Ang makaroni (Ingles: macaroni) ay isang uri ng tuyong pasta na gawa mula sa trigong durum (trigong makaroni, na nakikilala rin bilang durhum, Triticum durum o Triticum turgidum durum.[1] Sa karaniwan, ang mga luglog na makaroning hugis siko (Ingles: elbow macaroni noodle) ay hindi naglalaman ng mga itlog (bagaman ang mga ito ay maaaring maging isang sangkap na puwedeng ilagay) at karaniwang hinahati na ang mga hugis ay maiiksi at may butas na lumalagos mula sa magkabilang dulo ng mga ito; subalit, ang kataga ay hindi tumutukoy sa hugis ng pastang ito, bagkus ay sa uri ng masang pinaggawaan nito. Bagaman umiiral ang mga makinang pangtahanan na maaaring makagawa ng mga hugis ng makaroni, ang makaroni ay karaniwang ginagawa sa pabrika upang maikalakal. Ang hugis na pabalantok (baluktok, malantik, paliko, may kurba o kurbado) ay dulot ng iba't ibang mga tulin na nasa mga gilid ng tubo ng pasta habang lumalabas ito magmula sa makina. Ang pangalan nito ay hinango magmula sa Italyanong "maccheroni", subalit ang maccheroni ay ginagamit ng mga Italyano upang tukuyin ang anumang uri ng pasta, anuman ang maging hugis nito, tuwid man, parang tubo, dalawang mga pulgada ang haba o mas mahaba pang pasta. Ang isa pang pangalan, ang chifferi, ay ginagamit bilang pantukoy sa hugis sikong pasta na tinatalakay sa artikulong ito.

Makaroni
UriPasta
LugarItalya
Pangunahing SangkapTrigong durum

Alamat ng makaroni

baguhin

Ayon sa alamat, ang makaroni ay dinala ni Marco Polo sa Italya, na nagbalik sa Venice magmula sa Tsina noong 1292. Ang pagpapalagay na ito ay matagal nang napabulaanan, dahil tila ang makaroni ay ginagamit na sa Italya na hindi bababa sa isang daantaon na bago ang sinasabing pagbabalik ni Marco Polo mula sa kaniyang paglalakbay, katulad ng pasta sa pangkalahatan; Nasaksihan ni Muhammad al-Idrisi, isang heograpong nagmula sa Morocco na nanirahan sa Sicily, ang pagkakaroon na ng makaroni sa Sicily, partikular na ang sa Trabia.

Pinagmulan ng katawagan

baguhin

Tinatangkilik sa kasunduang pang-akademiya na ang salita ay nagmula sa Griyegong μακαρία (makaria),[2] isang uri ng sabaw na kaldo na gawa mula sa sebada na inihahain upang alalahanin ang mga namatay,[3][4][5][6][7][8][9][10][11] na nagmula naman sa salitang μάκαρες (makares), "patay na pinagpala", at ito ay nagmula naman sa μακάριος (makarios), na kaanak naman ng μάκαρ (makar), na nangangahulugang "pinagpala, masaya".[12] Ikinakatwiran naman ng Italyanong lingguwista na si G. Alessio na ang salita ay maaaring mayroong dalawang pinagmulan: una, mula sa Griyegong Midyebal na μακαρώνεια (makarōneia) "punebre, tugtog na para sa patay, panambitan" (na binanggit sa seksiyong XIII ni James ng Bulgaria), na ipapasa upang mangahulugan bilang "pagkain sa paglilibing" at pagkaraan bilang "pagkaing ihahain" sa panahon ng panunungkulang ito (tingnan ang pangkasalukuyang μαχαρωνιά - macharōnia na nasa Silangang Thrace, na may diwang "pagkain na gawa mula sa bigas na inihahain sa paglilibing"), na dahil sa kasong ito ang kataga ay magiging binubuo ng dalawang ugat ng μακάριος "pinagpala" at ng αἰωνίος (aiōnios), "nang walang hanggan",[13] at ang ikalawa ay mula sa Griyegong μακαρία "sabaw ng sebada", na maaaring nakapagpadagdag ng hulaping -one.[14]

Paggamit

baguhin

Sa Hilagang Amerika, ang makaroning kahugis ng nakabaluktot na siko ay karaniwang matatagpuan sa makaroni at keso na nasa estilong Amerikano. Ang makaroning kahugis ng siko" ay ginagamit din sa mga puding na may gatas (milk pudding), , na kahalintulad ng puding na may bigas (rice pudding), na tinatawag na puding na may makaroni (macaroni pudding).

Sa mga pook na mayroong malaking populasyon ng mga Intsik na bukas sa impluwensiya ng kulturang Kanluranin, na katulad ng Hong Kong, Macao, Malaysia at Singapore, ang mga Intsik sa mga lugar na ito ay inangkin ang makaroni bilang isang sangkap para sa mga lutuing Kanluranin na hinaluan ng estilong Intsik. Sa cha chaan teng (kainang Intsik) ng Hong Kong at kopi tiam ("kapihan") ng Timog-Silangang Asya ang makaroni ay niluluto sa tubig at pagkaraan ay hinuhugasan upang matanggal ang harina, at inihahain na nasa loob ng malinaw na sabaw at mayroong kahalong mga piraso ng hamon o mga hotdog, mga gisantes o mga kagyus (kagyos), mga kabuteng shiitake (maiitim na mga kabute), at maaaring mayroon ding mga hiwa o buong itlog, na nakapagpapaalala ng mga sabaw na may luglog. Madalas itong inihahain bilang pang-almusal o magaang na pananghalian.[15]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Taxon". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-11. Nakuha noong 2012-12-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. μακαρία, (kahulugan bilang III), Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, na nasa Perseus Digital Library
  3. Macaroni Naka-arkibo 2020-03-13 sa Wayback Machine., na nasa Compact Oxford English Dictionary
  4. Macaroni, Online Etymology Dictionary
  5. Macaroni, na nasa Webster's New World College Dictionary
  6. Andrew Dalby, Food in the Ancient World from A to Z, Routledge, 2003, on Google books
  7. Reader's Digest Oxford Complete Wordfinder
  8. Dhirendra Verma, Word Origins, on Google books
  9. Mario Pei, The story of language, p.223
  10. William Grimes, Eating your words, Oxford University Press, na nasa Google books
  11. Mark Morton, Cupboard Love: A Dictionary of Culinary Curiosities, na nasa Google books
  12. μάκαρ, Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, na nasa Perseus
  13. αἰωνίος, Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, na nasa Perseus
  14. G. Alessio, "Atti dell'Accademia Pontaniana", t. 8, 1958-59, pp. 261-280
  15. AP, Explore the world of Canto-Western cuisine, 8 Enero 2007