Maki Pulido
Si Maria Judea "Maki" Jimenez Pulido-Ilagan (Tagalog: [himɛˈnɛs puˈlɪdɔ]; ipinanganak noong Mayo 20, 1972 sa Lungsod ng Dagupan) ay isang mamamahayag na mula sa Pilipinas. Naging prodyuser din siya ng palabas sa telebisyon, nagsimula ang kanyang karera sa pamamahayag noong 1994 sa GMA Network. Kilala siya sa mga programng pantelebisyon na Reporter's Notebook at Balita Pilipinas Ngayon. Binansagan bilang "mamamahayag na walang takot" (o fearless journalist), nakamit niya ang iba't ibang mga parangal kabilang ang Silver Screen Award (Gawad Pinalakang Tabing) sa U.S. International Film and Video Festival (Pista ng Internasyunal na Pelikula at Bidyo sa Estados Unidos) noong 2006, at Gold World Medal for Best Human Interest Story (Gintong Medalyang Pandaigdig para sa Pinakamagandang Kuwento ng Interes ng Tao) sa New York Festivals Television and Film Awards (Mga Gawad sa Pista ng Telebisyon at Pelikula sa Nueva York) bukod sa iba pa.
Maki Pulido | |
---|---|
Kapanganakan | Maria Judea Jimenez Pulido 20 Mayo 1972 Lungsod ng Dagupan, Pangasinan, Pilipinas |
Ibang pangalan | Maki |
Trabaho | Taga-ulat, Mamamahayag |
Aktibong taon | 1995-kasalukuyan |
Kilalang gawa | Reporter's Notebook Balita Pilipinas Ngayon |
Asawa | Joey Ilagan |
Anak | 2 |
Isang politiko at aktibista ang ama sa Pangasinan, ibinigay sa kanya ng kanyang ama ang palayaw "Maki" bilang pinaikling "makibaka". Sinubok din niya ang mundo ng politika nang kumandidato siya sa pagkakongesista ng Unang Distrito ng Pangasinan noong 2010 subalit hindi siya nanalo at sinabing hindi na siya tatakbo muli.[1]
Maagang buhay
baguhinIpinanganak si Maki Pulido sa Lungsod ng Dagupan kina Nestor at Alicia na parehong politiko.[2] May limang kapatid si Maki.[3] Ang kanyang ina na si Alicia ay naging bokal ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan at alkalde ng Anda, Pangasinan, na ang unang babaeng naluklok na alkalde ng Anda,[3] samantalang ang ama naman niya ay naging alkalde din ng Anda, Pangasinan,[4] at naging Bise Presidente ng GMA Network para sa Promosyon ng Programa at Publisidad.[5] Binigay sa kanya ang palayaw na "Maki" ng kanyang ama na aktibista din.[6] Pinaikling "makibaka" ang palayaw niya na hango sa pariralang "Makibaka! Huwag matakot!" na panlabang sigaw ng mga aktibista noong diktadurang Marcos ng mga dekada 1970 at 1980.[7][8]
Nagtapos si Maki sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman[9] sa kursong Pangmadlang Komunikasyon na may espesyalisasyon sa pelikula (o AB Mass Communications major in film).[10] Totoo sa kanyang palayaw, naging aktibista siya noong mag-aaral siya ng Unibersidad ng Pilipinas at sumali sa politika ng kampus.[11]
Karera
baguhinNagsimula ang karera ni Maki Pulido sa GMA Network noong 1994[12] bilang espesyalisadong taga-ulat (o beat reporter) ng depensa.[10] Ginawa niya ito hanggang 1998 at sa kalaunan nailipat upang maging taga-ulat ng mga balita sa Palasyo ng Malacañang, at humawak ng mga natatanging pagtatalaga para sa 24 Oras at Saksi.[10] Naging regular na dokumentarista sa I-Witness, at nakapag-aral sa Estados Unidos sa Asia Foundation (Pundasyong Asya) noong 2002.[10]
Dahil regular sa Malacañang, siya ang unang nagbigay ng balita nang umalis na ang noo'y Pangulong Joseph Estrada sa Malacañang kasunod ng pangyayari sa tinaguriang EDSA Dos, isang pagtitipon na naglayong patalsikin ang Pangulo.[13] Tinaguriang "mamamahayag na walang takot" o fearless journalist,[14][15] nag-uulat at nadedestino sa mga balita delikado at sensitibo.[16] Sa pagtatapos ng paglilitis ng kaso ng panggagahasa sa Subic ng isang Pilipina ng mga marinong Amerikano noong Disyembre 2006, hinabol niya ang mga nahatulang marino para mahatid ang balita sa kabila ng paghaharang sa kanilang pangkat pambalita ng mga seguridad na naghatid sa nahatulan. At isa pa uling marino ng Estados Unidos ang nagkakaso, si Joseph Scott Pemberton, na pinatay naman ang isang transgender Pilipina na si Jennifer Laude, makikita muli si Maki na napapaligiran ng pulis habang nagbabalita siya ng live para sa Balita Pilipinas Ngayon sa kaganapan ng kaso ni Pemberton.[17]
