Munisipalidad

(Idinirekta mula sa Philippine municipality)

Ang munisipyo o munisipalidad (Ingles: municipality) ay isang subdibisyon ng pamahalaan sa isang bansa. Ito ay isang lugar kung saan ang mga residente ay nasa daan-daan hanggang sa libu-libong tao. Sa pamahalaan, ito ay isang distritong administratibo na mayrong maliwanag na nakakatuturang teritoryo at ay nagtutukoy sa pamahalaang pambayan o panlungsod. Hindi ito magkapareho sa isang kanayunan o kabayanan.

Ang Gusaling Panlungsod ng Ponce sa lungsod ng Ponce, Puerto Rico, ay ang upuan ng pamahalaan para sa lungsod at sa mga pumapaligid na barrio na bumubuo sa munisipalidad.
Mapa ng lahat ng munisipalidad na lungsod sa Eslobenya

Maaari ring tumukoy ang salitang munisipalidad sa namamahalang lawas ng isang munisipalidad.[1] Ang munisipalidad ay karaniwang isang subdibisyon ng pamahalaan na may pangkalahatang layunin, taliwas sa isang distritong espesyal o special-purpose district.

A munisipalidad ay maaaring maging anumang hurisdiksyong politikal mula sa pinakamataas na estado, tulad ng Prinsipalidad ng Monaco, hanggang sa isang maliit na nayon, tulad ng West Hampton Dunes, New York.

Maaaring sumaklaw sa teritoryo kung saan may hurisdiksyon ang munisipalidad ang mga sumusunod:

Mga kapangyarihang pampulitika

baguhin

Saklaw sa mga kapangyarihan ng mga munisipalidad ang mula sa awtonomiyang birtwal hanggang sa lubusang pagpapasupil sa estado. Maaaring magkaroon ng karapatan ang mga munisipalidad na pabuwisin ang mga indibidwal at korporasyon na may buwis sa kinikita, buwis sa ari-arian, and buwis sa kinikita sa korporasyon, ngunit makatatanggap din ng kargdagang pagpopondo mula sa estado.

Sa mga iba't ibang bansa

baguhin
 
Munisipalidad ang lahat ng Lungsod ng New York pati na rin ang kanyang pinagsamang limang boro.
  1. Manhattan
  2. Brooklyn
  3. Queens
  4. The Bronx
  5. Staten Island

Komuna

baguhin

Sa mga iba't ibang bansa, karaniwang tinutukoy ang mga munisipalidad bilang mga "komuna" o "komyun", lalo na sa mga wikang Romanse (na nagmula sa Latin) tulad ng Pranses na commune (Pransya, mga rehiyon ng Belhiko at Suwesa na nagsasalita ng Pranses, mga bansa ng Aprika na nagsasalita ng Pranses, hal. Benin), Italyanong comune, Rumanong comună, at ang Kastilang comuna (Tsile), at sa mga Hermanikong wika tulad ng Alemang Kommune (sa pulitikal na pagsasalita, Gemeinde ang opisyal na termino), Suwekong kommun, Peroes na kommuna, Noruwego, Danes na kommune, Polakong gmina, Olandes/Flamenkong Gemeente, at Luksemburgues na Gemeng.

Munisipalidad

baguhin

Nagkakaugnay ang lahat sa "municipality" (kadalasang tumutukoy sa teritoryo o istrakturang pampulitikal)[kailangang linawin] Sa Kastila municipio (Espanya, Teritoryo), municipalidad (Tsile, Munisipyo or Teritoryo), Katalan municipi (Teritoryo).

Mga ibang salita

baguhin

Ikinalilito ng ilang mga tao ang mga salitang tumutukoy sa teritoryo o sa istrakturang pampulitkal (Komuna o Munisipalidad) laban sa Munisipyo. Kastilang ayuntamiento (na tumutukoy sa Munisipyo). Halimbawa, sa Moldova at Romania mayroong mga munisipalidad (municipiu; lunsuring pangkat ng pamamahala) at mga komuna (comună; lahat ng mga kanayunang pangkat), at maaaring maging bahagi ng munisipalidad ang isang komuna (tingnan din: mga komun ng Moldova, mga komun ng Rumanya).[kailangan ng sanggunian]

