Misyon ng Patakarang Pambatas ng Unyong Europeo sa Kosovo
Ang Misyon ng Patakarang Pambatas ng Unyong Europeo sa Kosovo o Misyon ng Pamamayani ng Batas ng Unyong Europeo sa Kosovo (Ingles: European Union Rule of Law Mission in Kosovo o EULEX Kosovo) ay isang planadong paglulunsad ng mga pulis at tauhang sibilyan ng Unyong Europeo (UE) sa Kosovo. Tinatayang karugtong ang misyong ito ng pagiging naroroon ng mga pandaigdigang tauhang sibilyan sa Kosovo, na nabuo sa pamamagitan ng Resolusyon Bilang 1244 ng Konseho ng Seguridad ng Nagkakaisang mga Bansa, bagaman itinuturing na ilegal ng Rusya at Serbya ang misyong ito. Kabilang sa misyon ang mga 2,000 pulis at mga tauhang pambatas, at nagsimula sa apat na buwang proseso ng pagpapadala ng mga tauhan noong 16 Pebrero 2008.[1][2] Sa ngayon, mga 400 lamang ng ilang 1,900 mga opisyal na pulis at hukom ang na tinaya ng misyong EULEX ang nakatakda na sa pook.[3]
Kayarian at paglulunsad
baguhinIsang misyong may lakas na 1,800 hanggang 1,900 bilang ng mga tauhan ang pinahintulutan ng Konsehong Europeo noong 14 Disyembre 2007. Nadagdagan pa ito pagdaka kaya't naging 2,000 mga tauhan dahil sa pagtaas na inaasahang kawalan ng katatagan sapagkat may kawalan ng kasunduan mula sa Serbya.[1] Kinabibilangan ito ng mga opisyal na pulis (kasama ang mga hukbong panlaban sa mga pagaaklas[4]), mga tagausig at mga hukom - samakatuwid nakatuon sa mga paksang kaugnay ng patakarang pambatas o pamamayani ng batas (rule of law), kabilang ang mga pamantayang makademokrasya. Dahil sa sukat ng misyon, nangangahulugang malapit nang maging isang tahanan para sa pinakamalaking bilang ng mga tagapaglingkod na mga sibil ng Unyong Europeo ang Kosovo sa labas ng Brussels at ng Unyong Europeo.[5] Si Yves de Kermabon ang hepe ng misyon, na siyang sumasagot na nasa ilalim ng Natatanging Kinatawan ng Unyong Europeo sa Kosovo na si Pieter Feith. Tinatayang gugugol ang misyon ng €165 milyon sa una nitong taon.
Itinakdang isasagawa ang huling pasya hinggil sa misyon noong 28 Enero 2008.[6] Nabinbin ito dahil sa mga pagaalala hinggil sa mga maaaring maging mga masamang kalalabasan sa pangalawang ikot ng halalang pampangulo sa Serbya noong 3 Pebrero 2008 at sa maaaring maganap na paglagda ng Kasunduan ng Pagpapanatag at Pagsasapi (Stabilisation and Association Agreement) na kasama ang Serbya sa petsang iyon.[7] Ang kawalan ng batayang legal (sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Konseho ng Seguridad ng Nagkakaisang mga Bansa o katulad) para sa misyon ang opisyal na iniharap na dahilan.[8] Isang Magkatuang na Kilos ang pinayagan noong 4 Pebrero 2008, na nangangahulugang tanging ang huling pahintulot lamang ang kailangan; inaasahan itong ibibigay noong 18 Pebrero 2008.[9]
Hindi makikilahok ang Espanya sa misyong EULEX hanggang sa matugunan ang mga katanungang legal na kaugnay kung paano nito mapapalitan ang administrasyon ng Nagkakaisang mga Bansa. Sinabi ni Miguel Ángel Moratinos, Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Espanya, sa isang pagpupulong ng mga Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Unyong Europeo sa Slobenya na hindi hindi ipapadala ng Espanya ang mga hukbo nito para sa misyong EULEX hangga't walang pormal na pagpapasa ng mga kapangyarihan mula sa Nagkakaisang mga Bansa.[10]
Bukod sa mga kasapi ng Unyong Europeo, makikiisa rin ang mga pangatlong kalapiang Croatia, Turkiya, Suwisa, Noruwega at Estados Unidos.[11]
Kalagayang pampolitika
baguhinSinusubok na makamit ng Unyong Europeo na pamunuan ang paksang pangkatayuan ng Kosovo sa pamamagitan ng pakikilahok nito subalit nahahati kung kikilalanin ang Kosovo bilang nagsasarili (para sa mga katayuan ng pagkilala sa Kosovo ng bawat isang estadong kasapi, tingnan ang mapang nasa kanan) na walang pandaigdigang pagpayag at pahintulot ng Serbya. Tinatanaw ang kasunduan bilang pagtitiyak ng pagkakaisa ng Unyong Europeo hinggil sa katanungan, ngunit inihayag ng Panguluhan ng Konseho ng Unyong Europeo na hindi ito hahantong sa pagkilala ng isang malayang Kosovo.[12]