May elemento din ng panganib ang kanyang mga kinapapanayam at pag-ulat ng balita.[16] May mga politikong nasaktan sa kanyang ulat at bagaman hindi siya nakakatanggap ng bantang pagpatay, nasiraan na siya ng break (o pantigil) ng sasakyan upang parating sa kanya na nasaktan sila.[16] Naging delikado din ang pagpunta niya sa kampo ng Bagong Hukbong Bayan kung saan maaring magkaroon ng panganib sa engkuwentro ng militar at ng Bagong Hukbong Bayan.[16] Sa kabila ng panganib sa kampo, nakapanayam niya si Gregorio Rosal, o mas kilala bilang Ka Roger, ang noo'y tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan.[16] Nakapanayam din niya si Murad Ibrahim ng Prente ng Pagpapalaya ng Islamikong Moro.[16]
Ilan pa sa pagbabalita niyang delikado ang pag-uulat ng Super Bagyong Yolanda noong 2013,[18] at pagkubkob ng Marawi noong 2017.[19] Bukod sa pagiging taga-ulat, si Maki ay naging brodkaster at prodyuser ng pambalitang palabas sa telebisyon.[12] Naging dokumentarista din siya ng Reporter's Notebook[20] at naging tagapresenta ng balita sa Balita Pilipinas Ngayon at State of the Nation.[21]
Pagsubok sa pagpasok sa politika
baguhinNaging dokumentarista at mamamahayag sa mga isyung panlipunan na kinahaharap ng mga pinakamahirap sa mga mahihirap at naghangad ng maglingkod sa kanyang kababayan sa unang distrito ng Pangasinan upang ihain ang kanilang boses sa mga isyung pambansa, kumandidato siya bilang kongresista ng unang distrito ng Pangasinan noong 2010.[11] Unang minungkahi sa kanya ng noo'y Kalihim Ronaldo Zamora noong 2001 na tumakbo siya sa tanggapang publiko.[11] Tumanggi siya noon dahil aktibista siya[11] subalit inisip niya kung ano nga ang mangyayari kapag papaloob siya sistema kanyang inuulat.[1]
Nang kumandidato siyang kongresista sa ilalim ng Partido ng Masang Pilipino (PMP)-Biskeg na Pangasinan,[22] nagbitaw siya bilang mamamahayag ng GMA Network at pinalitan siya ni Rhea Santos sa Reporter's Notebook.[4] Natalo siya ng dating alkalde ng Bolinao na si Jesus Celeste sa eleksyon[23] at bumalik sa GMA Network at nangakong magiging aktibo sa National Union of Journalists of the Philippines (o Pambansang Unyon ng mga Mamamahayag ng Pilipinas).[1][24] Dahil sa disgusto niya sa inakala niyang mabuti sa politika, ipinangako sa sarili na hindi na siya tatakbo muli sa politika.[1]
Mga parangal
baguhinNoong 2006, nanalo si Maki Pulido ng Silver Screen Award (Gawad Pinalakang Tabing) sa U.S. International Film and Video Festival (Pista ng Internasyunal na Pelikula at Bidyo sa Estados Unidos) para sa kanyang ulat niya sa Reporter's Notebook na pinamagatang "Backdoor".[14] Tungkol ang ulat sa malalim na pag-usisa sa mga Pilipinong ilegal na pumapasok sa Malaysia.[21] Nanalo din siya ng Gold World Medal for Best Human Interest Story (Gintong Medalyang Pandaigdig para sa Pinakamagandang Kuwento ng Interes ng Tao) sa New York Festivals Television and Film Awards (Mga Gawad sa Pista ng Telebisyon at Pelikula sa Nueva York).[2] Ang entrada niyang dokumentaryo na "Batang Kalakal" ang nagpanalo sa kanya ng gintong medalya na tinatalakay ang istorya ng isang batang nangalakal ng basura upang may makain.[25]
Nanalo muli si Maki ng gintong medalya sa Pista ng Telebisyon at Pelikula sa Nueva York noong 2017 para episodyo ng Reporter's Notebook na pinamagatang "Pasan-pasang Pangarap" na tungkol sa magkapatid na batang lalaki na gumagawa ng uling para magkaroon ng salaping pang-eskuwela.[26] Noong 2016, nanalo naman siya ng tansong medalya sa Pistang Nueva York uli para sa episodyong "Hikahos sa Lungsod" ng Reporter's Notebook na ikinuwento ang mga usaping panlipunan ng migrasyon sa urbanong lugar.[27]
Nanomina din siya kasama ang kanyang kasamang tagapresenta sa Reporter's Notebook na si Jiggy Manicad noong 2007 bilang mga Pinakamahusay na Tagapresenta ng Kasalukuyang Pangyayari (o Best Current Affairs Presenter) sa Asian Televison Awards (Mga Gawad sa Telebisyong Asyano).[28]
Pansariling buhay