Nagsasalita ng Ingles

baguhin
  • Sa Australya, ginagamit ang terminong local government area (LGA) sa halip ng panlahatang munisipalidad. Dito, ang mga "Istraktura ng LGA ay sumasaklaw lamang sa mga ininkorporadang bahagi ng Australya. Ang mga ininkorporadang bahagi ay ligal na itinalagang bahagi ng mga estado at teritoryo kung saan may responsibilidad ang mga ininkorporadang lokal na namamahalang lawas."[3]
  • Sa Canada, ang mga munisipalidad ay mga pamahalaang lokal na itinatag sa pamamagitan ng panlalawigang at teritoryal na pagbabatas, karaniwang sa loob ng mga pangkalahatang munisipal na kautusan.[4][5] Kabilang sa mga uri ng mga munisipalidad sa loob ng Canada ang mga lungsod, distritong munisipalidad, munisipal na distrito, munisipalidad, parokya, panlalawigang munisipalidad, bayan, nayon, bukod sa iba pa.[5] Ang Lalawigan ng Ontario ay may iba't ibang baitang ng munisipalidad, kasama ang mga mababa, mataas, at solong baitang.[6] Kasama sa mga uri ng mga munisipalidad na may mataas na baitang sa Ontario ang mga kondehan, distrito, o bayan bilang mga yunit na munisipal.[7]
  • Sa Indya, ang Munisipalidad o Nagar Palika ay isang lunsuring lokal na lawas na namamahala sa lungsod na may populasyon na 100,000 o higit pa. Gayunpaman, mayroong mga pagbubukod doon, dahil itinatag dati ang mga Munisipalidad sa mga lunsuring sentro na may populasyong humihigit sa 20,000, kaya lahat ng mga lunsuring lawas na dating nauri bilang Munisipalidad ay nauri muli bilang Munisipalidad kahit na mas mababa kaysa sa 100,000 ang kanilang populasyon. Sa ilalim ng sistema ng Panchayati Raj, nakikipag-ugnayan ito nang direkta sa pamahalaan ng estado, pero administratibong bahagi ito ng distrito. Karaniwang may mga Munisipalidad ang mga mas maliit na distritong lungsod at mas malalaking bayan. Ang munisipalidad ay isa ring anyo ng lokal na panariling-pamahalaang ipinagkatiwala ng mga tungkulin at responsibilidad, tulad ng nabuo sa Constitutional (74th Amendment) Act,1992.
  • Sa Reyno Unido, ginamit ang salita hanggang na naisakatuparan ang 1972 Local Government Act noong 1974 sa Inglatera and Gales, at hanggang 1975 sa Eskosya at 1976 sa Hilagang Irlanda, "parehas para sa lungsod o bayan na isinaayos para sa panariling-pamahalaan sa ilalim ng munisipal na korporasyon, at para sa namumuno mismo. Binubuo itong korporasyon sa Britanya ng pinuno bilang mayor o puno, at nakatataas na miyembro, tulad ng konsehal".[8] Mula noong pagbabaguntatag ng lokal na goberyno, kilala ang yunit bilang district sa Inglatera, Hilagang Irlanda, at Gales, at council area sa Eskosya. Maaaring pagkalooban ang isang district ng katayuan bilang borough o city, o maaaring panatilihin ang kanyang titulo bilang district.
  • Sa Jersey, tumutukoy ang munisipalidad sa mga marangal na opsiyal na nahahal para patakbuhin ang tig-isa sa mga 12 pinaghatiang parokya. Ito ang pinakamataas na antas ng pamahalaang rehiyonal sa hurisdiksyong ito.
  • Sa Trinidad at Tobago, naiintindihan ang "munisipalidad" bilang lungosd, bayan, o iba pang yunit ng lokal na pamahalaan na binuo sa pamamagitan ng kartang munisipal mula sa estado bilang korporasyong munisipal. Maaaring parangalan ang bayan ng estado ng boro at kalaunang itaas sa estado ng lungsod. Chaguanas, San Fernando, Port of Spain, Arima at Point Fortin ang 5 kasalukuyang munisipalidad sa Trinidad at Tobago.
  • Sa Estados Unidos, naiintindihan ang "munisipalidad" bilang lungsod, bayan, nayon, o iba pang yunit ng lokal na pamahalaan, na binuo ng kartang munisipal mula sa estado bilang korporasyong munisipal.[9] Sa konteksto ng batas ng estado, mas malawak ang kahulugan ng mga ilang Amerikanong estadong kodigo sa salitang "munisipalidad", mula sa estado mismo hanggang sa anumang subdibisyong pulitikal na ibinigay ng hurisdiksyon sa isang lugar na maaaring isama ang iilang populadong pook at di-populadong pook.[10][11] (Tingnan din ang Pampulitikang paghahati ng Estados Unidos.)

Nagsasalita ng Tsino

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Municipality". Merriam-Webster.
  2. "Santiago de Chile – Comunas". Mapas de Chile, Castor y Polux Ltda. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-09-20. Nakuha noong 2019-09-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2019-09-20 sa Wayback Machine.
  3. "Australian Standard Geographical Classification (ASGC)". Australian Bureau of Statistics.
  4. "Municipal Government". The Canadian Encyclopedia > Government > Government, General > Municipal Government. Historica Foundation of Canada. 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-02-13. Nakuha noong 2011-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-02-13 sa Wayback Machine.
  5. 5.0 5.1 "Interim List of Changes to Municipal Boundaries, Status, and Names – From January 2, 2010 to January 1, 2011" (PDF). Statistics Canada. Abril 2011. Nakuha noong 2011-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "List of Ontario Municipalities". Ontario Ministry of Municipal Affairs and Housing. 2011-07-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-28. Nakuha noong 2011-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-02-28 sa Wayback Machine.
  7. "Municipal Government Act" (PDF). Office of the Legislative Counsel, Nova Scotia House of Assembly. 2010-01-07. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-12-01. Nakuha noong 2011-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Wikisource:1911 Encyclopædia Britannica/Municipality
  9. "Legal Dictionary: Municipal Law". FindLaw.
  10. "2009 Nevada Code". Justia.
  11. "Kansas Statues". Lesterama. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-08-20. Nakuha noong 2019-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-08-20 sa Wayback Machine.