Simbahan ng Obando

Simbahang Romano Katoliko sa Obando, Bulacan
(Idinirekta mula sa Parokya ng San Pascual Baylon)


Ang Simbahan ng Obando[1][2][3] (kilala rin bilang Parokya ni San Pascual Baylon at Pambansang Dambana ng Nuestra Señora Immaculada Concepcion de Salambao) ay isa sa mga pinakamatanda at pinakamakasaysang simbahan sa Pilipinas. Matatagpuan ang parokya nito sa bayan ng Obando sa lalawigan ng Bulakan, sa pulo ng Luzon[4]. Itinayo ng mga misyonerong Pransiskano, sa ilalim ng watawat ng Espanya, isa itong pook na ginaganapan ng taunang may tatlong-araw na pagsasayaw sa Obando, bilang pagbibigay pugay at papuri sa tatlong pintakasing santo nito: San Pascual Baylon, Santa Clara ng Assisi at ang Ina ng Salambaw[5], isang pagdiriwang na binanggit ni Jose Rizal, ang bayaning pambansa ng Pilipinas, sa mga pahina ng kaniyang nobelang nasa wikang Kastila, ang Noli Me Tangere (sa Kabanata 6: Kapitan Tiyago). Tuwing buwan ng Mayo, isinasagaw ng mga parokyano at ibang mga deboto ang tatlong-araw na Sayaw sa Obando (dating kilala bilang Kasilonawan) sa loob ng simbahan, na sinusundang ng isang prusisyon sa kalye.[6]

Simbahan ng Obando
Parokya ni San Pascual Baylon at Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Salambao
  • Parish of San Pascual Baylon and National Shrine of Our Lady of the Immaculate Conception of Salambao (Ingles)
  • Santuario Nacional de Nuestra Señora de la Inmaculada Concepción de Salambao (Kastila)
Harapan ng simbahan
14°42′38″N 120°56′13″E / 14.710556°N 120.937028°E / 14.710556; 120.937028
LokasyonObando, Bulacan
BansaPilipinas
DenominasyonKatoliko Romano
Kasaysayan
ItinatagAbril 29, 1754
NagtatagFray Manuel De Olivencia
DedikasyonSan Pascual Baylon Birhen ng Salambao Santa Clara ng Assisi
KaganapanSayaw sa Obando
Arkitektura
EstadoParokya at Pambansang Dambana
Katayuang gumaganaAktibo
Natapos1947
Pamamahala
ParokyaSan Pascual Baylon
DiyosesisMalolos
Lalawigang eklesyastikalMaynila
Klero
(Mga) PariProceso Espiritu Ramon Bong P. Sabangan

Kayarian

baguhin

Nilarawang kamukha ang harapan ng simbahang ito ang simbahan ng Marilao, Bulacan. Binubuo ang edipisyo o gusali ng mga bintana at patag na mga haligi, at may pedimentong (agwas) may isang butas o uka at dalawang bilugang mga bintana sa tagiliran. Nasa gilid ng harapan ng simbahan ang isang oktagonal (may walong gilid) na toreng may kampana.[1] Kadikit ng istruktura nito ang Kolehiyo ng San Pascual Baylon, isang pribadong paaralang pinangangasiwaan ng parokya. Pinaniniwalaang nadadampian ng mga pilak ang dambana ng simbahan.[6]

Kasaysayan

baguhin

Itinayo ng Ordeng Pransiskano ang Simbahan ng Obando noong Abril 29, 1754 sa pamumuno ng unang kura Obandong si Reb. Pr. Manuel de Olivencia. Nasira ang simbahan ng magkasanib ng mga sundalong Pilipino at Amerikano noong 1945, sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, subalit muling itinayo sa pamamagitan ng pagsisikap ni Reb. Pr. Marcos C. Punzal[2][7] sa tulong ng mga lokal na parokyanong Obandenyo.[5] Kabilang sa mga kura parokong nangasiwa din ng Simbahan ng Obando mula pa noong mga 1900 sina: Reb. Pr. Juan Dilag, Reb. Pr. Padre Exequiel Morelos, Reb. Pr. Ricardo Pulido, Reb. Mon. Rome R. Fernandez, Reb. Pr. Marcelo K. Sanchez, at Reb. Pr. Danilo G. delos Reyes.[2] Si Reb. Pr. Rome Fernandez, sa tulong ng Komisyong Pangkultura ng Obando, ang muling bumuhay sa pagdiriwang ng Sayaw sa Obando noong 1972, makalipas ang isang pagbabawal ng arsobispo ng Maynila makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[8]

