Ang pinakbet o pakbet (Ingles: meat-vegetable stew) ay isang pagkaing Pilipino mula sa rehiyon ng Ilocos ng Pilipinas. Kabilang sa mga sangkap nito ang kamatis, sibuyas, bawang, talong, okra, ampalaya, kamote o kalabasa na may laman ng baboy o baka at gulay. Karaniwang ginigisa at pinakukuluan ang mga sangkap nito at sinasahugan ng bagoong bilang pampalasa.[1] Ang salita ay pinaikling anyo ng salitang Ilokano na pinakebbet na may kahulugang "umikli" o "nalanta."[2] Sa orihinal na Ilokanong baryante, ginagamit ang bagoong ng nangasim na monamon o iba pang isda, bilang sawsaw, habang sa katimugan, ginagamit ang bagoong alamang.

Pinakbet
Pinakbet na may talong, kalabasa, okra, sitaw, at bagnet
KursoUlam
LugarPilipinas
Kaugnay na lutuinLutuing Pilipino
Ihain nangMainit
Pangunahing SangkapBagoong o alamang, gulay, isda, karne
Mga katuladDinengdeng
Mga gulay pampinakbet: ipinapakita ang ampalaya, kalabasa, okra, talong, sitaw, at sili
Ang tunay na pinakbet ng Bulacan (La Familia ng Baliuag)

Karamihan sa mga gulay na ginagamit dito ay madaling hanapin at itinatanim sa mga bakuran at hardin ng mga Ilokanong sambahayan. Tulad ng imumungkahi ng pangalan nito, kadalasang niluluto ito hanggang maging halos tuyo; sa baryanteng Tagalog, pinapatingkad ng bagoong. Minsan, idinaragdag ang lechon, chicharon, o iba pang karne (kadalasan, karneng baboy).

Tingnan din

baguhin
  • Dinengdeng — isang salita ng ginagamit ng mga Ilokano para tumukoy sa anumang putaheng gulay. Kahit iba ito sa pinakbet, ginagamit din ang salitang ito para sa pinakbet. Magkakaiba itong dalawa sa pamamaraan ng pagluto at kahit sa mga sangkap.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Laquian, Eleanor at Irene Sobreviñas. Filipino Cooking Here and Abroad, nasa wikang Ingles, 1977 (Unang Taon ng Paglilimbag), National Bookstore, Lungsod ng Maynila, Pilipinas, pahina 119 at 194, ISBN 9710800620
  2. "Pakbet / Pinakbet". San Pablo City. 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-04-08. Nakuha noong 2012-07-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.