Mga milagrosong kapanganakan

(Idinirekta mula sa Milagrosong kapanganakan)

Ang mga milagrosong kapanganakan ay karaniwang elemento sa panitikang historikal at mga kasulatang relihiyoso.[1] Ang mga kuwento ng mga milagrosong kapanganakan ay kadalasang kinabibilangan ng mga paglilihing milagroso at nagtatanghal ng interbensiyon ng isang diyos, mga elementong supernatural, mga tandang astronomikal, kahirapan o sa ilang mga mitolohiya ay mga masalimuot na kuwento na nauugnay sa mitong paglikha.

Mga halimbawa

baguhin

Krishna

baguhin

Ayon sa Bhagavata Purana, si Krishna ay ipinanganak nang walang pagsasamang seksuwal. Ito ay sa pamamagitan ng makadiyos na "pagpasa na pang-isip" mula sa isipan ni Vasudeva tungo sa sinapupunan ni Devaki. Batay sa mga detalye ng kasulatan at mga kalkulasyong astrolohikal, ang petsa ng kapanganakan ni Krisha na kilala bilang Janmashtami ay 19 Hulyo 3228 BCE at lumisan noong 3102 BCE.

Buddha

baguhin

Si Māyā at Haring Suddhodhana ay walang mga anak sa loob ng 20 taon ng kanilang kasal. Ayon sa isang salaysay, sa isang gabi na may buong buwan at natutulog sa palasyo, ang Reyna ay nagkaroon ng isang maningning na panaginip. Kanyang naramdaman ang kanyang sarili na tinatangay ng apat na mga deva (espirito) sa Ilog Anotatta sa mga Himalaya. Pagkatapos siyang paliguan sa ilog, siya ay binihasan ng mga deva ng mga makalangit na damit, pinahiran ng mga pabango at pinalamutian ng mga makadiyos na bulaklak. Sa sandaling pagkatapos nito, ang isang puting elepante na humahawak ng isang puting bulaklak na lotus sa nguso ay lumitaw at pumalibot sa kanya ng tatlong beses na pumasok sa kanyang sinapupunan sa pamamagitan ng kanyang kanang tagiliran. Ang elepante ay naglaho at ang reyna ay nagising na nalamang siya ay hinatiran ng isang mahalagang mensahe dahil ang elepante ay isang simbolo ng kadakilaan sa India.[2] Ayon sa tradisyong Budista, ang magiging si Buddha ay tumitira bilang isang bodhisattva sa langit na Tuṣita at nagpasyang kunin ang hugis ng isang elepante upang muling ipinanganak sa daigdig sa huling pagkakataon. Si Māyā ay nanganak kay Siddharta Gautama Buddha noong c. 563 BCE.

Ayon kay Herodotus, si Apis o Epaphus ay isang batang baka na pagkatapos ay hindi na nagawang manganak. Ang mga Ehipsiyo ay nagsabing ang apoy ay bumaba mula sa langit sa baka na naglihi naman kay Apis. Ang baka ay may sumusunod na mga marka-siya a yitima na may isang markang kwadradong puti sa kanyang noo at kanyang likuran ay isang pigura ng isang agila, ang kanyang mga buhok at buntot ay doble at may salagubang sa kanyang dila.[3]

Dakilang Alejandro

baguhin

Ayon kay Plutarch, sinasabing ang ama ni Alejandrong si Felipe ay nahumaling kay Olympias na ina ni Dakilang Alejandro. Sa gabing bago ang kanilang pagtatalik, ang babae ay nanaginip na may isang pagbagsak ng isang kulog na ang kanyang sinapupunan ay tinamaan na kidlat at kulog at may sumunod na isang nakabubulag na ningning na ang isang dakilang kumot ng apoy ay nagningas at kumalat ng malayo at malawak bago ito namatay. Ang manghuhulang si Aristander ay nagdeklara na ang babae ay dapat buntis. Sa isa pang panahon ay may isang ahas na nakaunat sa tagiliran ni Olympias habang siya ay natutulog at ito ay nagpahina ng simbuyo at nagpalamig ng pag-ibig ni Felipe sa kanya at mula nito ay bihira nang matulog na katabi ni Olympias...Ayon kay Erasothenes, nang ipadala ni Olympias si Alejandro na pamunuan ang isang dakilang ekspedisyon sa Silangan ay siya lamang ang sinabihan ng ng sikreto ng kanyang paglilihi at hinikayat siya na ipakita ang kanyang sarili na nararapat sa kanyang magulang na diyos.

Hephaestus

baguhin

Si Hera ay nanganak kay Hephaestus nang walang pakikipagtalik sa kabilang kasarian. Ayon kay Hesiod, si Hera ay nagalit at nakipag-away sa kanyang kasama. At dahil sa alitang ito ay nanganak siya nang walang pagsasamang seksuwal sa Punong Diyos na si Zeus na humahawak ng aegis na isang maluwalhating anak na lalakeng si Hephaestus na humigit sa lahat ng mga anak ng Langit sa mga kasanayan.

