Mga unang ginang at ginoo ng Pilipinas

Ang unang ginang o unang ginoon ng Pilipinas ay isang titulong kortesiya na binibigay sa punong-abala ng Palasyo ng Malacañang, ang residente ng puno ng estado at puno ng pamahalaan ng Pilipinas.

Unang Ginang/Ginoo ng Pilipinas
Incumbent
Louise Araneta Marcos

mula 2022
NagpasimulaHilaria del Rosario-Aguinaldo
NabuoEnero 23, 1899

Tradisyunal na hinahawakan ang titulo ng konsorte ng pangulo ng Pilipinas, at salitang ginagamit ito sa asawa ng kasulukuyang pangulo; bagaman, bihira ang kaso na ito sa mga pangulong walang buhay na asawa sa kanilang termino. Ang posisyon, na likas na nakaugalian at pandangal, wala itong opisyal na kabayaran mula sa estado.

Si Liza Araneta Marcos ay ang kasalukuyang unang ginang ng Pilipinas, bilang asawa ng ika-17 at kasalukuyang pangulo ng Pilipionas na si Bongbong Marcos.

Nang naging pangulo si Gloria Macapagal-Arroyo, ang unang pangulo ng Pilipinas na hindi balo, ang kanyang asawang si Jose Miguel Arroyo ay ang una at tanging asawa ng isang pangulo na binansagan ng titulong "unang ginoo", ang panlalaking anyo ng "unang ginang".[1]

Mga unang ginang at ginoo ng Pilipinas

baguhin
# Larawan Unang Ginang/Ginoo Relasyon sa Pangulo Pamahalaan Nagsimula Nagtapos
1   Hilaria del Rosario-Aguinaldo Unang Ginang ni Emilio Aguinaldo
(opisyal na kinikilala bilang unang Pangulo ng Pilipinas)
Unang Republika (1899-1901) Enero 23, 1899 Abril 1, 1901
2   Aurora Aragon-Quezon Unang Ginang ni Manuel L. Quezon Komonwelt (1935-1946) Nobyembre 15, 1935 Agosto 1, 1944
3 Pacencia Hidalgo-Laurel Unang Ginang ni José P. Laurel Ikalawang Republika (1943-1945) Oktubre 14, 1943 Agosto 14, 1945
4   Esperanza Limjap-Osmeña Unang Ginang ni Sergio Osmeña Pinanumbalik na Komonwelt (1935-1946) Agosto 1, 1944 Mayo 28, 1946
5   Trinidad de León-Roxas Unang Ginang ni Manuel Roxas Ikatlong Republika (1946-1972) Mayo 28, 1946 Abril 15, 1948
6   Victoria Quirino-Delgado Bilang kahalili ng kanyang ina, Alicia Syquia (1921-1945)
sa termino ni Elpidio Quirino
Abril 17, 1948 Disyembre 30, 1953
7   Luz Banzon Magsaysay Unang Ginang ni Ramon Magsaysay Disyembre 30, 1953 Marso 17, 1957
8 Leonila Dimataga-Garcia Unang Ginang ni Carlos P. Garcia Marso 23, 1957 Disyembre 30, 1961
9   Evangelina Macaraeg-Macapagal Unang Ginang ni Diosdado Macapagal Disyembre 30, 1961 Disyembre 30, 1965
10   Imelda Romualdez-Marcos Unang Ginang ni Ferdinand E. Marcos Disyembre 30, 1965 Pebrero 25, 1986
Saligang-batas ng Pilipinas (1972-1981)
Ikaapat na Republika (1981-1987)
-   Ballsy Aquino-Cruz Bilang kahalili ng kanyang ama, Benigno Aquino Jr.
sa termino ni Corazon C. Aquino
Ikalimang Republika (1987-Kasalukuyan) Pebrero 25, 1986 Hunyo 30, 1992
11 Amelita Martinez-Ramos Unang Ginang ni Fidel V. Ramos Hunyo 30, 1992 Hunyo 30, 1998
12   Luisa Pimentel-Estrada Unang Ginang ni Joseph Ejercito Estrada Hunyo 30, 1998 Enero 20, 2001
13   Jose Miguel Tuason Arroyo Unang Ginoo ni Gloria Macapagal-Arroyo Enero 20, 2001 Hunyo 30, 2010
14   Louise Araneta-Marcos Unang Ginang ni Ferdinand Marcos, Jr. Hunyo 30, 2022 Kasalukuyan
  • Namatay si Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. noong Agosto 21, 1983 bago manungkulan ang kanyang asawang si Corazon Aquino bilang Pangulo ng Ikalimang Republika ng Pilipinas mula 1986-1992. Si Maria Elena "Ballsy" Aquino-Cruz, ang kanyang panganay na anak na babae, ang nagsilbing kahalili ni Gng. Aquino sa ilang mga gawaing at sumasama sa Pangulo sa mga pagbisita sa ibang bansa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Flores, Wilson Lee (2 Marso 2003). "Who were the best First Ladies?". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Agosto 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin