Tapay

(Idinirekta mula sa Pagtitinapay)

Ang tapay (Ingles: dough) o masa, na maaaring isadiwa bilang uri ng "bunton", "salansan", o "tumpok", ay isang makapal at malambot na kumpol na parang pandikit na yari mula sa anumang mga sereal (mga butil) o mga pananim na lehuminoso (gulay na buto) sa pamamagitan ng paghahalo ng harina sa maliit na dami ng tubig at/o ibang likido. Ang prosesong ito ay ang pauna sa paggawa ng isang malawak na samu't saring mga pagkain, partikular na ng mga tinapay at mga bagay na makatinapay (katulad ng mga pastelerya, mga bola-bola, mga tinapay na sapad, mga luglog, mga balat ng tinapay, mga pizza, mga binalumbong tinapay, mga biskuwit, mga otap (mga cookie), at kahalintulad na mga bagay. Kabilang sa mga ito ang lahat ng uri o kahalintulad na mga resipi na gawa magmula sa mais, bigas, sorgo (batad) , trigo, at iba pang mga angkak o kaugnay na mga pananim na ginagamit sa buong mundo.

Tapay.

Sa maraming mga bahagi ng gitnang India, ginagamit ng mga tao ang mabilis na paraan ng paggawa ng kaagad na naaasadong bola ng tapay o baati. Sa mga bansang nasa rehiyon ng Sahel ng Aprika, ang giniling at pinakuluang mga bola ng tapay (gawa mula sa sorgum o dawa) ay tinatawag na aiysh o biya, subalit hindi hinuhurno.[1] Ang mga tinapay na sapad na katulad ng pita, lafa, lavash, matzah o matzo, naan, roti, sangak, tortilla, o yufka ay gawa mula sa tapay at kinakain sa maraming mga bahagi ng mundo. Ang ilang mga tinapay na sapad, katulad ng naan at roti, ay gumagamit ng mga lebadura; ang iba naman na katulad ng matzo ay walang pampaalsa.

Ang tapay na nilebadurahan o sumailalim sa permentasyon, na yari mula sa tuyong giniling na mga angkak o mga uri ng munggo na hinaluan ng tubig at pampaalsa ng magtatapay, ay ginagamit sa buong mundo. Ang asin, mga mantika o mga taba, mga asukal o pulut-pukyutan at kung minsan mga gatas o mga itlog ay mga karaniwang sangkap din sa tapay.

Ang piniritong mga pagkaing may tapay ay karaniwan din sa maraming mga kultura.

Tingnan din

baguhin
  • Galapong, ang semi-likidong halo ng mga harina at mga likido
  • Pagtatapay (pagmamasa, masahin, "masahihin" ang tapay/masa, isang proseso ng paggamit ng tapay upang mahikayat ang pagbuo ng gluten, na karaniwang gawain sa pagtitinapay (paggawa ng tinapay)
  • Pasta
  • Kakaning may buto/butil
  • Waffle

Mga sanggunian

baguhin
 
Wikibooks
Ang Wikibooks Cookbook ay may artikulo hinggil sa
 
Wiktionary
Tingnan ang Tapay sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.