Padron:UnangPahinaArtikulo/Maynila
Ang Maynila (Kastila: Manila) ay ang kabiserang lungsod ng Pilipinas. Matatagpuan ang lungsod sa kanlurang baybayin ng Look ng Maynila sa pinakamalaki at pinakahilagang pulo ng Pilipinas, ang Luzon. Bagaman laganap ang kahirapan, ito ay isa sa mga kosmopolitang lungsod sa mundo at ang bahaging metropolitan nito ay ang pang-ekonomiko, kultural, pang-edukasyon, at industriyal na sentro ng bansa.
Isang lumalagong pook metropolitan ang Maynila kung saan sentro ng halos sa 10 milyong katao. Ang bahaging Kalakhang Maynila, kung saan nabibilang ang lungsod ng Maynila, ay isang mas malawak na pook metropolitan na binubuo ng 17 lungsod at kabayanan.
Ang mismong Lungsod ng Maynila ay ang pangalawang pinakamataong lungsod sa bansa na may 1.5 milyong katao. Tanging ang Lungsod Quezon, isang pook sub-urban at ang dating kabisera ng bansa, ang may mas mataas na populasyon. Matatagpuan ang Maynila sa daigdig sa 14°35' Hilaga, 121°0' Silangan (14.58333, 121.0).
Noong ika-16 na siglo, sumibol ang Maynila mula sa isang pamayanang Muslim mula sa mga pampang ng Ilog Pasig kung saan naging sentro ito ng pamahalaang Espanyol sa loob ng 333 taong pagsakop sa Pilipinas.
Ang Maynila ay nasa bunganga ng Ilog Pasig sa gawing silanganan ng baybayin ng Look ng Maynila kung saan naman ito'y nasa kanlurang bahagi ng malaking Kapuluan ng Luzon. Nasa mga 950 kilometro timog-silangan ng Hong Kong at 2,400 kilometro hilagang-silangan ng Singapore. Ang Ilog Pasig ay humahati sa lungsod sa gitna.
Mga kamakailan lamang napili: Watawat ng Pilipinas - Abestrus - Kasaysayan ng Pilipinas