Macau

(Idinirekta mula sa Macao)

Ang Macau o Macao ( /məˈk/; 澳門 Kantones: [ōu.mǔːn]; Portuges: Macau [mɐˈkaw]), opisyal na Natatanging Rehiyong Pampangasiwaan ng Macau (Ingles: Macau Special Administrative Region) ay isa sa dalawang espesyal na mga administratibong rehiyon ng Tsina; ang isa pa ay ang Hong Kong. Matatagpuan ito sa kanlurang bahagi ng bunganga ng Ilog Perlas sa timugang Tsina. Ito ang rehiyon na may pinakamataas na densidad ng populasyon sa buong mundo, na may populasyon ng 653,100[5] at sukat ng 32.9 km2 (12.7 mi kuw).


Natatanging Pampangasiwaang Rehiyon ng Macau ng Republikang Bayan ng Tsina
Tsino:中華人民共和國澳門特別行政區
Portugues:Região Administrativa Especial de Macau da República Popular da China
Watawat ng Macau
Watawat
Emblem ng Macau
Emblem
Awiting Pambansa: "Martsa ng mga Boluntaryo"
義勇軍進行曲
Yihyúhnggwān Jeunhàhngkūk
Marcha dos Voluntários
Bulaklak ng lungsod:
Nelumbo nucifera
蓮花
Lìhnfà
lótus, flor-de-lótus, loto-índico, lótus-índico
Location of Macau
Location of Macau
Wikang opisyalTsino (Kantones), Portuges[1]
KatawaganMacanes
Pamahalaan
Ho Iat Seng
Pagkabuo
• Portugal-administered trading post
1557
• Kolonyang Portuges
1 Disyembre 1887
20 Disyembre 1999
Lawak
• Kabuuan
29.2 km2 (11.3 mi kuw) (hindi nahanay)
• Katubigan (%)
0
Populasyon
• Pagtataya sa 2017
667,400[2] (ika-167)
• Senso ng 2001
435,235
• Densidad
21,340/km2 (55,270.3/mi kuw) (una)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2019
• Kabuuan
$77.360 bilyon[3] (ika-95)
• Bawat kapita
Increase $115,913[3] (ika-2)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2019[3]
• Kabuuan
Increase $54.545 bilyon[3] (ika-83)
• Bawat kapita
Increase $81,728[3]
TKP (2017)0.914[a]
napakataas · ika-17
SalapiMacanese pataca (MOP)
Sona ng orasUTC+8
Kodigong pantelepono853
Kodigo sa ISO 3166MO
Internet TLD.mo
Macau
"Macau" sa Tradisyonal (tuktok) at Pinasimple (ilalim) na mga character na Tsino
Pangalang Tsino
Tradisyunal na Tsino澳門
Pinapayak na Tsino澳门
Kahulugang literalGate ng Bay
Natatanging Pampangasiwaang Rehiyon ng Macau
Tradisyunal na Tsino澳門特別行政區 (o 澳門特區)
Pinapayak na Tsino澳门特别行政区 (o 澳门特区)
Pangalang Portuges
PortugesRegião Administrativa Especial de Macau

Ang Macau ay dating kolonya ng Imperyong Portuges, pagkatapos na ipinaarkila ng dinastiyang Ming bilang isang lugar ng kalakalan noong 1557. Pinamamahalaan ng Portugal ang pook sa ilalim ng awtoridad at soberanya ng Tsina hanggang 1887, noong ibingay ang patuloy na karapatang mamahala sa Macau. Nanatili ang kontrol ng Portuges sa kolonya hanggang 1999, kung kailan ibinalik nila ito sa Tsina. Bilang espesyal na administratibong rehiyon, hiwalay ang sistema ng gobyerno ng Macau sa gobyerno ng kalupaang Tsina.[6]

Isang koleksyon ng mga babaying kapuluan na may kaunting populasyon dati,[7] ang teritoryo ay naging isang pangunahing lungsod ng bakasyunan at ang nangungunang destinasyon ng turismong pagsusugal. Ito ang ika-9 na pinakamataas na tagatanggap ng kitambayang turismo at mas malaki nang pitong beses ang kanyang industriya ng paglalaro kaysa sa Las Vegas.[8] Kahit na ang lungsod ay may isa sa mga pinakamataas na kita para sa bawat ulo sa sandaigdigan, mayroon itong malubhang hindi pagkakapantay-pantay ng kita.[9]

Napakataas ang Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao ng Macau[4] at ito ang may ikaapat na pinakamataas na ekspektasyon ng buhay sa buong mundo.[10] Napakaurbanisado ang teritoryo at karamihan ng kanyang ari-arian ay nakatayo sa lupang tinambak; dalawang-katlo ng buong lupain ay tinambak at galing sa dagat.[11]

Etimolohiya

baguhin

Ang unang kilalang rekord ng pangalan "Macau" na naisalin bilang "Ya/A Ma Gang" ("亞/阿-媽/馬-港") ay nasa isang liham na napetsahang 20 Nobyembre 1555. Pinaniwalaan ng mga lokal na nananahanan na pinagpala at pinrotektahan ng diyosa ng dagat na si Mazu (na tinatawag ding A-Ma) ang daungan at ipinangalan ang mga tubig sa paligid ng templong A-Ma sa kanya.[12] Noong dumating ang mga Portuges na manggagalugad sa pook at tinanong ang pangalan ng lugar, akala ng mga lokal na ang templo ang pinagtatanong nila at sinabi nila na "Ma Kok" (媽閣) ito.[13] Amaquão ang pinakamaagang pagbabaybay nito ng Portuges. Iba't ibang baryasyon ang ginamit hanggang naging karaniwan ang Amacão / Amacao at Macão / Macao noong ika-17 siglo, dahan-dahang naging pamantayan ang Macao, at Macau ngayon.[12]

Iba't iba ang mga pangalan ng Tangway ng Macau sa Tsino, kabilang ang Jing'ao (井澳/鏡澳), Haojing (濠鏡), at Haojing'ao (濠鏡澳).[12][14] Sama-samang itinawag na Shizimen (十字門) ang tatlong pulong Taipa, Coloane, at Hengqin. Naging Aomen (澳門) ang mga pangalang ito sa pagdaka, Oumún sa Kantones na may kahulugang "tarangkahan ng baya" o "tarangkahan ng daungan", na tumutukoy sa buong teritoryo.[14]

Kasaysayan

baguhin

Ayon sa mga tuklas ng arkeolohiya, mayroong mga pamayanang pantao sa rehiyon noong mga anim na libong taon na ang nakalipas. Pormal na naging bahagi ang Macau ng Tsina mula noong dinastiyang Qin (221 BK hanggang 207 BK).

Unang nakilalang pinagtirahan ang rehiyon noong dinastiyang Han.[15] Gayunpaman, hindi lumago ang Macau bilang malaking pamayanan hanggang dumating ang mga Portuges noong ika-16 na siglo. Ang unang Europeong bisita na dumating sa Tsina sa pamamagitan ng dagat si Jorge Álvares, isang eksplorador na dumating sa 1513.[16] Unang itinayo ng mga mangangalakal ang istasyon ng pangangalakal sa mga tubig ng Hong Kong sa Tamão (Tuen Mun sa kasalukuyan), na nagpasimula ng palagiang pakikipagkalakal sa mga pamayanan sa timugang Tsina.[16] Sumunod sa pagpapalayas ng mga mangangalakal ng Tamão noong 1521 ang labanang militar ng mga hukbong-dagat ng Ming at Portuges.[17] Sa kabila ng pagbabawal sa kalakal, patuloy na tinangka ng mga negosyanteng Portuges ang pagbebenta sa iba pang bahagi ng bunganga ng Ilog Perlas, at sa huli ay lumapag sa Macau.[17] Muling ibinalik ang pakikipagkalakalang Luso-Tsino noong 1554 at kalaunang tinamo ng mga Portuges ang permanenteng pag-upa para sa Macau noong 1557,[18] nang sumang-ayong magbayad ng 500 tael ng pilak bilang taunang upa ng lupa.[19]

Mabilis na naging mataong lungsod ang dati-rating maliit na populasyon ng mga Portuges na mangangalakal.[20] Binuo ang Katolika Romanang Diyosesis ng Macau noong 1576, at noong pagsapit ng 1583, itinayo ang Senado upang pangasiwaan ang mga gawaing munisipyo para sa lumalagong pamayanan.[20] Naabutan ng Macau ang tugatog ng kasaganaan bilang panguanhing entrepôt noong huling bahagi ng ika-16 na siglo, na nagbigay ng napakahalagang koneksyon sa pagluwas ng sultang Tsino patungo sa Hapon noong panahon ng kalakal-Nanban.[21] Kahit pinagbawal sa una ang mga Portuges na patatagin ang Macau o magtipon ng mga armas, itinayo ang Fortaleza do Monte bilang tugon sa mga madalas na panalalakal ng Olandes na hukbong-dagat. Sinubukan ng mga Olandes na sakupin ang lungsod noong Labanan ng Macau ng 1622, ngunit matagumpay na tinanggihan sila ng mga Portuges.[22] Nakaranas ang Macau ng yugto ng paghina noong dekada 1640 kasunod ng mga seryo ng kapaha-pahamak na mga pangyayari para sa lumalagong kolonya: permanenteng naputol ang daan ng Portuges sa mga ruta ng kalakal noong hininto ng Hapon ang kalakal noong 1639,[23] naghimagsik ang Portugal laban sa Espanya noong 1640,[24] at bumagsak ang Malaka sa mga Olandes noong 1641.[25][26]