Ipinahayag ng Unyong Europeong legal na ibabatay nito ang misyon sa Resolusyon Bilang 1244 ng Konseho ng Seguridad ng Nagkakaisang mga Bansa, na magpapakilala ng pandaigdigang pamamahala ng Kosovo sa 1999.[12] Ngunit walang natanggap na bagong kautusan o mandato ang puwersa ng Unyong Europeo, na dating ipinlanong masasakop ng pahintulot ng mungkahing Ahtisaari ng Konseho ng Seguridad, dahil sa pagtanggi ng Rusya. Tiyakang hinarangan ng Rusya ang paglipat ng kasangkapan ng Nagkakaisang mga Bansa patungo sa mga kamay ng misyon ng Unyong Europeo.[13][14] Tinatanaw din ng Serbya ang misyon bilang isang pagkilala ng Unyong Europeo sa pagsasarili na ng Kosovo.[15]
Noong Nobyembre 2008, tinanggap ng Unyong Europeo ang hiling ng Serbya na huwag isagawa ang plano ni Ahtisaari sa pamamagitan ng EULEX at maging walang-kinikilingan hinggil sa katayuan ng Kosovo. Sa halip, tatanggapin ng Sebya ang EULEX at ang Konseho ng Seguridad ng Nagkakaisang mga Bansa.[16]
Mga hukbong ipinadala sa Kosovo
baguhin- Alemanya : Magpapadala ang Alemanya ng 600 mga sundalo bilang mga tagapagpanatili ng kapayapaan.[17]
- Italya: Magpapadala ang Italya 600 mga sundalo bilang tagapagpanatili ng kapayapaan.[17]
- Nagkakaisang Kaharian: Noong 25 Abril 2008, ipinahayag ng Nagkakaisang Kaharian na magpapadala rin ito ng isang panlabanang pangkat mula sa 2 Mga Riple, isang magaang na batalyong hukbong-lakad na may 600 mga sundalo, para tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan pampubliko.[18]
Tingnan din
baguhin- Koponang Tagapagplano ng Unyong Europeo para sa Kosovo (European Union Planning Team for Kosovo o EUPTK)[19]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "EurActiv.com - Serbia, Russia fury as Kosovo independence draws near | EU - European Information on Enlargement & Neighbours". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-09. Nakuha noong 2008-11-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ EUobserver.com
- ↑ "AFP: US diplomat says order must return to 'lawless' northern Kosovo". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-22. Nakuha noong 2013-12-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ FACTBOX: EU launches Kosovo police and justice mission | Reuters
- ↑ de Kuijer, Pim (2008-02-18) [Banggit] Ang ika-28 estadong kasapi, EU Observer
- ↑ "Kosovo leaders agree a grand coalition, independence "top priority"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-13. Nakuha noong 2022-03-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ EU mulling over timing of police mission to Kosovo - People's Daily Online
- ↑ "B92 - News - Politics - EU to postpone sending mission to Kosovo". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-06. Nakuha noong 2008-11-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "B92 - News - Politics - EU adopts Kosovo mission plan in urgent procedure". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-07. Nakuha noong 2008-11-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Spain Holds Staff From EU Kosovo Mission". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-03. Nakuha noong 2008-11-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Croatia in Kosovo mission". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-01. Nakuha noong 2008-11-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 Vucheva, Elitsa at Renata Goldirova (2007-12-14) EU agrees on Kosovo mission, EU Observer
- ↑ [1]
- ↑ [2]
- ↑ Vucheva, Elitsa (2007-12-17) EU Kosovo mission 'unacceptable' for Serbia, EU Observer
- ↑ "EU accepts Belgrade's conditions for EULEX". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-12. Nakuha noong 2008-11-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 "British troops arrive in Kosovo" Naka-arkibo 2008-05-26 sa Wayback Machine.ukpress.google.com 24 Mayo 2008 Nakuha noong 24/05/08
- ↑ "New mission for British troops in Kosovo" guardian.co.uk 25 Abril 2008
- ↑ "European Union Planning Team for Kosovo (EUPTK)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-20. Nakuha noong 2008-11-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)