Ang Modern Marvels ay isang Amerikano at pandaigdigang serye sa telebisyon ng History Channel. Nakatuon ang palabas sa kung gaano nakakaapekto at ginagamit sa kasalukuyang lipunan ang mga teknolohiya. Kabilang ito sa mga una at pinakamatagal nang pinalabas na palabas ng History, na unang isinahimpapawid sa unang araw ng pagsasahimpapawid ng History noong 1 Enero 1995.

Modern Marvels
GumawaBruce Nash
Isinalaysay ni/ninaMax Raphael (kasalukuyan)
Harlan Saperstein
Will Lyman
Greg Stebner
Bill Ratner
Jack Perkins
David Ackroyd
Bansang pinagmulanEstados Unidos
WikaIngles
Bilang ng season19
Bilang ng kabanata690 (Talaan ng mga kabanata ng Modern Marvels)
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapDon Cambou
Oras ng pagpapalabas44 minuto
KompanyaJupiter Entertainment
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanHistory Channel, H2
Orihinal na pagsasapahimpapawid1 Enero 1995 (1995-01-01) –
11 Abril 2015 (2015-04-11)
Website
Opisyal

Mula nang itong unang ipinalabas, nakagawa ng Modern Marvels ang higit sa 650 pang-isang oras na mga kabanata na sumasaklaw sa iba't-ibang mga paksa na may kaugnayan sa agham, teknolohiya, elektronika, mekaniks, inhenyeriya, arkitektura, industriya, mass production, paggawa, at agrikultura. Bawat kabanata ay karaniwang tumatalakay sa kasaysayan at produksiyon ng ilang magkaugnay na bagay; bilang halimbawa, isang kabanata tungkol sa mga dinalisay na espiritu (distilled spirits) ay tumatalakay sa produksiyon ng borbon na wiski sa Kentaki, eskoses na wiski sa Eskosya, at tequila sa Mehiko. Upang iangkop sa batayan ng network, nakatuon ang malaking bahagi ng isang kabanata ng Modern Marvels sa kasaysayan ng paksa.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. [1] Naka-arkibo September 12, 2008, sa Wayback Machine.

Mga kawing panlabas

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Telebisyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.