Ipinagbawal ang pakikipagkalakal-dagat sa Tsina noong 1644 kasunod ng pananakop-Qing sa ilalim ng mga patakarang Haijin at nilimita ang Macau sa mas maliit na antas habang nakatuon ang bagong dinastiya sa pag-alis ng mga natitirang loyalista ng Ming.[27] Habang inalis ng Emperador Kangxi ang pagbabawal noong 1684, pinahigpit ng Tsina ang kalakal sa Sistemang Canton noong 1757.[28] Kinailangang huminto muna sa Macau ang mga banyagang barko bago tumuloy sa Canton.[29] Mas malaki ang papel ng pakikitungo ng mga awtoridad ng Qing sa pamamahala ng teritoryo sa panahong ito; napasailalim ang mga Tsinong residente sa mga korteng Qing at kinailangang iapruba ang mga bagong konstruksyon ng residenteng mandarin simula noong dekada 1740.[30] Noong lumaki ang kita sa kalakal ng opyo sa ikalabingwalong siglo, naging mahalagang hintuan ang Macau patungo sa Tsina.[31]

Kasunod ng Unang Digmaang Opyo at pagtatag ng Hong Kong, nawala ang papel ng Macau bilang pangunahing daungan.[32] Ang paggawa ng paputok at insenso, pati na rin ang pagproseso ng tsaa at tabako, ay naging mahalagang industriya sa kolonya sa panahong ito.[33][34] Pinagsamantalahan ng Portugal ang kahinaan ng Tsina sa katapusan ng digmaan at igiit ang kanyang soberanya; nagsimulang tumanggi ang Gobernador ng Macau na bayarin ang Tsina ng taunang upa ng lupa para sa kolonya noong dekada 1840,[35] at sinakop ang Taipa at Coloane, noong 1851 at 1864 ayon sa pagkabanggit.[36] Sinakop din ng Portugal ang mga kalapit na Lapa at Montanha,[35] ngunit ibinalik nila ito sa Tsina noong 1887, noong naging pormal ang walang hanggang karapatang manakop sa Macau sa Kasunduang Sino-Portuges ng Peking. Pinagbawalan din ng kasunduan ang Portugal na isuko ang Macau nang walang apruba ng Tsina.[37] Sa kabila ng paminsan-minsang salungatan ng Kantones na awtoridad at ang pamahalaang kolonyal, hindi nagbago ang kalagayan ng Macau sa paglipas ng himagsikang republikano ng Portugal noong 1910 at China noong 1911.[38] Mas pinatibay ng Kuomintang ang hurisdiksyong Portugues sa Macau noong mula nakipagnegosasyon ukol sa Kasunduan ng Peking noong 1928.[38]

Noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig, hindi inokupa ng Imperyo ng Hapon ang kolonya at sa pangkalahatan, niresto ang neutralidad ng Portuges sa Macau. Gayunpaman, noong binihag ng mga Hapones na hukbo ang isang Britanong barkong pangkargamento sa mga tubig ng Macau noong 1943, itinayo ang Hapon ng pangkat ng "tagapayo" ng gobyerno bilang alternatibo sa okupasyon ng militar. Halos iniwasan ng teritoryo ang aksyong miitar noong digmaan maliban noong 1945, kung kailan inatasan ng Estados Unidos ang mga pagsasalakay sa himpapawid sa Macau matapos nilang malaman na naghahanda ang pamahalaang kolonyal na magbenta ng gatong pang-abyasyon sa Hapon. Kalaunang binigyan ang Portugal ng higit sa US$20 milyon bilang bayad-pinsala noong 1950.[39]

