Pablo Amorsolo
Si Pablo Cueto Amorsolo (26 Hunyo 1898 – 21 Pebrero 1945) ay isa sa mga kinikilalang alagad ng sining sa pagpipinta sa Pilipinas. Kapatid siya ng isa pa ring bantog na pintor na si Fernando Amorsolo.[1][2][3][4]
Pablo Amorsolo | |
---|---|
Kapanganakan | 26 Hunyo 1898
|
Kamatayan | 1945
|
Mamamayan | Pilipinas |
Nagtapos | Unibersidad ng Pilipinas |
Trabaho | pintor |
Pamilya | Fernando Amorsolo |
Talambuhay
baguhinIsinilang siya sa Daet, Camarines Norte sa mag-asawang Pedro Amorsolo at Bonifacia Cueto. Nang nasa edad na walong taon pa lamang, lumipat ang kaniyang mag-anak sa Maynila.[1]
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging tagapagtangkilik si Amorsolo ng Greater East Asia Co Prosperity Sphere, at naglingkod siya bilang isang kolonel ng Kempetai ng Imperyo ng Hapon. Nang maging matagumpay ang pagbabalik ng mga kawal na Amerikano sa mga pampang ng Pilipinas, nahuli si Amorsolo ng mga hukbong Pilipino.[1]
Nahatulan siya at namatay sa pamamagitan ng pagbaril ng mga gerilya. Pumanaw siya sa ganitong paraan habang nasa Antipolo, Rizal.[1]
Edukasyon
baguhinNakapagsanay siya sa larangan ng pagpipinta sa ilalim ng tiyong dalubhasa sa pagpipinta na si Fabian de la Rosa. Matapos ang elementarya, nag-aral siya sa Liseo ng Maynila. Nakapagtapos din siya mula sa Paaralan ng Pinong Sining ng Unibersidad ng Pilipinas noong 1924.[1][3]
Matapos ang dalawang ng pagkakatala bilang mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas, nahirang siya bilang katulong na guro ng pagkapintor. Nagturo siya hanggang sa sumapit ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1]
Larangan ng pagpipinta
baguhinTagahanga at tagapagtangkilik si Amorsolo ng mga sining na makauna (klasiko) at maging ng mga makabago (moderno). Noong mga dekada ng 1930, marami siyang naiguhit at naipintang larawang pang-editoryal para sa mga magasing katulad ng Graphic, Tribune, La Vanguardia, Herald, at Manila Times. Isa siya sa naging sanhi ng pag-angat ng kasiningang may paksa at anyo (genre art) sa Pilipinas, sapagkat humabi siya ng malawakan at iba’t ibang uri ng mga mga larawan na nagpapakita ng mga pangyayaring katutubo at panlipunan. Bihasa at kilala rin siya bilang isang mahalagang pintor ng mga dibuho ng mga tao, na sinasabing nakapagbibigay-buhay sa mga paksang indibidwal. Nagpinta siya ng mga tao na nagmula sa sari-saring antas ng lipunan at maging mula sa iba’t ibang edad, kung saan naipakita niya ang kaniyang pagkakaunawa sa mga katangian at personalidad ng mga pinili niyang paksang tao. Kumatha rin siya ng mga obra na naglalarawan ng mga paksang may tuwirang kaugnayan sa kasaysayan ng Pilipinas. Halimbawa ng mga ito ang mga malalaking larawan tungkol kay Magallanes at sa mga katutubong Pilipino, ang Magellan and the Natives; isa pang halimbawa ang The Discovery of the Philippines (Ang Pagkakatuklas sa Pilipinas) na ipininta niya noong 1944.[1]
Sa kasawiang-palad, karamihan sa mga akdang larawan ni Amorsolo ang natupok sa isang sunog na naganap noong 1945.[1]
Mga gawa
baguhin- Si Fernando Magallanes at ang Mga Katutubo (Ferdinand Magellan and Natives)
- Piro, langis sa kanbas, 183 x 138 mm, 1930[5]
- Ang Pagkakatuklas sa Pilipinas (The Discovery of the Philippines), 1945
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 ”Pablo Cueto Amorsolo,” GeringerArt.com (walang petsa), nakuha noong 18 Marso 2008
- ↑ Isang artikulo tungkol kay Fernando C. Amorsolo na bumanggit kay Pablo Amorsolo, Cultural Heritage, GlobalPinoy.com, 2006 Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine., nakuha noong: 6 Abril 2008
- ↑ 3.0 3.1 Guillermo, Alice G. “Pablo Amorsolo” (bilang guro sa Unibersidad ng Pilipinas), Encyclopedia of Philippine Art. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
- ↑ "Amorsolo, Fernando, Pablo Amorsolo, Fabian de la Rosa at I. L. Miranda, Mga Dibuho ng Labindalawang Pilipinong Kababaihan, Muslima, Kristiyano at Pagano (Paintings of Twelve Philippine Women, Christian, Mohammedan and Pagan...), Maynila: Philippine Education Company, Inc., 1929. Paunang Salita ni A. V. H. Hartendorp, walang panandang pampahina, unang edisyon". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-12-28. Nakuha noong 2008-04-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2017-12-28 sa Wayback Machine. - ↑ ""Image 1: Pablo Amorsolo, Piro, 1930 (oil on canvasboard, 183 x 138 mm, Philippines, JB Vargas Museum, University of the Philippines, acc. no. UPVM-III.00077), Introduction: The Characterisation of Oil Paintings in Tropical Environments, The Behaviour of Western Artist's Materials in Tropical Environments, The Centre for Cultural Materials Conservation, 3 Oktubre 2007". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-19. Nakuha noong 2008-04-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-07-19 sa Wayback Machine.
Mga kawing na panlabas
baguhin- Osias, Camilo, Fernando at Pablo Amorsolo (mga ilustrador), The Philippine Readers Series (pagtatanghal), tomo ng mga paunang materyales ng pagtuturo noong kapanuhan ng mga Amerikano, 15 Setyembre – 12 Nobyembre 2006, The Landing Gallery, UP Museong Jorge B. Vargas, Diliman, Lungsod ng Quezon Naka-arkibo 2016-03-01 sa Wayback Machine. at Museong UP Vargas Naka-arkibo 2019-07-03 sa Wayback Machine.