtayuan ng templo ng Diyos. Tinatawag din ang Sinaunang Herusalem bilang Jebus o Hebus[10], Zion o Sion, Lungsod ni David, at Lungsod ng Diyos.[11] Katulad din ng dahilan pagkakaroon ng iba't ibang pangalan ng marami pang ibang mga makabagong lungsod sa kasalukuyan ang dahilan kung bakit marami ring naging pangalan ang Sinaunang Herusalem. Nagmula ang mga tawag dito buhat sa iba't ibang mga kapanahunan sa kasaysayan, partikular na mga katangian ng lungsod, o mga pangyayari sa lungsod. Noong Panahon ng mga Hukom, tinawag na Jebus o Hebus ang lungsod ng Herusalem dahil nasa ilalim ito ng kapangyarihan ng mga Jebuseo (o Hebuseo; mga Jebusite sa Ingles). Kaugnay ng katawagang Sion o Zion, dating isa lamang itong pangalan ng isang tagaytay o gulod na malapit sa Lambak ng Kidron ng Herusalem, ngunit lumaong naging kasingkahulugan na ng buong Lungsod ng Herusalem. Naging bantog ang bansag na Lungsod ni David noong panahon ni Haring David at maging pagkaraan ng kapanahunan ng paghahari niya.[10] Sa Bibliya, tinatawag din ang Sinaunang Herusalem bilang Lungsod na Mahal.[12]

Administrasyong munisipal

baguhin

Ang panlungsod na konseho ng Herusalem ay binubuo ng 31 binotong mga kasapi at pinamumunuan ng alkalde, na naglilingkod ng limang taon at nagtatalaga ng walong kinatawan. Ang mga kasapi sa panlungsod na konseho ay boluntaryo ang pagtatrabaho at walang natatanggap na suweldo. Ang pinakamatagal na namuno bilang alkalde ng Herusalem ay si Teddy Kollek, na namuno ng 28 taon (anim na magkakasunod na termino).

Kabuluhang panrelihiyon

baguhin

Ang Herusalem ay sagrado sa Hudaismo sa loob ng 3,000 taon, sa Kristiyanismo ng 2,000 taon, at sa Islam ng 1,400 taon.


Mga sanggunian

baguhin
  1. 2003 Amended Basic Law. Saligang Batas ng Palestina. Hinango noong ika-9 ng Disyembre, 2012.
  2. "Jerusalem Non-Paper" (PDF). PLO-NAD. Hunyo 2010. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 6 Pebrero 2012. Nakuha noong 25 Hulyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Statements and Speeches". nad-plo.org. p. 2. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Abril 2016. Nakuha noong 25 Nobyembre 2014. This paper is for discussion purposes only. Nothing is agreed until everything is agreed.

    Palestinian vision for Jerusalem
    ...
    Pursuant to our vision, East Jerusalem, as defined by its pre-1967 occupation municipal borders, shall be the capital of Palestine, and West Jerusalem shall be the capital of Israel, with each state enjoying full sovereignty over its respective part of the city.
    {{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "East Jerusalem today – Palestine's Capital: The 1967 border in Jerusalem and Israel's illegal policies on the ground" (PDF). PLO-Negotiations Affairs Department (NAD). Agosto 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 25 Nobyembre 2014. ... Palestine's capital, East Jerusalem ... The Palestinian acceptance of the 1967 border, which includes East Jerusalem, is a painful compromise: ... Jerusalem has always been and remains the political, administrative and spiritual heart of Palestine. Occupied East Jerusalem is the natural socio-economic and political center for the future Palestinian state.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "List of localities, in Alphabetical order" (PDF). Israel Central Bureau of Statistics. Nakuha noong 16 Oktubre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Localities, Population and Density per Sq. Km., by Metropolitan Area and Selected Localities". Israel Central Bureau of Statistics. 6 Setyembre 2017. Nakuha noong 19 Setyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Facts and Figures". jerusalem.muni.il. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Oktubre 2016. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Sub-national HDI. "Area Database". hdi.globaldatalab.org (sa wikang Ingles). Global Data Lab.
  9. Smith, William (6 Disyembre 2017). "Donald Trump confirms US will recognise Jerusalem as capital of Israel". Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Mayo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "Why are there so many names for Jerusalem  – Jebus, Zion, City of David?". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 54.
  11. The Committee on Bible Translation (1984). "Jerusalem'". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B5.
  12. Abriol, Jose C. (2000). "Lun(g)sod na mahal". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), paliwanag sa pahina 1812 kaugnay ng Pahayag 20: 9.
  1. Ang Estado ng Palestina (ayon sa Saligang Batas ng Palestina, Titulo Uno: Artikulo 3) ay itinuturing ang Herusalem bilang kabisera.[1] But the documents of the PLO's Negotiations Affairs Department (NAD) often refer to East Jerusalem (rather than the whole of Jerusalem) as a future capital, and sometimes as the current capital. One of its 2010 documents, described as "for discussion purposes only", says that Palestine has a '"vision"' for a future in which "East Jerusalem ... shall be the capital of Palestine, and West Jerusalem shall be the capital of Israel",[2][3] and one of its 2013 documents refers to "Palestine's capital, East Jerusalem", and states that "Occupied East Jerusalem is the natural socio-economic and political center for the future Palestinian state", while also stating that "Jerusalem has always been and remains the political, administrative and spiritual heart of Palestine" and that "The Palestinian acceptance of the 1967 border, which includes East Jerusalem, is a painful compromise".[4]