baguhinAsawa ni Maki Pulido ang negosyanteng si Joey Ilagan at mayroon silang dalawang anak.[12]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Losorata, Yugel (2010-09-06). "Reporter Maki vows never to run again | Manila Bulletin". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-10. Nakuha noong 2023-11-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "GMA7's Maki Pulido grabs international award". Sunday Punch (sa wikang Ingles). 2008-02-24. Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Alicia Jimenez-Pulido; 61". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). 2013-10-06. Nakuha noong 2023-11-27 – sa pamamagitan ni/ng Pressreader.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Valle, Jocelyn (2009-11-17). "GMA-7 reporter resigns to run for Congress". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-22.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Obit". CMFR (sa wikang Ingles). 2019-06-14. Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Post ni Maki Pulido sa kanyang Twitter account". X (formerly Twitter) (sa wikang Ingles). 2013-06-18. Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Never Again, Never Forget! Long Live the spirit of the EDSA Revolution! Makibaka, Huwag Matakot!". migranteinternational.org. 2022-02-25. Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Makibaka! Huwag Matakot!". Malaya Movement (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alternatives, Institute for Social Service (2008). The Catalyst (sa wikang Ingles). Rex Bookstore, Inc.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 10.2 10.3 Aquio, Jojo (2006-01-28). "Reading the 'Reporter's Notebook'". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 11.2 11.3 "Fearless Maki" (sa wikang Ingles). Northern Watch. 2010-03-22. Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 12.2 Raquel, Butch S. (2015-05-10). "Celebrating Mother's Day with Maki Pulido | Entertainment, News, The Philippine Star | philstar.com". philstar.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-10. Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chua, Xiao (2021-01-26). "MY EDSA DOS AND TRES DIARIES". IT'S XIAOTIME! (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 "Kapuso broadcast journalists uphold 'Tatak Public Affairs' amid misinformation". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). 2022-09-01. Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mariano, Dianne (2022-09-29). "Maki Pulido shares pieces of advice for aspiring journalists". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 16.0 16.1 16.2 16.3 16.4 16.5 Asilo, Rito P. (2011-10-07). "Maki Pulido takes the good (news) with the bad". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ayroso, Dee (2014-10-23). "US Marine Pemberton in Camp Aguinaldo: Is it PH or US custody?". Bulatlat (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Coverage of Supertyphoon Yolanda (Haiyan)". The Peabody Awards (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cal, Ben (2018-05-20). "Fearless journo recalls Marawi siege experience". Philippine News Agency (Ahensiyang Pambalita ng Pilipinas) (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Reporter's Notebook of Maki Pulido". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2009-11-10. Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 21.0 21.1 "Atom Araullo, Maki Pulido anchor 'State of the Nation'". Manila Standard (sa wikang Ingles). 2021-01-03. Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Visperas, Eva; Laude, Jaime (2009-12-06). "Pangasinan's six districts field women candidates". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tordesillas, Ellen (2010-05-12). "Pacquiao makes it; also Imelda, Arroyo – ellen tordesillas" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Macaraig, Ayee (2012-09-18). "ABS-CBN's Sol Aragones running for Congress". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2008 gold and bronze medalists in NY fest". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2008-02-07. Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GMA-7, nag-uwi ng tatlong gold medal mula sa 2017 NY Fest". Balita - Tagalog Newspaper Tabloid (sa wikang Ingles). 2017-04-28. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-04-29. Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dimaculangan, Jocelyn (2018-04-20). "GMA-7, only PH TV network to earn medals at New York Festivals 2016". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dimaculangan, Jocelyn (2007-09-27). "Filipino shows and hosts nominated in 2007 Asian Television Awards". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)