Medalyang Pierre de Coubertin

Ang medalyang Pierre de Coubertin, na kinikilala ring bilang medalyang De Coubertin o medalyang Tunay na Diwa ng Mabuting Pakikipaglaro, ay isang tanging medalya na ibinibigay ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko sa mga manlalaro na nagpapamalas ng diwa ng mabuting pakikipaglaro sa mga kaganapang Olimpiko.

Ang medalya ay ipinasinaya noong 1964 at ipinangalan bilang parangal kay Pierre de Coubertin, ang nagtatag ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko. Ayon sa Museong Olimpiko, "ito ay isa sa mga pinakamarangal na sanghaya na maihahandog sa Olimpikong manlalaro."[1]

Mga tumanggap

baguhin
Manlalaro Bansa Kaganapan Petsa Lugar
Lutz Long   Alemanya Palarong Olimpiko sa Tag-init 1936 Iginawad pagkatapos ng kamatayan Berlin, Alemanya
Emil Zátopek   Tsekoslobakya Palarong Olimpiko sa Tag-init 1952 6 Disyembre 2000 (Iginawad pagkatapos ng kamatayan) Helsinki, Pinlandiya
Eugenio Monti   Italya Palarong Olimpiko sa Taglamig 1964 1964 Innsbruck, Awstrya
Karl Heinz Klee   Awstrya Palarong Olimpiko sa Taglamig 1976 Pebrero 1977 Innsbruck, Awstrya
Franz Jonas   Awstrya - Hulyo 1969 -
Lawrence Lemieux   Kanada Palarong Olimpiko sa Tag-init 1988 Setyembre 1988 Seoul, Timog Koriya
Raymond Gafner   Suwesya - 1999
Tana Umaga   Bagong Selanda 2003 Labanang Pagsubok ng Ragbi Hunyo 2003 Cardiff, Gales, Mga Nagkakaisang Kaharian
Spencer Eccles   Mga Nagkakaisang Estado Palarong Olimpiko sa Taglamig 2002 Pebrero 2002 Lungsod Salt Lake, Utah, Mga Nagkakaisang Estado
Vanderlei de Lima   Brasil Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004 29 Agosto 2004 Atenas, Gresya

Mga kasabihan

baguhin
"Hindi nanalo si Nash nang dahil ibinigay ko ang bara. Nanalo siya dahil siya ay may pinamabilis na takbo."
—Si Eugenio Monti nang ipinanayam pagkatapos ibinigay ang bara mula sa kanyang karetang pangyelo sa kanyang mga mananaligsa, ang kuponang Britaniko ng karetang pangyelo, sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 1964. Iginawad si Monti ang medalya ni Pierre de Coubertin para sa kanyang mabuting pakikipaglaro.
"Maaari ninyong itunaw ang lahat ng mga medalya at kopa na mayroon ako at hindi nila mababalutian ng dalawampu't-apat na kilates na pagkakaibigan na nararamdaman ko kay Lutz Long sa sandaling iyon."
—Si Jesse Owens pagkatapos payuhan ng kanyang mananaligsa, Lutz Long, sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1936. Si Long ay iginawad ng medalya ni Pierre de Coubertin pagkatapos ng kanyang kamatayan para sa kanyang mabuting pakikipaglaro.[kailangan ng sanggunian]
"Hindi ko matanggap ang medalya ni Emmanuel. Masaya na ako kung anong mayroon sa akin, ito'y tanso subali't ibig sabihin ay ginto"
—1 Hulyo 2005, Brasilyanong manlalaro sa pambaybaying balibol na si Emanuel Rego, na nanalo ng gintong medalya sa Palarong Olimpiko ng Tag-init 2004, ay ibinigay ng kanyang gintong medalya kay Vanderlei de Lima sa telebisyon. Dahil sa mataimtim na bagabag na damdamin, isinauli ito ni Vanderlei.

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin