Mineral
Ang mineral o batong mineral[1] ay isang solido at inorganikong bagay[1] na kusa o likas na nabubuo sa loob ng Mundo. Mayroon itong kayariang kristal at natural na nangyayari sa pamamagitan ng sarili lamang dahil sa prosesong heolohiya.[2] Tinatawag na mineralohiya ang pag-aaral ng mga mineral.[3] Mayroon din itong kumposisyon o kabuuang kimikal. Isa rin itong matigas na bagay na itinuturing na elementong kimikal at may buong kumpuwestong kimikal. May lagpas sa 4,000 mga tipo o uri ng nakikilalang mga mineral.[4] Dalawa sa pangkaraniwang mga mineral ang kuwarts at ang peldespato habang matatagpuan lamang ang iba sa ilang lugar sa mundo
Ang mga mineral ay nag-iiba sa komposisyon, mula sa mga purong elemento at simpleng mga asin hanggang sa napakakomplikadong silikato na may libu-libong kilalang mga anyo. Sa kabaligtaran, ang isang sampol ng bato ay isang walang-piling na pinagsama-samang mga mineral at/o mineraloide, at walang tiyak na komposisyong kemikal. Karamihan sa mga bato ng sa ibabaw ng Daigdig ay may kuwarso (kristalinang SiO2), peldespato, mika, klorito, kaolin, kalsita, epidota, olibino, augita, hornblenda, magnetita, hematita, limonita at ilang iba pang mineral. Ang pinakamalaking pangkat ng mga mineral sa ngayon ay ang silikato (karamihan sa mga bato ay ≥95% silikato), na higit sa lahat ay gawa sa silisiyo at oksihino, kasama rin ng mga iono ng aluminyo, magnesiyo, bakal, kaltsiyo at iba pang mga metal.
Mga katangian ng mineral
baguhinAng mineral ay isang sustansiya na karaniwan na:
- isang inorganikong solido (eksepsyon ang asogeng elemental)[4]
- May tiyak na pang-kimikang pag-buo
- karaniwang may kristal na istraktura; ang ilan ay hindi
- natural na nabuo sa pamamagitan ng mga prosesong heolohiya
Mga mineral at bato
baguhinAng mga mineral ay iba sa mga bato. Isang kompuwestong kemikal ang mineral na may ibinigay na komposisyon at isang tinukoy na istraktura ng kristal.[5] Ang bato ay pinaghalong isa o ilang mineral, sa iba't ibang sukat.
Ang bato ay may dalawa lamang sa mga katangiang taglay ng mga mineral–ito ay isang solido at natural itong nabubuo. Karaniwang naglalaman ang isang bato ng dalawa o higit pang mga uri ng mineral. Ang dalawang sampol ng parehong uri ng bato ay maaaring may iba't ibang uri ng mineral sa kanila. Ang mga mineral ay palaging binubuo ng parehong mga materyales sa halos parehong sukat. Ang rubi ay isang mineral. Samakatuwid, ang isang rubi na matatagpuan sa Indya ay may katulad na komposisyon tulad ng isang rubi na matatagpuan sa Australya .
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Mineral - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ L.B. Railsback Definitions [1] Naka-arkibo 2013-03-02 sa Wayback Machine. at [2] Naka-arkibo 2012-09-15 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- ↑ Dana J.D. Hurlbut C.S. & Klein C. 1985. Manual of mineralogy. 20th ed, Wiley.
- ↑ 4.0 4.1 International Mineralogical Association IMA/CNMNC List of Mineral Names Naka-arkibo 2013-06-26 sa Wayback Machine. (PDF 1.8 MB;) (sa Ingles)
- ↑ Levin H. 2006. The Earth through time. ika-8 ed, Wiley. p48: Minerals and their properties. (sa Ingles)