Pista opisyal sa Pilipinas

Ang mga pagdiriwang sa Pilipinas ay ang anumang pag-alaala at pagdaraos na ginaganap sa Pilipinas bawat taon. Kinabibilangan ito ng masasayang mga selebrasyon at pagsasakatuparan ng mga kapistahan. Dahil sa mga okasyon ang mga ito, karaniwang kinasasangkutan ito ng mga punsiyon o pagtitipon, mga seremonya, at mga parada. Ilan sa mga halimbawa ng ganitong mga pestibal ang mga pagpipista ng mga Pilipino upang alalahin ang Pasko o araw ng mga santo, kaarawan o araw ng kapanganakan ng Pangulo ng Pilipinas, ang Sayaw sa Obando, at ang Pasko ng Pagkabuhay.[1]

Mga tagapagdala ng Watawat ng Pilipinas noong ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang pang-2006 na Araw ng Kalayaan sa Lungsod ng Bagong York sa Estados Unidos. Isang tanda na nagdaraos din ng mga Pagdiriwang ng Pilipinas ang mga Pilipinong nasa ibang mga bansa.

Sa loob ng isang taon, maraming nangyayaring mga pagdiriwang sa bansang Pilipinas. Kabilang sa mga uri nito ang pagiging mga pambansang pagdiriwang, mga pansibikong pagdiriwang, at mga pagidiriwang na panrelihiyon o makapananampalataya.[2]

Pagdiriwang sa 2014 [3]

baguhin
Araw Petsa Pambansa Pagdiriwang
Regular na pista opisyal
Martes Enero 1 Bagong Taon
Huwebes Marso 28 Huwebes Santo
Biyernes Marso 29 Biyernes Santo
Martes Abril 9 Araw ng Kagitingan
Miyerkules Mayo 1 Araw ng mga Manggagawà
Miyerkules Hunyo 12 Araw ng Kalayaan
Lunes Agosto 26 Araw ng mga Bayani
Sabado Nobyembre 30 Kaarawan ni Bonifacio
Miyerkules Disyembre 25 Araw ng Pasko
Lunes Disyembre 30 Araw ng Kabayanihan ni Dr. José Rizal
Espesyal na pista opisyal
Lunes Pebrero 25 Anibersaryo ng Rebolusyon sa EDSA
Sabado Marso 30 Sabado Santo
Miyerkules Agosto 21 Araw ng Kabayanihan ni Ninoy Aquino
Biyernes Nobyembre 1 Araw ng mga Santo
Pagdiriwang na sumali
Martes Disyembre 24 sa Araw ng Pasko
Martes Disyembre 31 sa Bagong Taon

Mga pambansang pagdiriwang

baguhin

Tinatawag na mga pambansang pagdiriwang ang mga okasyong inaalala at idinaraos sa buong kapuluan ng Pilipinas. Naging mahalaga ang mga ito para sa lahat ng mga Pilipino dahil sa may kaugnayan ang mga kapistahang ito sa kasaysayan ng Pilipinas at ng lipunang Pilipino. Kalimitang itinuturing at ipinapahayag bilang isang pistang opisyal ang ganitong mga kaarawan at walang mga pasok sa mga tanggapan at mga paaralan upang makalahok sa mga seremonya ang bawat isang mamamayang Pilipino. Kabilang dito ang Bagong Taon, Araw ng Rebolusyong EDSA, Araw ng Kagitingan, Araw ng Manggagawa, Araw ng Kalayaan, at Araw ng mga Bayani.[2]

Pagdiriwang na regular

baguhin
Petsa Pambansa Pagdiriwang
Enero 1 Bagong Taon
Marso-Abril Huwebes Santo
Marso-Abril Biyernes Santo
Abril 9 Araw ng Kagitingan
Mayo 1 Araw ng mga Manggagawà
Hunyo 12 Araw ng Kalayaan
Lunes sa huling Agosto Araw ng mga Bayani
Nobyembre 30 Kaarawan ni Bonifacio
Disyembre 25 Araw ng Pasko
Disyembre 30 Araw ng Kabayanihan ni Dr. José Rizal

Pagdiriwang na spesyal

baguhin
Petsa Pambansa Pagdiriwang
Pebrero 25 Anibersaryo ng Rebolusyon sa EDSA
Marso-Abril Sabado Santo
Hunyo 27 Araw ng mga Mestiso
Agosto 21 Araw ng Kabayanihan ni Ninoy Aquino
Nobyembre 1 Araw ng mga Santo

Mga pansibikong pagdiriwang

baguhin

Ang mga pansibikong pagdiriwang ay mga okasyong idinaraos sa Pilipinas sa loob ng iba't ibang mga buwang nasa loob ng isang taon. Hindi ito mga kapistahang opisyal kaya't mayroong mga pasok sa mga opisina at mga paaralan. Ngunit may mga partikular na pook na nagpapahayag na walang pasok sapagkat itinuturing ang pista bilang isang pampook o lokal na pistang opisyal. Halimbawa ng huli ang araw ng pagkakatatag ng isang lungsod o lalawigan sa Pilipinas. Narito ang may mas malawak na sakop na mga pagdiriwang na pangsibiko: ang Araw ng mga Puso, Linggo ng Pag-iwas sa Sunog, Araw ng mga Ina, Araw ng mga Ama, Linggo ng Wika (na kaarawan din ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa), Araw ng mga Nagkakaisang Bansa, Linggo ng Mag-anak, Araw ng mga Guro, Araw ng Maynila, at Araw ng Lungsod Quezon.[2]

Mga panrelihiyong pagdiriwang

baguhin

Marami at sari-sari ang mga idinaraos na pagdiriwang na pangpananampalataya sa bansang Pilipinas. Katulad ng ibang mga pagdiriwang, ginaganap ito sa iba’t ibang mga buwan sa loob ng buong taon. Kinakikitaan ito ng mga kaugalian, katangian, at kalinangan ng mga Pilipino. Mayroong mga piyesta opisyal at meron namang hindi opisyal na kapistahan sa ganitong mga uri ng pagdiriwang. Kabilang sa mga ito ang Pasko, Ati-Atihan, Mahal na Araw, Pahiyas (sa Quezon), Santakrusan, Pista ng Peñafrancia, Araw ng mga Patay (Todos los Santos), Ramadan, at Hari Raya Puasa.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Mga paliwanag at halimbawa ukol sa diwang at pagdiriwang". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 452.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Mga Pagdiriwang sa Pilipinas Naka-arkibo 2009-04-20 sa Wayback Machine., Seasite.niu.edu
  3. http://newsinfo.inquirer.net/262214/aquino-declares-16-national-holidays-for-2013