Mga wika ng mga bansang Muslim
Naniniwala ang mga Muslim na literal na nilahad ng Diyos ang Qur'an kay Muhammad, sa wikang Arabe ang bawat salita. Samakatuwid, itinuturing ang Arabe bilang isang banal na wika ng Islam. Subalit, walang masasabing nag-iisang "wikang Muslim" o "wika ng mga Muslim" dahil kinabibilangan ang Islam - ang pananampalataya ng mga Muslim - ng maraming mga tao na nagmumula sa sari-saring mga etnisidad at mga wika.
Mga bansa kung saan nakararami ang bilang ng mga Muslim
baguhinGitnang Silangan
baguhin- Sa Iran nagsasalita ang Iranyano ng Persa (Persian), Kurdish, Luri, Aseri, Baluchi, at ilang pang bilang ng ibang mga wika. (Tingnan ang mga wika at diyalekto sa Persiya, at mga kalapit na mga wika at mga wika sa Iran.)
- Yemen: Arabe
- Egipto: Arabe
- Iraq: Arabe
- Syria: Arabe
- Nagsasalita ang mga Turko ng Turkiya ng wikang Turkesa, isang wikang kabilang sa mga grupo ng wika na lubhang kakaiba sa Arabe.
Aprika
baguhin- Morocco: Bukod sa opisyal na paggamit ng Pamantayang Arabe ng mga opisyal na mga kinatawan ng pamahalaan, na katulad din sa kaso ng karamihan sa mga bansang nagsasalita ng Arabe, ang Arabeng Morocco ang kolokyal nawika, at kilala rin bilang Darija. Mas payak ang balarila ng Darija, at may mas kaunting tomo ng mga talasalitaan kung ikukumpara sa Pamantayang Arabe. Katulad ng sa Algeria, karamihan sa mga Arabong Morokano ang naninirahan sa hilagang bahagi ng bansa. Nagsasalita ang ibang mga Morokano ng mga wikang Berber katulad ng Tachelhit at Tarifit.
- Naririnig din ang mga wikang Berber sa Algeria, lalo na ang Kabyle, na binibigkas ng mga Kabyle Berber sa hilagang-silangan ng Algeria. Isa pang wikang Alheryano ang Chaoui, na sinasambit ng mga Chaoui, mga mamamayang nasa timog-silangang rehiyon ng Kabyle. (Tingnan din ang mga wika ng Algeria).
- Libya: Arabe ng Libya
- Tunisia: Arabe ng Tunisia
- Sa Mauritania, Arabe ang opisyal na wika ng bansa, subalit gumagamit ang mga taong may pinagmulang Arabong Berber ng natatanging sari na kung tawagin ay Hassaniya. Maraming tao sa katimugan ng bansa ang nagsasalita ng isa sa mga pambansang wika katulad ng Pulaar, Soninke o Wolof. Ginagamit din ang mga ito sa Senegal.
- Sa Nigeria, pangunahing ginagamit ang Hausa, ngunit mga Muslim din ang mga nagsasalita ng Yoruba at Igbo.
- Sa Sudan, pangunahing gamit ang diyalektong Sudanes ng Arabe.
- Sa Somalia, pangunahing winiwika ng mga mamamayan ang lengguwaheng Somali na isa sa mga wikang Kusyistiko.
Timog at Timog-silangang Asya
baguhin- Sa Pakistan, ang opisyal na wika ay Urdu.
- May tatlong mga pangunahing wika ang Afghanistan: Pashto, Dari, at Uzbek, kabilang ang bawat isa sa mga grupong etniko (mga tribo) na tinatawag din sa ganitong mga pangalan.
- Ang opisyal at nacional wika ng Indonesia ay Indonesian, isang wika Austronesian.
- Parehong Brunei at Malaysia ay may Malay bilang kanilang mga opisyal na wika.
Tingnan din
baguhin- Alpabetong Arabe
- Talahulugang pang-Islam Naka-arkibo 2021-06-20 sa Wayback Machine.