Mga wikang Bisaya

(Idinirekta mula sa Pamilya ng mga wikang Bisaya)

Ang mga wikang Bisaya, ayon sa larangan ng dalubwikaan, ay kasapi ng pamilyang Gitnang Pilipino ng mga wika kung saan kabilang din ang Tagalog at Bikol. Karamihan sa mga wikang Bisaya ay sinasalita sa Kabisayaan ngunit sinasalita rin sila sa Bikol (partikular sa Sorsogon at Masbate), sa mga pulo sa timog ng Luzon tulad ng mga iyong mga bumubuo ng Romblon, sa hilaga at kanlurang mga bahagi ng Mindanao, at sa lalawigan ng Sulu sa timog-kanluran ng Mindanao. Ilan ding mga residente ng Kalakhang Maynila ang nagsasalita ng Bisaya, at ang karamihan ay nakakaunawa sa iba’t ibang digri dulot ng pamamayani rito ng mga Bisaya.

Bisaya
Bisayan, Bisaya, Binisaya
Distribusyong
heograpiko:
Kabisayaan at Mindanao
Klasipikasyong lingguwistiko:Austronesyo
Mga subdibisyon:
Banton
Cebuan
Gitnang Bisaya
Kanlurang Bisaya
Timog Bisaya (Surigaonon, Butuanon, Tausug)

Mga higit 30 wika ang bumubuo sa pamilyang Bisaya. Ang wikang Bisayang may pinakamaraming tagapagsalita ay ang Cebuano, sinasalita ng 20 milyong tao bilang katutubong wika sa gitnang Kabisayaan at sa hilaga at silangang mga bahagi ng Mindanao. Dalawa pang mga nangungunang wikang Bisaya ay ang Hiligaynon, na sinasalita ng 7 milyon sa kanlurang Kabisayaan, at ang Waray-Waray, sinasalita ng 3 milyon sa silangang Kabisayaan.

Katawagan

baguhin

Maliban sa pagtukoy ng kanikaniyang wika gamit ang mga lokal na pangalan, tinatawag din ng mga Bisaya, tulad ng mga Sugbuanon, Hiligaynon at Waray-Waray, na Bisaya o Binisaya ang mga wikang Bisaya. Subalit may kaakibat itong kabulaanan at pagkalito dahil ang iba't-ibang mga wikang itong gamit ng samu't-saring etnolingguwistikong pangkat ay may pagkakaibang istruktural (Ingles: mutual intelligibility). Sa kabilang dako, ang mga nakasailalim sa pamilya ng mga wikang Bisaya ngunit ay taal na ginagamit sa labas ng Kabisayaan ay hindi tinatawag na Bisaya o Binisaya ng mga nagsasalita nito. Higit pa, ang ngalang Bisaya para sa mga nagsasalita ng mga tulad ng Butuanon, Surigaonon at Masbatenyo ay tumutukoy sa mga Sugbuanon. Habang ang wikang Tausug ay kasapi ng pamilya ng mga wikang Bisaya, hindi ito kinikilala ng mga tagapagsalita nito bilang Bisaya, sapagkat ang ibig sabihin ng salitang Bisaya sa Tausug ay Kristiyano[1] partikular na ang mga katabing Sugbuanon at Hiligaynon.

Sa ngayon, wala pang katiyakan sa pinagmulan ng pangalang Bisaya. Gayunman, mayroon ding pangkat-etnikong naninirahan sa mga bahagi ng Borneong sakop ng Malaysia na katukayo ang mga Bisaya ng Pilipinas.

Pag-uuring Internal

baguhin

Naglahad si David Zorc ng internal na klasipikasyon ukol sa mga wikang Bisaya (Zorc, 1977:32).[2] Ang limang pangunahing sangay ay Timog, Cebuan, Gitna, Banton at Kanluran. Subalit inilinaw ni Zorc na ang mga wikang Bisaya ay mas nararapat na ituring na isang diyalektong kontinyuwum (Ingles: dialect continuum) imbis na isang hanay ng mga magkakabukod na wika. Sinasabing ang mga wikang Timog Bisaya ang kauna-unahang humiwalay sa pangkat na siyang sinundan ng Cebuan hanggang sa sumunod ang tatlo pang sangay. Sa mga pulong Kabisayaan, ang lalawigan ng Romblon ang pinakadibersipikado pagdating sa mga wika dahil tatlong kasapi ng mga sangay ay sinasalita rito.

36 uri sa kabuuan ang nakatala sa ibaba. Nakaitalisa ang mga indibidwal na wika:

 
Tsart ng mga Wikang Bisaya

Ang wikang pantulong (Ingles: auxiliary language) na Eskayan ay nagtaglay ng balarilang Bisaya, pero ito ay walang salitang Bisaya o Filipino.

Pag-uuring Ethnologue

baguhin

Samantala, ang 25 wikang Bisaya ay ikinaklasipika ng Ethnologue sa limang subdibisyon:

Pamilya ng wika Bilang ng wika Wika
Banton 1 Bantoanon
Cebuan 1 Cebuano
Gitnang Bisaya 1 Bantayanon
Periperal 5 Ati, Capiznon, Hiligaynon, Masbatenyo, Porohanon
Romblon 1 Romblomanon
Waray 3 Baybayanon, Kinabalian, Hilagang Sorsoganon
Gubat 1 Timog Sorsoganon
Samar-Waray 1 Waray-Waray
Timog Bisaya 2 Surigaonon, Tandaganon
Butuan-Tausug 2 Butuanon, Tausug
Kanlurang Bisaya 2 Aklanon, Caluyanon
Aklan 1 Malaynon
Kinaray-a 1 Kinaray-a
Cuyanon 2 Cuyo, Ratagnon
Hilagang-Gitna 1 Inonhan
Kabuuan 25

Rekonstruksyon

baguhin

Sinubukang buuin ni Davic Zorc ang Proto-Bisaya at napagpalagyang ito ay nagtaglay ng 15 mga katinig at 4 na mga patinig (Zorc, 1977:201). Kasama sa pagsusuring ito ang haba ng patinig, pangunahing diin (una sa huli at panghuli) at ikalawang diin (bago ang una sa huli).

Mga Proto-Bisayang Katinig
Panlabi Dental Palatal Belar Impit
Plosibo Walang tinig p t k ʔ
May tinig b d ɡ
Pahumal m n ŋ
Prikatibo s h
Lateral l
Aproksimant w j
Mga Proto-Bisayang Patinig
Taas Harap Sentro Likod
Nakasara i /i/ u /u/
Gitna ə /ə/
Nakabuka a /a/

Mga sanggunian

baguhin
  1. Jawali, Hamsali. 2006. Ta’u-sug–English–Tagalog Dictionary. National Bookstore: Mandaluyong.
  2. Zorc, David Paul. The Bisayan Dialects of the Philippines: Subgrouping and Reconstruction. Canberra, Australia: Dept. of Linguistics, Research School of Pacific Studies, Australian National University, 1977.