Rubia
Ang madder (mula sa Ingles) ay isang karaniwang katawagan para sa mga halamang kabilang sa sari ng Rubia ng pamilyang Rubiaceae. May mga 60 uri ang saring ito ng mga gumagapang na mga yerba at palumpong na katutubo sa Matandang Mundo, Aprika, Asya at Amerika. Higit na pinakakilala sa mga ito ang mga sumusnod: ang Rubia tinctorum (common madder), Rubia peregrina(wild madder) at ang madera ng Indiya (Rubia cordifolia, o Indian madder).
Madera | |
---|---|
Karaniwang madera (Rubia tinctorum), mula sa aklat na Flora von Deutschland, Österreich und der Schweiz (Mga Halaman ng Alemanya, Austria, at Switzerland) ni Otto Wilhelm Thomé, 1885. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Gentianales |
Pamilya: | Rubiaceae |
Tribo: | Rubieae |
Sari: | Rubia L. |
Mga uri | |
See text. |
Lumalaki ang Rubia tinctorum hanggang sa 1.5 metrong taas at 2-3 sentimetrong lapad. 5 hanggang 10 sentimetro ang haba ng mga laging-luntiang dahon, na may lapad namang 2 hanggang 3 sentimetro. Nabubuo ang mga hugis-bituing dahon sa paikot na paraan mula sa pinaka-puno ng sanga (mga 4 hanggang 7 bilang mula sa sanga). Gumagapang itong paakyat sa pamamagitan ng mga maliliit na mga kawit na nasa dahunan at mga sanga. Maliit ang mga bulaklak nito (3–5 mm pahalang), na may 5 talulot na kulay mapusyaw na dilaw. Lumilitaw ang makapal na kumpol ng bulaklak tuwing Hunyo hanggang Agosto, na nasusundan ng mga maliliit at mapupula o maiitim na bunga (4–6 mm ang diyametro). Umaabot hang isang metro sa haba ang mga ugat nito, na may kakapalang 12 milimetro, at napagkukunan ng pulang pangulay na kung tawagin ay maderang rosas. Namumuhay ito sa laging mamamasamasang lupang mayaman sa buhangin, putik, at nabubulok na mga organismo.
Ginagamit ang madera bilang pakain sa mga uod mula sa uri ng ilang Lepidoptera, kabilang ang Macroglossum stellatarum (Hummingbird hawk moth).
Mga uri
baguhin- Rubia akane
- Rubia alaica Pachom.
- Rubia angustifolia L.
- Rubia angustifolia ssp. angustifolia
- Rubia angustifolia ssp. caespitosa
- Rubia chinensis Regel & Maack
- Rubia chitralensis Ehrend.
- Rubia cordata Thunb
- Rubia cordifolia L. : Indian Madder
- Rubia cretacea Pojark.
- Rubia deserticola Pojark.
- Rubia dolichophylla Schrenk
- Rubia florida Boiss.
- Rubia fruticosa
- Rubia jesoensis (Miq.) Miyabe & Miyake
- Rubia komarovii Pojark.
- Rubia krascheninnikovii Pojark.
- Rubia laevissima Tscherneva
- Rubia laxiflora Gontsch.
- Rubia pavlovii Bajtenov & Myrz.
- Rubia peregrina L. : Wild Madder
- Rubia rechingeri Ehrend.
- Rubia regelii Pojark.
- Rubia rezniczenkoana Litv.
- Rubia rigidifolia Pojark.
- Rubia schugnanica B.Fedtsch. ex Pojark.
- Rubia sikkimensis Kurz
- Rubia syrticola Miq.
- Rubia tatarica (Trevir.) F.Schmidt
- Rubia tibetica Hook.f.
- Rubia tinctorum L. : Common Madder
- Rubia transcaucasica Grossh.
- Rubia yunnanensis (Franch. ex Diels) Diels
Mga gamit
baguhinNoon pa mang mga isinaunang panahon, ginagamit na ang madera para sa pagtitina ng mga katad, lana, at sutla. Para magamit na mga pangulay, inaani ang mga ugat nito sa unang taon mula nang itanim. Nagbibigay ng pangkaraniwang uri ng mga pantina ang panlabas at kayumangging balat nito, samantalang ang pang-ilalim na bahagi naman ay nagbibigay ng mas pinong uri ng tina. Pinahahawa sa tela ang tinta sa tulong ng alum, isang matapang at nakagagasgas na sustansiya. Maaari ring buruhin ang madera para mapagkunan ng kulay. Sa Pransiya, ang mga labi ng maderang napagkunan na ng pangulay para makalikha ng mga alak.
Naglalaman ang mga ugat ng madera ng asidong ruberthyrin. Sa pamamagitan ng pagpapatuyo, pagpapabulok o paglalagay ng mga asido sa Madera, nalilikha ang mga asukal na alisarin at purpurin. Likas na walang kulay ang purpurin, subalit nagiging pula kapag natunaw sa likidong may asido. Kapag nahaluan naman ng putik at nalagyan ng alum at amonya, naglalabas ito ng pangulay na matindi at maningning ang pagkapula, na kung tawagin ay “lawa ng Madera” (lake madder).
Matutunaw sa asidong sulpuriko ang mga pinulbos na mga ugat ng madera, na nag-iiwan ng mga tina (matapos patuyuin) na kung tawagin ay garance, ang katumbas ng pangalang madera sa wikang Pranses. Isa pang pamamaraan ng pagpaparami ng mga nakukuhang pangulay mula sa madera ang pagtunaw ng mga ugat sa asidong sulpuriko matapos gamiting pangulay ang mga ito, na nakakalikha ng isa pang tina na kung tawagin ay granceux. Kapag binabad naman ang mga ugat sa alkohol, lumalabas ang colorin, na naglalaman ng mas maraming alisarin (40 hanggang 50 beses ang kahigitan).
Ang pangalang pang-kimika ng pangulay na nakukuha sa madera ay alizarin, na kabilang sa grupong anthraquinone-group. Noong 1869, nakagawa ng artipisyal na alisarin sina Graebe at Liebermann, mga kimiko mula sa Alemanya. Dahil dito, bumaba ang bilang ng pagtatanim at pag-ani ng madera, sapagkat mula 1871 maramihan nang nalilikha ang di-likas na alisarin sa pamamagitan ng pamamaraan nina Graebe at Liebermann. Noong ika-20 dantaon, sa Pransiya na lamang nag-aalaga ng mga madera.
Mga sanggunian
baguhin- R. Chenciner, Madder red: a history of luxury and trade (Maderang pula: Kasaysayan ng Karangyaan at Kalakalan), nasa wikang Ingles, Richmond:2000.