Pamilya ng wika
Ang isang pamilya ng wika ay isang pangkat ng mga wika na may kaugnayan sa pinagmulan sa isang karaniwang ninunong wika o magulang na wika, na tinatawag na proto-lengguwahe ng pamilyang iyon. Sinasalamin ng katawagang "pamilya" ang modelong puno ng pinagmulan ng wika sa makasaysayang lingguwistika, na ginagawang itong talinghaga para sa mga tao sa isang pambiyolohiyang pamilyang puno, o sa isang sumunod na pagbabago, para sa mga espesye sa isang pilohenetikong puno ng ebolusyonaryong taksonomiya. Sa gayon, isinasalarawan ng mga lingguwista ang mga anak na wika sa loob ng isang pamilya ng wika bilang henetikong magkakaugnay.[1]
Sang-ayon sa Ethnologue, mayroong 7,139 buhay na wika ang tao na nakakalat sa 142 na iba't ibang pamilya ng wika.[2][3] Ang isang "buhay na wika" ay ang kasalukuyang ginagamit na pangunahing anyo ng komunikasyon ng isang pangkat ng tao. Marami din mga patay na wika, o mga wika na wala nang buhay na katutubong tagapagsalita, at mga nalipol na wika, na wala ng inapong wika. Sa wakas, may ilang mga wika ang hindi sapat na napag-aralan upang iuri, at marahil, ilan sa kanila ang hindi alam kung umiiral pa sa labas ng kani-kanilang pamayanang salita.
Naitatag ang pagkakasapi sa mga wika sa isang pamilya ng wika sa pamamagitan ng pananaliksik sa lingguwistikang paghahambing. "Henetikong" nagmula ang mga kapatid na wika sa isang karaniwang ninuno. Kabilang sa isang karaniwang pamayanang salita ang mga tagagpagsalita ng isang pamilya ng wika. Tipikal na nangyayari ang pagkakaiba-iba ng isang proto-lengguwahe sa mga anak ng wika sa pamamagitan ng paghihiwalay sa heograpiya, na unti-unting nagbabago ang orihinal na pamayanang salita sa naiibang mga lingguwistikong yunit. Ang mga indibiduwal na kabilang sa ibang pamayanang salita ay maari din sundin ang mga wika mula sa isang ibang pamilya ng wika sa pamamagitan ng proseso ng paglipat ng wika.[4]
Tala ng mga pamilya ng wika
baguhinPuna: Naka-italicize ang mga pangalan ng wika sa Ingles.
- Indo-Europeo
- Austronesyo
- Malayo-Polynesian
- Borneo-Philippines
- Hilagang Filipinas
- Mesofilipino
- Sunda-Sulawesi
- Malay
- Sama-Bajaw
- Borneo-Philippines
- Malayo-Polynesian
- Afro-Asiatic
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Rowe, Bruce M.; Levine, Diane P. (2015). A Concise Introduction to Linguistics (sa wikang Ingles). Routledge. pp. 340–341. ISBN 978-1317349280. Nakuha noong 26 Enero 2017.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "How many languages are there in the world?". Ethnologue (sa wikang Ingles). 2016-05-03. Nakuha noong 2021-03-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What are the largest language families?". Ethnologue (sa wikang Ingles). 2019-05-25. Nakuha noong 2020-05-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dimmendaal, Gerrit J. (2011). Historical Linguistics and the Comparative Study of African Languages (sa wikang Ingles). John Benjamins Publishing. p. 336. ISBN 978-9027287229. Nakuha noong 26 Enero 2017.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)