Sa kasalukuyan

baguhin

Itinalaga ng Simbahan Katoliko ang Simbahan ng Obando bilang isang "Dambanang Pangdiyosesis" ng Ina ng Malinis na Paglilihi ng Salambaw (Ina ng Salambaw). May kaugnay na ilang mga kapilyang pambaranggay ang simbahang ito ng Obando, Bulakan. Kabilang dito ang mga sumusunod: ang kapilya ng mga Barangay ng Panghulo, Catanghalan, Pag-asa, Paliwas, San Pascual, Hulo, Mahabang-Lawa (o Lawa), Tawiran, Wawang-Pulo, Liputan, at Ubihan. Dalawang dating kapilya ang mayroon nang katayuang parokyang simbahan: ang Parokya ng Santa Cruz sa Barangay Paco at ang Parokya ng Nuestra Señora de Salambao (ang Parokya ng Ina ng Salambaw) ng Barangay Binuangan. Kapwa ito nasa sakop pa rin ng pangkasalukuyang Obando, Bulakan. Samakatuwid, mayroon nang tatlong parokya ang Obando, Bulakan, at mayroong kani-kaniyang mga simbahang pamparokya ang bawat isa: yaong nasa mga barangay ng Paco at Binuangan, bilang karagdagan sa Parokya ng San Pascual Baylon (ang Simbahan ng Obando). Sa kasalukuyan, magkakatuwang na pinangangasiwaan ang mga parokyang ito ng tatlong kura paroko at isang bikaryong pamparokya. Kinabibilangan ito ng mga pangkasalukuyang mga kura parokong sina Reb. Pr. Danilo G. delos Reyes (parokya ng Simbahan ng Obando), Reb. Pr. Roberto G. Lunod (parokya ng Paco), Reb. Pr. Candido Diune Pobre (parokya ng Binuangan), at Reb. Pr. Dennis S. Cruz (bikaryong parokyal ng parokya ng Simbahan ng Obando).[2]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Visita Iglesia, the Old Churches of Bulacan Part 2 of 2 Naka-arkibo 2008-10-29 sa Wayback Machine.. Simbahan: Philippine Heritage Churches and Related Structures, 17 Marso 2008
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Kasaysayan ng Simbahan ng Obando.", Obando, Bayang Pinagpala!, Pamahalaang Bayan ng Obando, 2006/2007
  3. Obando Church Naka-arkibo 2014-11-03 sa Wayback Machine., Major Attractions, Bulacan, GlobalPinoy.com
  4. Obando Church (Obando, Bulacan, Luzon) Naka-arkibo 2012-02-11 sa Wayback Machine., HopAround.net
  5. 5.0 5.1 Obando Church, Religious, Things to Do and see in Bulacan, Bulacan, WowPhilippines.com
  6. 6.0 6.1 Philippines Obando Church Interior, Obando, Bulacan, ca. maagang 1900 Naka-arkibo 2009-01-06 sa Wayback Machine., Teleguam.net
  7. Ang baybay ng apelyido ni Reb. Pr. Marcos C. Punzal ay Punzal na may maliit na titik a, lingid sa Punzol na may o mula sa ibang makukuhang sanggunian. Matatagpuan ang tamang baybay sa aklat na Obando, Bayang Pinagpala! na nakatala rin at ginagamit na sanggunian sa pahinang ito.
  8. "Bagong Sigla," Obando: Alamat ng Isang Sayaw, Geocities.com

Tingnan din

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin

Mga larawan

baguhin

Mga panoorin

baguhin