Ang isang anak na babae ng ilog na Sangarius ay kanilang sinasabi na kumuha ng prutas at inilagay ito sa kanyang sinapupuna, nang ito ay minsang naglaho, ngunit siya ay may anak. Ang isang lalake ay ipinanganak at nahayag at inilagaan ng lalakeng-kambing.[4]

Ayon kay Origen, si Plato ang anak ni Amphictione, si Ariston na pinigilan mula sa pagkaroron ng mga pagtatalik sa kanyang asawang babae hanggang siya ay manganak sa kanya na kanyang ipinagbuntis kay Apollo na diyos.[5]

Emperador Augustus

baguhin

Si Emperador Augustus ay nagmula mula sa isang milagrosong paglilihi ng pagsasamang diyos at tao nina Apollo at kanyang inang si Atia Balba Caesonia.

Mithras

baguhin

Si Mithras ay ipinapakitang ipinanganak mula sa isang bato. Siya ay ipinapakitang umaahon mula sa isang bato na may isang balaraw sa isang kamay at isang tanglaw sa kabila.

Birheng kapanganakan ni Maria kay Hesus

baguhin

Ayon sa paniniwala ng maraming mga Kristiyano at Islam, milagrosong pinaglihi at ipanganak ni Maria si Hesus habang nanatili itong isang birhen. May ilang tumatakwil sa historisad ng salaysay ng birheng kapanganakan ni Hesus. Sa kanyang pagtatanggol sa akusasyong inimbento ng mga Kristiyano si Hesus, ikinatwiran ng Kristiyanong si Justin Martyr (100 CE – ca.165 CE) na umabot sa mga tenga ng diablo na hinulaan ng mga propeta sa Lumang Tipan ang pagdating ni Hesus, at inudyokan ang mga paganong manunulat (bago pa ang paglitaw ng Kristiyanismo) na magsulong ng mga tatawaging mga anak ni Hupiter upang ipaniwala sa mga tao na ang Kristo ay katulad ng mga anak ni Hupiter. Isinaad ni Justin Martyr na:

"Nang aming sabihing si Hesu-Kristo ay nilikha nang walang pagsasamang seksuwal, ipinako at namatay at muling nabuhay at umakyat sa langit, wala kaming isinusulong na bago o iba mula sa pinaniniwalaan niyong tungkol sa mga ginagalang niyong mga anak na lalake ni Hupiter...Tungkol sa pagtutol na ipinako ang aming Hesus, aking sinasabi na ang pagdurusa ay karaniwan sa lahat ng mga binanggit na anak ni Hupiter...Tungkol sa kanyang pagkapanganak sa isang birhen, kayo ay mayroong Perseus upang balansihin ito...At nang isulong ng diablo si Asclepius bilang tagabuhay ng patay at tagpagpagaling ng lahat ng mga karamdaman, hindi ko ba maaaring sabihin na gayundin sa bagay na ito ay kanyang ginaya ang mga hula tungkol kay Kristo?"

Noong 178 CE, kinutya ni Celsus ang birheng kapanganakan ni Hesus at inihambing ito sa mga mitolohiyang Griyego gaya nina Danae, Melanippe, at Antiope. Ang ilang mga skolar ay nangatwirang ang mga sinaunang Kristiyanong hentil ay nagbigay ng katangian kay Hesus na kung ano ang ibinigay na katangian ng kanilang mga paganong ninuno sa kanilang mga paganong bayani. Kanilang isinaad na matatagpuan sa birheng Marya ang isang panggagaya ng Kristiyanismo sa diyosang Ehipsiyo na si Isis na ina ni Horus. Ang ilang mga henetitisista ay nagmungkahi ng ilang mga biolohikal na paliwanag sa birheng kapanganakan ni Marya kay Hesus. Dahil ang mga babae ay may mga kromosomang X lamang, walang paraan para makuha ng lalakeng si Hesus ang kromosomang Y mula kay Maria. Ang panganganak na birhen ni Marya ay posible kung siya ay isang henetikong lalake na may hindi malinaw na henitalya at mayroong kondisyon androgen insensitivity syndrome na kondisyong may parehong kromosomang X at Y tulad ng isang lalake ngunit ang kanilang kromosomang X ay nagdadala ng isang mutasyon na gumagawa sa kanilang mga katawan na hindi sensitibo sa testosterone at humahantong sa kanilang pag-unlad bilang isang babae. Kung siya ay kusang loob ng naglihi ng walang sperm, ang kanyang anak ay magmamana ng buong kromosomang Y. Upang pigilan ang pag-unlad ni Hesus bilang isang babae, si Hesus ay mangangailangan ng isang pagbalik na mutasyon. Ang iba pang mga posibilidad ng birheng kapanganakan ay si Maria ay isang henetikong mosaiko na nabuo mula sa mga kambal na nagsanib sa isang katawan na ang isa nito ay may kromosomang Y.[6]

Tignan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://www.infidels.org/library/modern/james_still/virgin_birth.html
  2. "Life of Buddha: Queen Maha Maya's Dream (Part 1)". Buddhanet.net. Nakuha noong 2012-03-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Herodotus 3.28
  4. Pausanias, Deskripsiyon ng Gresya 7.17.9-11
  5. Laban kay Celsus, 1:37
  6. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-30. Nakuha noong 2012-12-11.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)