 
Watawat ng Kolonyal na Macau mula 1976 hanggang 1999

Gobyerno at pulitika

baguhin

Administratibong dibisyon

baguhin
 
Mga administratibong dibisyon ng Macau

Nakahiwalay ang teritoryo sa pitong parokya. Walang mga maliwanag na parokya ang Cotai, isang pangunahing dako na binuo sa napanauling lupain sa pagitan ng Taipa at Coloane, at mga dako ng Bagong Sonang Lunsurin ng Macau.[40] Ayon sa kasaysayan, naging bahagi ang mga parokya sa isa sa mga dalawang munisipalidad (ang Munisipyo ng Macau o ang Munisipyo ng Ilhas) na sumagot sa pangangasiwa ng mga serbisyong munisipyo. Humalili ang Kawanihan ng Gawaing Sibiko at Munisipyo sa mga munisipyo at nananagot ngayon sa pagbibigay mga serbisyong lokal.[41]

Parokya/Pook Tsino Dawak

(km2)[40]

Nossa Senhora de Fátima 花地瑪堂區 3.2
Santo António 花王堂區 1.1
São Lázaro 望德堂區 0.6
São Lourenço 風順堂區 1.0
(kasama ang Bagong Distritong Sona B) 大堂區 (包括新城B區) 3.4
Nossa Senhora do Carmo (kasama ang Bagong Distritong Sona E) 嘉模堂區 (包括新城E區) 7.9
São Francisco Xavier 聖方濟各堂區 7.6
Cotai 路氹填海區 6.0
Bagong Distritong Sona A 新城A區 1.4
HZMB Zhuhai-Macau Port 港珠澳大橋珠澳口岸 0.7
Unibersidad ng Macau (Kampus ng Hengqin) 澳門大學 (橫琴校區) 1.0

Galerya

baguhin

Tingnan din

baguhin

Talababa

baguhin
  1. The UN does not calculate the HDI of Macau. The government of Macau calculates its own HDI.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Isinasaad ng Macau Basic Law Hindi nito tuwirang sinaad ang pamantayan para sa "Tsino". Habang ang Standard Mandarin at Simplified Chinese character ang gamit na pamantayan sa pabigkas at pasulat sa mainland China, Cantonese at Traditional Chinese character ang matagal nang de facto na pamantayan sa Macau.
  2. Macao in Figures 2019, p. 5.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 "World Economic Outlook Database, October 2019". IMF.org. International Monetary Fund. Nakuha noong 19 Oktubre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Macao in Figures 2019, p. 4.
  5. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang 2017Population); $2
  6. Landler 1999.
  7. du Cros 2009, p. 75.
  8. Sheng & Gu 2018, p. 72.
  9. Sheng & Gu 2018, pp. 77–78.
  10. "Macau". The World Factbook. Central Intelligence Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Enero 2008. Nakuha noong 7 Pebrero 2019. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Grydehøj 2015, p. 102.
  12. 12.0 12.1 12.2 Wu & Jin 2014.
  13. Hao 2011, pp. 12–13.
  14. 14.0 14.1 Hao 2011, pp. 15–16.
  15. Hao 2011, p. 15.
  16. 16.0 16.1 Hao 2011, p. 10.
  17. 17.0 17.1 Hao 2011, pp. 11–12.
  18. Wills 1998, pp. 342–344.
  19. Chan 2003, p. 496.
  20. 20.0 20.1 Mendes 2013, p. 10.
  21. Wills 1998, p. 348.
  22. Garrett 2010, pp. 11–13.
  23. Lourido 2000, p. 211.
  24. Porter 1993, p. 8.
  25. Sit, Cremer & Wong 1991, p. 10.
  26. Hao 2011, p. 21.
  27. Zhihong 2006, p. 8.
  28. Zhihong 2006, pp. 8–10.
  29. de Sousa 2009, p. 77.
  30. de Sousa 2009, p. 75.
  31. de Sousa 2009, pp. 77–78.
  32. Sit, Cremer & Wong 1991, p. 11.
  33. Sit, Cremer & Wong 1991, p. 12.
  34. de Sousa 2009, p. 84.
  35. 35.0 35.1 de Sousa 2009, p. 79.
  36. Luke 2000, p. 723.
  37. Luke 2000, pp. 723–724.
  38. 38.0 38.1 Chan 2003, pp. 497–498.
  39. Garrett 2010, p. 116.
  40. 40.0 40.1 "Area of parishes". Cartography and Cadastre Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Setyembre 2018. Nakuha noong 7 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Law No. 9/2018, Creation of the Institute for Municipal Affairs.

Mga kawing panlabas

baguhin

22°10′N 113°33′E / 22.167°N 113.550°E / 22.167; 113.550